Hacky De Belen POV
Alam kong hindi magtatagal ay mahahalata din ng mga tao ang kung anong mayruon samin ni Tom. Lalo na at wala rin namang balak ang lalaking iyun itago ito. I just keep wishing that people won't notice yet or never but that's imposible. Of course I want everyone to know that Tom is mine but I knew that people don't want me for Tom. They all believe that Tom deserved better. Even I. But what else I could do? I love him.
Sabado nang sumama ako sa paghatid kay Tom sa airport. Pupunta siyang China. Isang linggo din siya duon.
Nakasuot siya ng wayferrer. Umikli na naman ang buhok niya dahil pinaputulan niya ito. Nakasimpleng dark t-shirt lang siya at faded jeans. Sa likod niya ay ang mga bagahe na nasa cart at si Sir Ramon. Si Sir Ramon lang ang nakakaalam sa kung anong mayruon kami.
Tom reached for me and hugged me tightly. I hugged him too. While my face is in his chest I sniff him. Like always, he really do smell good.
Sabay kaming kumalas sa yakap. Ang mga kamay ko ay nakababa ngunit ang kaniya ay nasa magkabilang braso ko. Seryoso siyang nakatingin sa akin. I smiled. Isang linggo lang naman. Siyempre mamimiss ko siya. Lalo na at nasanay akong lagi na siyang kasama.
"Be a good girl, okay?" He said softly.
Tumango-tango ako.
"No club and no boys." Mas lalo siyang nagseryoso at nag-alala narin.
"Oo na. Sa office lang ako at bahay. Sasabihin ko din lagi sayo kung ano ginagawa ko, okay?" I assured him.
"Fine." Nanghihina niya akong binitiwan. Hirap na hirap pa siyang talikuran ako.
"Thomas!" I called him playfully.
Napatigil siya sa paglalakad at nilingon ako. His gritting his teeth now and look so snobbish. For some reason he I think he doesn't like when I call him Thomas.
"Bye. Bye." Kumaway-kaway ako sa kaniya.
Pumungay ang mga mata niya at ngumiti na lang din.
Hindi ko mapigilang ngumiti. Kung gusto naming magtagal hindi pwedeng ganito. Hindi ko rin siguro masisi siya at ang sarili ko. Masiyado na kasi kaming nasanay sa isa't-isa. Lagi kaming magkasama nitong mga nakaraang buwan. Kailangan lang siguro naming sabayin ang sarili na huwag masiyadong clingy sa isa't-isa.
Nang nagmonday ay muli akong pumasok ng opisina kahit wala duon si Tom. May naramdaman akong kakaiba. Mukhang pumapasok lang talaga ako para kay Tom at ngayong wala siya pakiramdam ko may mali.
"Mornin Hack." Bati sa akin ni Jessa na kakarating palang.
"Mornin." Kasalukuyan na akong nakaupo sa aking swival chair.
"Akala ko hindi ka papasok." Sabi niya sabay upo na rin sa swival chair niya.
"Huh? Bakit?" Pagtataka ko.
Kita ko ang gulat niya. Awkward siyang tumawa. "Ah, e, Wala."
Inabala niya na lang ang sarili sa pag-aayos ng mesa niya kahit parang may gusto siyang sabihin. Nang hindi niya nakayanan ay nilingon niya akong muli. Nakakagat labi na para bang hindi parin sigurado sa sasabihin. Pinanuod ko lang siya at hinintay kung kaya ba niya talagang sabihin ang gumugulo sa isipin niya. Sadyang madaldal si Jessa hindi niya kakayanin pigilan ang bibig niya.
"Tanong ko lang." Maingat niyang sabi. "May something ba sa inyo ni Sir Tom?'
Hindi na ako nagulat duon. Nitong mga nakaraang araw napapasin kong may hindi direktang nagtatanong sa akin ng mga ganito. Si Jessa palang ang kinayang diretso akong tinanong. Mukhang nakikinig ang mga katabi namin kaya nagsilapitan sila sa amin. Mukhang matagal na rin silang kuryuso tungkol dito.
BINABASA MO ANG
Storm In The Middle Of Summer
Romance"Joanna" Tawag ko sa kaibigan ko. "Totoo bang masayang ma-in love?" Tanong ko habang nakatingin sa kawalan. "Oo, naman. Kaya nga maraming nagpapakatanga dahil sa pag-ibig. Kasi alam nilang sasaya sila dahil dito." Siguradong sagot ng aking kaibigan...