Chapter 32

6 2 0
                                    

Hacky de Belen POV

Suot ang isang white channel sneakers, bobby pink hermes handbag at isang mahabang floral dress na hindi ko mapronounce ang pagalan ng brand. May spaghetti strap ito at ilang inches na layo ng dulo nito sa aking sapatos. Kanina pa ako nalilito kung paano dadalhin itong hermes handbag. Kung katulad ba ng kay Regina George o yung parang sa model lang na basta nasa kamay lang. Dahil hindi ako makapagdesisyon ay gagawin ko na lang parehas. Basta kung kailan ako komportable.

Nandito lang ako sa likod ng aming maliit na gate. Hinintay si Tom. Napatingin ako sa makulimlim na langit. Ilang buwan na rin nang magsimula ang tag-ulan. Halos kalahating taon na din pala kaming magkakilala ni Tom. Ang bilis ng panahon. Parang sa loob ng mga buwan na iyun ay ang daming nangyari. Para bang ang 18 taon na buhay ay wala ng ibinatbat. It's just a blur compare with the month that I'm with Tom.

Napabaling ako sa mga halamang tinanim ko nitong nakaraan lang. Kahit hindi ako lumapit dito ay napapansin kung tila nalalanta na ang mga ito. Hindi pa naman ito malala kaya siguro ko pa itong sagipin. Didiligan ko na lang ito ngayon ngunit narinig ko ang busina ng isang sasakyan. Napatingin ako duon at nakita si Tom na pababa na sa sasakyan niya. Tiningnan ko ulit ang mga halaman. Mamaya ko na siguro ito didiligan pagkauwi.

Agad kong binuksan ang gate at naglakad na palapit kay Tom na kasalukuyang nang pinapasadahan ng tingin ang suot ko. Nakangiti ako habang nag-aabang ng papuri niya. Binaling niya na ang mapaglarong mga mata sa akin.

"You look pretty."

Agad sumilay ang mas malaking ngiti sa akin. Hinapit niya ang baywang ko at ginaya na sa front seat.

Ngayong araw na ito ay pupunta kami sa isang designer para magpagawa ng gown para duon sa party next week. Tuturuan niya din ako magmaneho ngayon upang magamit ko ang sarili kong monster truck. Kahit papunta pa lamang kami sa designer na iyun ay tinuturuan niya na ako nang kung ano-ano sa pagmamanego kahit pa siya lang ang nasa drivers na at ako ay nasa front seat. Nakikinig naman ako ng mabuti sa lahat ng sinasabi niya. Hindi ko nga lang maiwasan maaliw sa bawat kibot ng labi niya. Sa paningin ko ay ang bagal ng kilos nuon. Napapalunok tuloy ako at pinag-iinitan ng pisngi.

Nang dumating kami sa designer na iyun ay may natutunan naman ako sa pinagsasabi ni Tom. Kailangan ko na lang ito i-apply mamaya kapag ako na ang pinaupo niya sa driver seat. Ang monster truck ko na rin ang gagamitin para masanay na ako duon.

Ang opisina at shop ng designer na iyun ay may salaming dingding kaya dito pa lamang sa labas ay kita na ang loob nito. May ilang manequin na walang ulo at nakasuot ng naggagandahang gown.

Kagay ng madala niyang ginagawa pinagbuksan ako ng pinto ni Tom at hinapit ang baywang ko sa pagpasok namin sa establasiyamentong iyun.

Maganda ang loob. Naghahalo ang kulay ng puting dingding at kulay dilaw na mga ilaw. Ang mga ilaw ay maliliit na chandelier. Ang sahig naman ay tiles na puti at mistulang kumikinang ang mga ito. Sa loob ay may reception. May isang babae duon na maayos na naka-uniporme. May mga komportable din na upuan para sa mga maghihintay. May dalawang babae duon na siguro ilang taon lang ang tanda sa akin. Nagtatagal ang tingin nila kay Tom at saglit na bumabalik sa akin. Nararamdaman ko rin ang panliliit ng mga mata nila sa akin. Tila ba may ayaw paniwalaan o tila ba may nakikita silang mali.

"Mr. Ignacio?" Ang receptionist kahit hindi pa kami tuluyang nakakalapit sa kaniya. "Good morning, Sir, Ma'am. Halina po kayo sa loob. Naghihintay na po si Sir Michael." Umalis ang babae sa kinalalagyan niya at ginaya kami sa isang double doors.

Pagkabukas palang ng pintuan na iyun ay agad na akong namangha. May malaking chandelier duon at ang buong paligid ay puno ng iba't-ibang klaseng gowns. May kalawakan iyun ngunit ang tanging tao ay ang dalawang babae at ang isang bakla na nasisigurado kong si Sir Michael. Ang designer na kakilala ng pamilya nila Tom. Nang nakita kami ay agad na itong nagpaalam sa dalawang kausap na babae at nakangiti na kaming nilapitan.

Storm In The Middle Of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon