Chapter 39

6 2 0
                                    

Hacky de Belen POV

"Balita ko may boyfriend ka na. Mayaman daw. Huwag mo ng pakawalan iyun at pakasalan mo na. Para makaalis ka na diyan sa Tiyahin mo. Malaki ka na rin naman. Ni hindi ka na nga nag-aaral. Lalagyan ko din ng isang milyon ang account mo. Pagkatapos nuon hindi na kita kailanman tutustusan." Tuloy-tuloy niyang sabi. Walang ibang halo kun'di lamig ang boses niya.

Isang milyon para lubayan ko na siya. Para kahit kailan hindi na kami magkaruon ng ano mang koneksyon. Isang milyon kapalit ng pagsuko ko bilang anak niya. Para duon ang isang milyon na yun.

"Sukang-suka ka ba talaga sakin?" Puno ng sakit kong tanong. Kinagat ko ang labi ko upang mapigilan ang paghikbi. "Sising-sisi ka ba talaga na naging anak mo ako?" Napapaos kong tanong.

"Ibaba ko na 'to. Marami pa akong gagawin."

"Sorry. Sorry sa pagsasayang ng oras mo. Sorry at ipinanganak ako. Sorry kung sinira at pinahirapan ko ang buhay mo. Pero Pa....Hindi ko hiniling mabuhay. Hindi ko ginusto maging anak mo." Puno ng sakit kong sabi.

Matagal ko ng gusto itong sabihin. Matagal na itong nasa puso ko at pilit lang tinatago.

"Ganumpaman salamat. Kahit sobrang lungkot ng naging buhay ko, salamat parin. Hindi na kita kailanman guguluhin. Kakalimutan ko ng ama kita. Total kailanman hindi mo akong tinuring anak mo. Sa huling pagkakataon salamat at pasensiya ka na, Pa." Nanghihina at nanginginig kong binaba ang cellphone.

Mas lalong sumikip ang dibdib ko. Nagpatuloy na naman ang mga luha ko na para bang hindi nauubos. Saan na ako ngayon? Saan ba talaga ako lulugar? Bakit pa ba ako nabuhay?

Lumipas ulit ang isa pang araw at nanatili lang ako sa kuwarto ko. Dumating din ang oras na tumigil na ako sa pag-iyak. Nakatulala na lang ako at paulit-ulit iniisip ang mga nangyari sa buhay. Iniisip ko kung hindi ko ba ginawa ang mga bagay na iyun may mababago ba? Dadating din kaya yung araw na mahahanap ko kung ano ang akin at kung saan dapat ako?

Nabuksan ko lang ulit ang pinto ng kuwarto ko nang marinig ko ang dalawa kong kaibigan mula duon. Marahan kong binuksan ang pinto. Hindi na ako umiiyak ngunit mugto ang mga mata ko. Nag-alala nila akong pinasadahan ng tingin. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay pumasok na silang dalawa.

Naupo sila sa kama ko. May mga dala silang kung ano-anong pagkain. Galing sa isang sikat na fast food at may pizza pa. May mga dala din silang iba't-ibang snack. Siguro nalaman na nila kung ano ang nangyari sa akin kaya sila nandito.

"Wala ba kayong pasok?" Tanong ko at naupo sa isang bangko.

"Linggo ngayon. Ilang araw ka na bang nagkukulong dito at hindi mo na alam ang mga araw? Ni naliligo ka man lang ba? Umiihi?" Si Diane.

Yumuko na lang ako at hindi na sumagot.

"Huwag na tayong magdrama dahil mukhang napurga ka na rin naman sa kakaiyak. E, ano ng plano mo ngayon? Si Tom nuong nakaraang araw pa kami kinukulit nuon. Kung kinakausap mo ba daw kami. Kung kamusta ka ba daw. Ang dami niya pang pinagsasabi. Nandiyan nga siya sa labas ng bahay niyo ngayon. Halos hindi na umuuwi." Si Joanna naman.

"Ewan ko. Wala na akong ganang gawin lahat ng bagay." Matamlay ko lang na sabi.

"Anong gagawin mo magmukmuk na lang dito at maghintay na bumuti ang lahat? Alam naman nating hindi mangyayari yun. Kahit mamatay na tayo sa sakit patuloy ang pag-ikot ng mundo. Kaya naman ngayon palang magdesisyon ka na. Ano ba kasi talaga ang nangyari?" Si Joanna.

"E, anong gagawin ko? Hindi ko kasi alam. Pinapalayas na ako dito sa bahay. Yung mga taong nakapaligid kay Tom ayaw sa akin. Ginawa pa nila akong katatawanan. Halos binago ko na nga ang sarili ko para matanggap nila."

Storm In The Middle Of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon