Hacky de Belen POV
Ang isa sa pinakamalaking pagkakamali ng mga tao sa buong buhay nila ay ang pag-aantay na maging maayos ang lahat. Nuong mga bata tayo lagi nating hinihintay na lumaki na tayo para magawa na natin ang lahat. Kapag nasasaktan tayo at nahihirapan iniisip lang natin na mag-antay dahil magiging mabuti din ang lahat pagdating ng panahon. Maghihilom din ang sugat. Baka dumating din iyung taong mag-aalis ng sakit sa puso natin. Darating din iyung taong tatanggap sa atin ng buo at kapag nangyayari yuon magiging masaya na tayo. Pero kakahintay mo hindi mo namalayang marami ka na palang oras na nasayang. Kakahintay mo na maghilum ang sakit nakalimutan mo ng mabuhay. Natapos ka na nga sa pagiging bata at naging dalaga o binata ngunit ganuon parin naman ang buhay, mahirap at masakit parin. Hanggang sa darating iyung araw na mapapagtanto mong sinayang mo lang ang buhay mo kakaantay na umayos ang lahat o kakaantay sa taong sasagip sayo mula sa sakit.
Sana pala sinulit mo na lang bawat araw. Sana pala pinili mo nalang makita ang mga bagay na mayruon kesa sa mga bagay na wala sayo. Napagtanto mong ang pinakaimportante sa buhay ay ang mga simpleng bagay. Napagtanto mo man ito ngunit huli na ang lahat. Ubos na ang oras.
Ang buhay ay hindi tungkol sa pag-aantay na tumigil ang bagyo, paghupa ng baha, pagbagal ng agos, pagkalma ng alon at muling pagsikat ng araw. Ang buhay ay tungkol sa paglaban gaano man kalakas ang bagyo. Ito'y paghahanap ng kagandahan sa mundo hindi paman humuhupa ang baha at hindi paman bumabagal ang agos. Ang buhay ay pagsakay at pakikipaglaro sa delikadong alon. Ang buhay ay pagmamahal at pag-asa kahit na malayo pa ang sikat ng araw. Dahil kailanman hindi tayo mawawalan ng problema. Kailanman hindi mawawala ang sakit. Kaya kung maghihintay lang tayo masasayang lang natin ang buong buhay natin. Kaya kung marami kang problema labanan mo. Kung malungkot ka habulin mo ang kasiyahan. Huwag kang mag-antay, maging matapang ka at lumaban. Because life will never get easier. It will actually gets harder as you get old. You just need to be stronger to enjoy it.
"Tss. I have date with my fiancee. I'll just send my gift for him." Masungit na sabi ni Tom sa kausap sa telepono at binabaan na ang kausap.
Nasa salaming dingding siya dito sa kaniyang opisina. Ako naman ay nasa coffee table at inaayos ang tanghalian namin. His office is still the same somehow. Nagbago man siya ng furnitures ay simple parin ito tulad ng dati. Malawak at kita ang buong Manila Bay at iba pang gusali sa kaniyang salaming dingding. May sofa set at coffee table sa gitna. The coffee table is black and made of hardwood. The couches are dark red like a blood. His office table is black too. Nanduon parin ang nameplate niya na may nakasulat na "John Thomas Ignacio, CEO". Naduon din ang desktop niya at isang laptop. May iilang papeles duon at picture frame nilang pamilya. Sabi niya magdadagdag daw siya ng frame ko. Ang ding-ding naman ay kulay graw. May picture niya at picture nuong idol niyang hotelier. Sabi niya maglalagau naman siya sunod ng picture naming dalawa. Magpo-photoshoot kami. And I'm very excited for that.
"Sino yun?" Tanong ko sa kaniya.
"Elias. It's his son birthday. His inviting us." Pagod niyang sabi.
"Hindi tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Did you forget? We have a date later." Naiinis niyang sabi na para bang may ginawa ako sa kaniyang malaking kasalanan.
"Siyempre hindi. Pero hindi tayo pupunta sa birthday ng pamangkin mo-"
"What about our date?" Ang isang kamay niya ay nasa tagiliran niya na dahil sa inis sa akin.
"We're together. So, it's like a date also."
Napaisip siya dahil duon.
"We can go shopping next time but your nephew birthday only come once a year."
BINABASA MO ANG
Storm In The Middle Of Summer
Romance"Joanna" Tawag ko sa kaibigan ko. "Totoo bang masayang ma-in love?" Tanong ko habang nakatingin sa kawalan. "Oo, naman. Kaya nga maraming nagpapakatanga dahil sa pag-ibig. Kasi alam nilang sasaya sila dahil dito." Siguradong sagot ng aking kaibigan...