Hacky De Belen POV
Nang tumayo at nagtungo na ang mga manlalaro sa gitna ng court para masimulan na ang laro ay agad na nagsigawan ang mga tao. Ganuon din ang ginawa namin ng mga kaibigan ko.
Maayos ang simula ng laro pero inaasahan ng lahat na mag-iinit din ito katagalan. Malaki kasi ang premyo para sa mananalo. Siyempre kong mananalo ang team ni Tom ay hindi na siya bibigyan ng premyo. Yung mga ka-team niya na lang. Tuwing anniversary talaga ng hotel ay galante ito. Malaki ang papremyo sa lahat ng palaro. Itong panahon na ito ang pinakakaabangan ng mga empleyado at tuwing pasko din. Na bukod sa Christmas bonus ay marami ding iba pang binibigay na regalo ang kompanya. Naalala ko ring nasabi ni Tom minsan sa kwentuhan namin na ang pagiging galante sa mga empleyado ay isa ding investment.
Kalmado lang si Tom sa simula ng laro. Tila ba nagwawarm-up lang. Wala sa sarili pa nga siyang tumatakbo patalikod habang pinapanuod kung sino ang kasalukuyang may hawak ng bola.
Kahit hindi pa siya seryoso sa paglalaro ay natutuwa parin akong panuurin siya. Paulit-ulit hinahanap ng mga mata ko ang nakasulat niyang apelyido sa likod ng kaniyang jersey. While imagining to have that last name too.
Nang lumapat ang bola sa kaniya nang unang beses ay para bang bigla na lang huminto ang puso ko galing sa pagwawala nito. Wala siyang kahirap-hirap na nag-three points shot. Pagkatapos ay mayabang na bumaling sa akin. Linunok ko na lang ang kaba at kasabay ng ibang kababaihan ay napasigaw na rin ako. Halos wala namang nakapansin duon dahil abala din ang lahat sa pagsigaw. Maging iyung tagasuporta ng ibang team ay sumigaw dahil sa ginawang puntos iyung ni Tom. Ngunit nang makitang nagtatalon si Christina at may hawak pang dalawang red na pom-poms ay agad nagsiklab ang inis ko. Nanduon siya sa harap ng benches para sa team nila Tom. Nakakainis pa lalo na nakakaagaw siya ng pansin dahil sa suot niya at dahil natural na siyang sikat.
Ano te? Girlfriend ka ba?
Pilit ko na lang inalis ang mga mata ko sa kaniya. Binaling ko ito kay Tom na nagseseryoso na sa laro. Mukhang tapos na ang warm up niya. Hindi ako maalam sa larong ito pero alam kong magaling siya. Mabilis siya at madaling nakakapuntos. Maganda ding pangdepensa ang malapad at matangkad niyang katawan.
Para akong baliw sa tuwing makakapuntos siya. Natutuwa lalo na at madalas niya akong mayabang binabalingan. Na para bang nagpapasikat siya sa akin. Ngunit maiinis naman kapag nakikita si Christina. Naghalo na ang inis,galit at sells nang magkaruon ng break. Agad na nagtungo ang team ni Tom sa benches kung nasaan si Christina. Malamig na ang tingin ko at nakahalukipkip na dahil kita ko na si Christina na may dalawang puting towel upang salubungin ang pawisan ni Tom. Really? She gonna do my dream? Wiping Tom's sweats?
Talagang pinanuod ko ang bawat kilos nilang dalawa. Dahil wala sa sariling naglalakad si Tom sa gitna ng kaniyang mga teammates ay huli na nang malaman niyang lumalapat na pala sa nuo niya ang towel na dala ni Christina. Agad siyang napatalon dahil dito at galit na tiningnan si Christina. Agad din siyang umatras. Kabado siyang bumaling sa akin na nasa taas lang nila. Malamig ang tingin ko sa kaniya. Tinaasan ko rin siya ng kilay.
Nag-aalala siyang nagkibit-balikat. Like he's saying that it's not his fault. Alam ko iyun. Talagang itong si Christina lang ang may kagagawan ng lahat. Ang totoo niyan hindi lang basta inis ang nararamdaman ko kundi sakit na rin. Ang sakit lang panuurin ng taong mahal mo na sinusubukang hawakan ng iba. Ang sakit lang isipin na wala kang ibang magawa. Kung wala lang talaga kami sa sitwasyong ganito ay malamang diyan na ako naupo sa bench na iyan at mag-aabang sa break nila at ako na rin mismo ang magpupunas ng pawis niya. Ngunit hindi ko iyun magawa dahil sa sitwasyon naming ito. It's frustrating. Yung may gusto kong gawin at alam mo namang walang mali duon pero hindi mo parin magawa. Para bang abot mo naman ang isang bagay pero hindi pala. Nakakainis at sa huli nakakaiyak. It's just frustrate you.
BINABASA MO ANG
Storm In The Middle Of Summer
Romance"Joanna" Tawag ko sa kaibigan ko. "Totoo bang masayang ma-in love?" Tanong ko habang nakatingin sa kawalan. "Oo, naman. Kaya nga maraming nagpapakatanga dahil sa pag-ibig. Kasi alam nilang sasaya sila dahil dito." Siguradong sagot ng aking kaibigan...