Hacky De Belen POV
He is really the storm in the middle of my summe. At first I thought it's a good thing to have a storm in the middle of summer. I thought it's a blessing. But no it's not. Having storm in a summer means something wrong. It's wrong. This is wrong. And like all storm it will end. We end.
I really can't believe we did it. John Thomas Thomas Ignacio took my virginity and I have no regret at all.
"Nanduon na daw sila." Sabi ko ng makita ang mensahe ni Joanna na nasa mall na daw sila.
Napag-usapan naming manuod ng sine sa isang mall at pagkatapos ay maglibot-libot duon kasama sina Joanna, Diane at Kevin.
Nang makita na ang dalawang kaibigan ay agad nila akong mapang-asar na binalingan. Inirapan ko na lang sila. Bumati sila kay Tom. Ganuon din si Kevin. Dumiretso na kami sa sinehan. Duon na lang kami nag-aantay na lang kami nag-antay na magsimula ang palabas dahil ilang minuto na lang din naman. Si Tom ang nasa pinapagawa. Sunod ako at si Joanna. Si Kevin ang nasa kabilang full. Madilim at malamig dito at natatakot ako sa pwedeng mangyari. Simula pa naman nang may mangyari sa amin ni ay mas lalong naging agresibo si Tom.
Nang magsimula na ang palabas at pinatay na ang ilaw ay nararamdaman ko ang paghigpit ng braso ni Tom sa balikat ko. Kanina pa iyun nanduon nagpapahinga at hinayaan ko lang siya ngunit ngayong hinihigiaan niya ito ay agad ko siyang masamang binalingan. Patay malisya lang naman siya at sa malaking monitor lang naman nakatingin. Katagalan ay hinayaan ko na lang din siya at binaling na ang tingin sa palabas.
Sa kalagitnaan ng palabas ay mas lalong dinikit ni Tom ang katawan niya sa akin. Nilapit niya na rin ang labi niya sa leeg ko.
"Hack. I'm horny." Bulong niya.
Agad kong nilayo ang katawan ko sa kaniya. Binalingan ko siya ng masama.
"We're watching a Disney animated movie how come you are horny?" Mahina ngunit mariin kong sabi.
I saw his pout. It became a small smirk. "Sorry"
I know he's not sorry at all. Kaya naman hindi ko parin nilalapit ang katawan ko sa kaniya kahit inaabot niya pa ako.
"Umayos ka." Banta ko sa kaniya.
"Opo." Mas seryoso niya ng sabi habang mapungay ang mga mata nitong nakatingin sa akin.
Hinayaan ko na siyang lapitan ako. At sa buong palabas ay halos wala akong maintindihan dahil sa kapilyuhan ni Tom.
Dumating ako sa bahay nang dala ang napakaraming paper bag na iyun na lahat ay may mamahaling tatak. Hindi na ako nagulat na kuryuso akong pinagtitinginan ng mga tao sa bahay. Hindi naman na sila nagsalita o nagtanong kaya dumiretso na lang ako sa aking kuwarto. Kasabay nang paglapag ko ng aking pang-upo sa higaan ay siya ding paglapag ko sa mga paper bag dito. Mas lalo kong naramdaman ang pagod. Gusto ko na lang mahiga at magpahinga. Sa harap ko ay ang cabinet may katamtamang laki. Agad pumasok sa isip ko ang mga plano namin ni Tom sa mga susunod na araw. May pupuntahan kaming malaking part next week. Duon Nita ako unti-unting ipapakilala sa mga tao sa mundo niya. Palagi niya din akong isasama sa mga lakad nila ng kaniyang mga kaibigan at kamag-anak. Iniisip ko palang ay sobrang kinakabahan na ako. Ni hindi ko alam kung paano ako makikibagay sa mga mayayamang tao. Pakiramdam ko rin marami akong kailangan baguhin sa sarili ko. Kailangan ko ba maging mahinhin? Kailangan ko ba mag-english palagi? How about my body? Katamtaman lang naman ang katawan ko at wala sa aking problema iyun. Pero kailangan bang mawala itong tinatago kong kaunting bilbil? Siguro nga.
Naisip kong marami pa akong kailangan gawin kaya agad na akong tumayo at nagtungo sa cabinet. Hindi inalintana ang pagod. Binuksan ko ang cabinet. Puno na ito ng mga damit ko. Sa baba ay mga sapatos. May mga nakasabit rin na bag sa loob. Mukhang kailangan ko magbawas ng mga gamit para magkasya ang mga bago kong pinamili. Hindi. Kailangan marami akong tanggalin. Dapat lahat ng mga isusuot ko sa mga lakad namin ni Tom ay iyung mga mamahalin. Kaya dapat alisin ko na ang karamihan sa mga damit kong ito. Magtitira na lang ako ng kaunti sa mga normal na lakad ko. Sinimulan ko na ang pagbabawas ng mga gamit. Halos lahat ng gamit ko ay hindi naman mamahalin kaya halos lahat ay tinaggal at tinambak sa aking kama. Nagtira lang ako ng kaunting pambahay panglakad. Bago ilagay ang mga bagong gamit ay nilinis ko muna ang loob ng cabinet. Pagkatapos ay marahan ay marahan nang binuksan ang mga paper bag at isa-isang nilagay sa loob ng cabinet. Pagkatapos nuon ay tumayo ako at tiningnan ang loob ng cabinet. Ang linis nuon tingnan dahil kakaunti pa lamang ang laman. Binalingan ko naman ang kama ko puno ng gamit ko. Ipapamigay ko na lang ito sa simbahang malapit. Huminga ako ng malalim na para bang may mabigat akong nararamdaman.
Bakit parang ang bigat sa pakiramdam? Bakit parang mali? Bakit parang may tinatapon akong parte ng sarili ko.
BINABASA MO ANG
Storm In The Middle Of Summer
Romance"Joanna" Tawag ko sa kaibigan ko. "Totoo bang masayang ma-in love?" Tanong ko habang nakatingin sa kawalan. "Oo, naman. Kaya nga maraming nagpapakatanga dahil sa pag-ibig. Kasi alam nilang sasaya sila dahil dito." Siguradong sagot ng aking kaibigan...