Hacky De Belen POV
"Sir Ignacio ready na po ang dalawang room na pinareserve niyo." Pormal na sabi ng isang babaeng nakacorporate attire.
Nakakailang dahil ang mga empleyado ay nakahilera sa magkabilaang harap namin. Ang babaeng kaninang nagsalita ay may dalawang kasama sa kaniyang likod na paniguradong mataas din ang tungkulin dito tulad niya. Si Tom ay hindi naman nakakaramdam ng ilang. Ako lang talaga kaya naman nagtatago ako dito sa kanang likod niya.
"Calm down people. I'm not here for work. I'm here for a vacation. Mukhang lahat ng empleyado ay nandito. Lahat yata? Housekeeping, bellboys and bodyguards. Sino ang nag-aasikaso sa mga guest?"
"I'm sorry Sir. Pababalikan ko din sila agad sa trabaho." Ang babae ulit.
"Just calm down. I trust your management Ms. Alano." Hinawakan ni Sir ang kamay ko. Marahan niya akong hinila kaya napapunta ako sa harap niya.
Ramdam ko na ang tingin sa akin ng mga empleyado. Nakukoryuso siguro sila sa kung sino itong babaeng dala ng big boss. Maging si Ms. Alano ay tinitingnan ako. Si Tom ay walang pakialam o baka nga hindi man lang niya napansin. Nilagpasan niya si Ms. Alano at dumiretso na sa front desk. Kinuha niya ang dalawang cards duon habang hawak-hawak parin ang kamay ko. Iniwan na namin ang lobby at dumiretso na sa elavator.
Magkatabi lang ang kuwarto namin. Una kaming pumunta sa kuwarto ko. Hinayaan niya akong magswipe ng card sa pinto upang mabuksan ito. Sobrang excited ako. Nang mabuksan ang pinto ay agad akong namangha. Si Tom ay nasa likod ko lang at pinagmamasdan ang pag-iikot ko sa aking malaking kuwarto. Mayruon ditong malalaking bintana kung saan kita mo ang poolside at garden ng resort. Kitang-kita din dito ang puting buhangin at dagat. Ang resort na ito ay kaiba sa pangkaraniwang resort. Ang ibang resort ay madalas moderno ang designs at binabagay sa tropical na klima at tanawin na dagat. Pero ang resort na ito ng de Zangroniz ay iba. Ang disenyo ay pangmaharlika. Katulad ng mga disenyo sa Europa. Upang bumagay sa klima at tabing dagat ay may moderno din itong disenyo. With the touch of european designs, a little of modern and the view of the sea it looks so elegant.
Nang maikot ang living room at terrace ay dumiretso na ako sa bedroom. Naabutan ko duon ang isang malaking puting kama. Padapa kong binagsak ang katawan ko duon.
"My gosh! Matutupad na iyung pangarap ko magsuot ng white robe at uminom ng wine habang pinapanuod ang view sa salaming bintana!"
"What? That's your dream?'" Natatawang tanong ni Tom at binaba ang top kong bahagyang nataas.
Mula sa pagkakadapa ay umupo ako. Nilaglag ko muna ang sandals ko sa sahig at pinatong ko na ang mga paa ko sa higaan. Siya naman ay umupo sa gilid ng kama. Sa tapat ko. Sa likod niya ay ang malaking salaming bintana kung saan kita ang puting buhangin at asul na dagat. Hindi ko maiwasang maisip na para siyang model. Para siyang nasa pictorial.
"Oo. Kapag ganun kasi para akong mayaman." Humagikhik ako.
Napangiti siya. "Mayaman ka naman talaga. You're marrying the only heir of de Zangroniz chains of hotel."
Hindi ko maiwasang makaramdam ng tuwa na iniisip niyang pakakasalan niya ako. Nagpalakas lalo iyun ng tibok ng puso ko. Nawala na naman ang dapat kong sabihin.
"Hindi naman kita pakakasalan dahil lang sa yaman mo!" I even secretly wish that you're a normal guy so everything will be easy for us.
"I know. But you need to accept that you're marrying a business tycoon." Mayabang niyang sabi.
Napanguso na lang ako. "Pinapaalala ko lang sayo."
Hindi na muna kami nagpahinga. Dumiretso kami sa buffet para magtanghalian. Mukhang sa gabi ito dinadayo at ngayong tanghali ay halos walang tao. May dala na akong plato at pumipili na ng mga pagkain. Si Tom ay nasa likod ko. Panay ang bati sa kaniya ng mga empleyado pati ako ay binabati na din nila. Pagkatapos naming kumuha ng pagkain ay naupo na kami. Habang kumakain ay nagpaplano na kami ng gagawin namin ngayon at sa mga susunod na araw pa.
BINABASA MO ANG
Storm In The Middle Of Summer
Romansa"Joanna" Tawag ko sa kaibigan ko. "Totoo bang masayang ma-in love?" Tanong ko habang nakatingin sa kawalan. "Oo, naman. Kaya nga maraming nagpapakatanga dahil sa pag-ibig. Kasi alam nilang sasaya sila dahil dito." Siguradong sagot ng aking kaibigan...