Hacky De Belen POV
"Let's go." Malamig na sabi ni Tom at tinalikuran na ako.
Agad ko naman siyang sinundan. Pinapanuod ko ang santan na bracelet sa kaniyang palapulsuhan hindi niya rin naman iyun tinanggal.
"Galit ka ba?" Masuyo kong tanong. "Galit ka ba kasi umalis ako ng room ko na hindi nagpapaalam sa'yo?"
Binilisan ko ang lakad para makasabay sa kaniya. Nasa gilid niya na ako. Pinapanuod ko ang suplado niyang ekspresyon. Diretso lang ang tingin niya sa nadadaanan na para bang hindi ako naririnig.
"Sorry. Akala ko kasi tulog ka pa." Pero nakita kitang may kausap na maganda sa lobby but I'm truly fine with it. "Naglakad-lakad ako tapos sa sobra kong pagkali ang hindi ko na namalayan ang oras." Napatingin ako sa langit at hindi kalayuang dagat na bahagyang natatakpan ng ilang puno galing dito. "Naku! Papalubog na pala ang araw."
Kinuha ko ang isa niyang palapulsuhan para hilahin siya papunta sana sa tabing dagat ngunit dahil sa pagmamatigas at lakas niya para lang akong spring na nag bounce back sa katawan niya. Natawa pa ako ng magtama ang katawan namin ngunit siya ay mas lalong dumilim ang mata na para bang hindi siya natutuwa sa pagtawa ko. Ngumuso na labg ako at tinago ang aking ngiti. Hindi ko parin binitiwan ang palapulsuhan niya. Hirap ko siyang hinila mula duon. Kung hindi siya humakbang ng kusa malamang hindi ko siya tuluyang mahihila. Nang makarating naman kasi sa buhanginan binawi niya ang palapulsahan niya mula sa akin. Hinayaan ko siya at maingat na tinitingnan ang masungit niya paring ekspresyon. Patuloy lang siya sa paglalakad at hindi man lang binalingan ang magandang paglubog ng araw.
"Ganda! Walang sinabi ang sunset ng Manila Bay." Naiwan niya na ako dahil sa pamamangha ko. Agad ko naman siyang hinabol.
Tahimik na lang ako sa pagsabay na paglakad sa kaniya habang maya-maya din ang tingin ko sa kaniya. Hanggang sa umabot kami sa paanan ng resort ay hindi man lang niya ako binalingan. Nahiga siya sa isa sa mga sun lounger duon. Ngumuso ako habang nakadungaw sa kaniya. Umupo ako sa gilid ng hinihigaan niya. Dahil sa laki niya at pang-isahan lang ang sun lounger na ito dikit na dikit na ako sa kaniya. Dahil duon matalim niya akong tiningnan.
"Sorry na." Sa maliit na boses kong sabi.
Inalis niya lang ang mga mata sa akin sa halip ay binaling niya ito sa dagat. Ako naman ay siniksik ang sarili at humiga din tulad niya. Nakatagilid lang ako para magkasya. Umusog din siya ng kaunti ngunit hindi parin ako tinitingnan. Ang dibdib ko ay nakadikit na sa braso niya. Marahan kong hinawakan ang kabila niyang braso. Ang braso ko ay nakapatong na ngayon sa dibdib niya. Kitang-kita ko ang pagigting ng panga niya dahil duon.
"Sorry na. Naglakad-lakad lang naman ako. Anong masama duon? Hindi na kita tinawag dahil akala ko tulog ka pa. Huwag ka na magalit." I can't help my heated face after my too girly voice.
He half heartedly remove my arm from him.
"Love" pagsusumamo ko pa lalo. Marahan ko siyang hinalikan sa pisngi. Bumaba ang labi ko sa kaniyang panga. I even sniff his neck.
Kitang-kita ko ang paggalaw ng adams apple niya dahil sa paglunok. He then stood up without still looking at me. He violently remove his shirt and walk away. Pinanuod ko ang hubad niyang likod habang papunta siya sa dagat. Ako naman ang nahihirapan ngayon. Looking at his muscles in all right places. Ang ibang babae dito ay mas lalong napatingin sa kaniya. Hindi na maalis ang mga mata nila sa katawan niya. Nakakita pa ako ng grupo ng magagandang babae na nakatwo piece lahat. For sure mamaya lalapitan nila itong si Tom. Ito namang kasi lalaking ito! Dapat talaga tinatago lang ito sa opisina niya para wala ng ibang makakita.
Hindi na rin ako nagatubili pa at hinubad na rin ang aking maxi dress. Naiwan ang two piece kong may tube top. Agad akong nakaramdam ng init sa mukha lalo na at unang beses kong magsuot ng ganito. Ganuon paman marahan na akong tumakbo papunta sa dagat kung nasaan rin si Tom.
BINABASA MO ANG
Storm In The Middle Of Summer
Romance"Joanna" Tawag ko sa kaibigan ko. "Totoo bang masayang ma-in love?" Tanong ko habang nakatingin sa kawalan. "Oo, naman. Kaya nga maraming nagpapakatanga dahil sa pag-ibig. Kasi alam nilang sasaya sila dahil dito." Siguradong sagot ng aking kaibigan...