Hacky De Belen POV
"Pwede na." Sabi ko. Ang cup noodles ang tinutukoy ko. Binuksan ko ang dalawang cup noodles. Agad lumabas ang usok duon. Naamoy ko na rin ang sarap. Binigay ko kay Sir Tom ang tinidor niya.
"A date in a restaurant is better than here." Reklamo niya.
Is this a date? Date? Date? I like that.
"Wala naman sa lugar ang pagdi-date nasa kasama mo yun. Kahit nasa tabi pa kayo ng kanal magdate kung gusto mo yung kasama mo magiging espesyal iyun." Sagot ko.
Dahan-dahan kong sinusubo ang cup noodles dahil mainit pa.
"It's not about how beautiful the place is. It's about the feeling. Kapag gusto mo yung kasama mo yung lugar kung nasaan kayo ay kusang gumaganda. Nagiging eapesyal dahil iyun sa nararamdaman niyo." Paliwananag ko sa kaniya.
Kumuha na naman ako ng isang subo ng cup noodles ko at tiningnan siya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. He's kind of amused because of what I just said.
"Have you been in relationship?" He asked.
Umiling ako. "Nakalimutan ko na nga kung kailan ako huling nagkacrush bago ngayon." Tiningnan ko siya ng diretso. "Sir Tom. Crush kita." Pag-amin ko at ngumisi.
Ngayon ko lang napagtanto iyun ng lubusan. Sa isip ko siguro tulad lang din ng ibang babae ang nararamdaman ko para sa kaniya. Lahat naman kasi napapaibig niya. Bata man o matanda. Mahirap o mayaman. Maganda o hindi kagandahan. Tulad lang din ako nila.
Halatang hindi niya inaasahan iyun. He's caught off guard. Ilang sandali din bago niya inalis ang gulat niyang tingin sa akin. Inabala niya ang sarili niya sa paghahalo ng cup noodles.
Inalis ko na din ang tingin ko sa kaniya at pinagpatuloy ang pagkain. Napahinto lang ako ng mapansin ang ambon sa labas.
"Ambon?" Mahina kong tanong. "That's weird. It's summer."
"You like me?" He finally talk.
Binalik ko ang tingin ko sa kaniya. Inangat niya din ang tingin niya sa akin. He's looking at me devilishly.
"You don't know how dangerous I am." He smiles devilishly.
"Then I guess I like danger." I am excited but I'm scared. My heart is beating too fast. I'm nervous but I don't have any plans to run away.
He smiled more.
We stay there. Kahit hindi kami nag-uusap. I appreciated all of it. Natutuwa na ako na kasama ko siya. Pinanuod namin ang mahinang ambon, ang pagkabasa ng puti niyang sasakyan. The night is peaceful but my heart is not.
"Asan yung monster truck mo?" Tanong ko sa kaniya.
Ang itim niyang sasakyan ang tinutukoy ko. Mas malaki iyun sa normal na sasakyan kaya monster truck ang tawag ko dun.
"Monster truck?" Tanong niya.
"Yung gamit mo na sasakyan nung una tayong nagkita." Paliwanag ko.
"Nasa bahay. You called it monster truck?"
"Oo. Yang kotseng yan ay kidnappers car." Ang sasakyan niyang puti ang tinutukoy ko. May kulay pilak na kabayo ito sa harap.
"What? Kidnappers car?" He chuckled.
"Kanina kinidnap mo ako tapos nilagay mo ako diyan." Paliwanag ko. "Ilan pala lahat ng kotse mo?"
"Just seven."
"Just? Ako nga wala ni isang motor. Just, just ka diyan." And for sure lahat iyun ay mamahalin.
"Do you want a car? What kind of car do you want?" Tanong niya na para bang bibilhan niya ako.
BINABASA MO ANG
Storm In The Middle Of Summer
Romance"Joanna" Tawag ko sa kaibigan ko. "Totoo bang masayang ma-in love?" Tanong ko habang nakatingin sa kawalan. "Oo, naman. Kaya nga maraming nagpapakatanga dahil sa pag-ibig. Kasi alam nilang sasaya sila dahil dito." Siguradong sagot ng aking kaibigan...