Hacky de Belen POV
Hinatid ako ng sasakayan ni Ariel kasama ang driver at katulong niya sa isang matayog na building sa Makati. Gabi na at malakas ang ihip ng hanging. Sa tingin ko uulan.
Nahihiya pa akong lumabas ng sasakyan dahil sa hitsura ko. Kakaunti lang ang tao dito basement at wala rin akong nakikitang naka-costume. Kahit pa na kaunti lang ang tao nakakahiya parin. Wala man lang akong dalang jacket pantakip sa akin. Ang gusto lang kasi talagang ipadalang gamit sa akin ng katulong ni Ariel ay cellphone ko. Ni wala akong dalang wallet o ano.
"Ma'am sa pinakataas na floor daw po. Duon daw po sa restaurant." Huling sabi sa akin ng katulong ni Ariel. Hindi niya na ako sasamahan hanggang dito na lang sila sa basement.
"Sige." Nagdadalawang isip kong sabi pero nagpaalam na rin ako sa kanila at nagpasalamat.
Nahihiya akong nagtungo sa elavator. Wala akong ibang magawa kundi yumuko. Pinagtitinginan ako ng bawat taong nakakakita sa akin. Mayruon pa akong narinig na hindi na napigilan ang tawa. Sobrang nahihiya na ako at parang gusto ko na lang umuwi pero sa isip ko nandito narin naman ako kaya itutuloy ko na. At baka pagdating ko sa tamang palapag may makita narin naman akong naka-costume.
Ang ilang minuto ko sa elavator ay parang habangbuhay dahil sa kahihiyan ko. Nang nasa tamang palapag na ako ay akala ko mabubunutan na ako ng tinik sa dibdib pero hindi parin. Unang sumalubong sa akin ang malawak na garden. Puno ito ng ilaw. Napakagandang tingnan lalo na at tanaw mo ang buong gabi. Ang buwan at mga bituwin. Tanaw din ang iba't-ibang matayog na gusali sa hindi kalayuan. Ang ganda sana ng tanawin ngunit halos hindi ko na mapansin iyun dahil sa kahihiyan. Marami na akong taong nakikitang tao ngunit wala parin akong nakikitang naka-costume. Nakikita ko na rin ang restaurant sa hindi kalayuan. Maraming tao duon at tila inarkila ang buong lugar dahil magkakilala ang lahat. Nakikita ko kasing nag-uusap ang lahat.
Umihip ang malakas na hangin hanggang sa biglaan na lang ang pagbuhos ng ulan. Kasama ko agad na nagmadali ang mga tao upang makahanap ng silong. Karamihan ay tumuloy na sa restaurant. Ako naman ay unang nakita ang comfort room sa malapit. Agad akong nagtungo duon. Sa pagmamadali saglit kong nakalimutan ang nakakahiya kong hitsura ngunit nang nasa loob na ako at pinagtitinginan na ako ng mga babae na nanduon ay agad naman itong bumalik. Agad na lang akong pumasok sa isang bakanteng cubicle.
Ano ba itong pinagagawa ko? Tama ba itong pinuntahan kong lugar?
Habang naguguluhan ay inaayos ko ang sarili ko. Wala man lang akong dalang panyo o salamin para makita ko man lang kung ano na ang hitsura ko. Dahil sa biglang pagbuhos ng malakas na ulan ay agad na akong nabasa. Kung nagtagal pa ako duon baka umi-straight na itong afro kong rainbow.
"Can't believe Tom is proposing to that girl." Narinig kong boses ng isang babae.
Ito yata yung mga babaeng naabutan kong nag-aayos dito.
"Yeah right. Maintindihan ko pa kung maganda siya. E, hindi rin naman. She's too plain. Actually lower than plain. Suutan mo man siya ng mamahaling damit ganuon parin talaga ang hitsura niya." Sagot naman ng isang babae.
"Pinagsasapilitan niya pa ang sarili niya kina Ariel. She's social climbing. Kaya naman may plinano daw sina Ariel para mapahiya siya ngayon?" Natatawa at nasasabik na sabi.
"I already heard about that. What she's planning anyway? I hope hindi matuloy ang proposal ni Tom sa kaniya dahil sa plinano ni Ariel na yan. What's the girl name anyway? Hacky? Thinking that she will be marrying Tom made me puke. Parang natatapakan pride ko."
"The plan is a surprise daw." Habang tumatagal ang usapan nila mas lalo silang nasasabik at natatawa.
Hindi ko alam kung paanong hindi ako naluha kahit sobrang sakit. Naghahalo ang sakit at galit. Hindi ko alam kung ano ang lamang dahil parehas mabilis ang pag-uunahan dito. Hindi ko alam kung paanong nagkasya sa puso ko ang dalawanng emosyon na sobrang tindi at mabilis na kumalat sa buong katawan ko.
BINABASA MO ANG
Storm In The Middle Of Summer
Romance"Joanna" Tawag ko sa kaibigan ko. "Totoo bang masayang ma-in love?" Tanong ko habang nakatingin sa kawalan. "Oo, naman. Kaya nga maraming nagpapakatanga dahil sa pag-ibig. Kasi alam nilang sasaya sila dahil dito." Siguradong sagot ng aking kaibigan...