Hacky De Belen POV
And of course the unbother Tom shamelessly stand beside me. Not just beside but closed with me. Ang isang braso ay nakapulupot na sa baywang ko. He even sniffed my neck. Tiningnan ko siya ng masama dahil duon. Mas lalo pang nag-init ang mukha ko ng makitang pinapanuod kami ng mga kasama.
"Why Kevin can hang out with you and your friends but not me?" Seryoso at mahina niyang tanong.
Pakiramdam ko gaya ko nagpipigil din ng hininga ang mga kasama namin dahil dito kay Tom.
"Bakit nga naman hindi?" Singit ni Joanna at tinaas-taasan ako ng kilay.
"I'm fine with that too." Si Kevin.
"I'm not. Ano double dates kayo. Tapos ako? Ano fifth wheeling?" Reklamo niya.
"Huwag na lang para tapos." Masungit kong sabi at diniretso na lang ang tingin.
Narinig ko ang bayolenteng paghinga ni Tom. Para bang kunting-kunti na lang ay mauubos na ang pasensiya niya sa akin. Kung sa bagay dalawang linggo na din kaming hindi okay. Simula nuong tinext ko siyang huwag na akong kontakin nuong kasalukuyan siyang nasa China. Lagi ko siyang sinusungitan. Kundi naman ay malamig ang trato ko sa kaniya. At sa lahat ng iyun pinagapasensiyahan naman ako. Lagi akong sinusuyo at nagso-sorry sa huli kahit wala naman talaga siyang maling ginawa.
"Payagan mo na." Si Joanna. "Sa weekend. Habang hindi pa kami tambak sa schoolworks."
Pumayag na lang din ako dahil ayaw ko maging KJ. At kawawa rin naman kasi ang insensitive na lalaking ito. Naiinis kong binalingan si Tom. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Mas tinaliman ko ang tingin ko sa kaniya. Ni hindi man lang siya kumurap. Ganun parin siya seryoso at parang galit akong pinagmamasdan. Sa huli ako na naman ang sumuko sa titigan namin at mas lalong naiinis na binalingan ang harap.
Nang bumukas ang elavator sa tamang palapag ay ako na ang lumayo mula kay Tom dahil alalm kong wala naman siyang balak gawin iyun.
"Mauna ka na duon." Mahina ko ng sabi dahil nagui-guilty na rin sa pagsusungit ang pagtataboy sa kaniya ng mahigit ng isang linggo.
Hindi magandang sabay kaming dumating sa event hall. Kaya pinapauna namin siya. Agad naman sumikip ang dibdib ko nang makita ang pagpoprotesta ng mga mata niya. Lalo na ng alam kong alam niya ding wala siyang ibang magagawa. Pagod ko na lang siyang pinanuod na naglalakad palayo sa akin. Pinalakas ko na lang ang loob sa pamamagitan ng pagpapaalala sa akin na makikita ko din naman siya mamaya. Malaya ko pa siyang mapapanuod mula sa malayo dahil magiging abala siya sa paglalaro ng basketball. I'm so excited to see him play. I heard he do love basketball too. Is he good? What if his not? It's still fine for me. I just want to see him play and wore his jersey.
Nang makita na ang ibang empleyado ay agad kong pinagsisihan ang pagpunta dito. Sariwa pa ang lahat. Lahat ay iniisip na kabit or babae ako ni Tom. Malamang iniisip din nila na ako ang dahilan ng paghihiwalay ni Tom at Christina.
Bawat hakbang namin ay napapatingin ang mga tao. Hindi rin inakalang nandito ako. Nakakahiya pa at nandito ang dalawang kaibigan at si Kevin. Madadamay pa sila.
"Can't believe na ganito kalala." Si Joanna nang mapansin ang paninitig ng mga tao.
"Nagulat lang din sila na nandito si Hack. Everyone knew that she already end her contract. Mamaya titigil na yang mga yan." Si Kevin.
"Well. I hope. Dahil kung hindi baka makasapak ako dito." Si Diane.
Patuloy ang pag-uusap namin tungkol dito habang naglalakad at nagkukunwaring walang pakialam sa mga taong pinagtitinginan ako o kami.
BINABASA MO ANG
Storm In The Middle Of Summer
Romance"Joanna" Tawag ko sa kaibigan ko. "Totoo bang masayang ma-in love?" Tanong ko habang nakatingin sa kawalan. "Oo, naman. Kaya nga maraming nagpapakatanga dahil sa pag-ibig. Kasi alam nilang sasaya sila dahil dito." Siguradong sagot ng aking kaibigan...