Hacky de Belen POV
Nang pumara ako ng taxi nagdadalawang isip pa ang driver na pasakayin ako. Kahit sino naman siguro ganuon ang magiging reaksiyon sa hitsura ko ngayon. Nakaclown outfit. Basa sa ulan at humahagulhol pa. Hindi ko na siya binigyan ng oras para mag-isip at agad na akong pumasok sa kotse niya. Sa kabutihang palad nahatid niya naman ako sa bahay namin kahit na maya-maya ang tingin niya sa akin. Ako naman ay abala na lang sa pag-iyak. Wala na akong ibang maisip kundi ang sakit.
Iniisip ko kung paano kung hindi ko na lang pinilit ipagkasya ang sarili ko sa mundo ni Tom? Kung ganuon ano gagawin ko? Magkunwaring kami lang ang tao sa mundong ito? That we don't have to worry about others? Hindi pwede iyun. Siguro sa simula palang wala na talaga akong pagpipilian. Sa simula palang walang tamang lugar at oras ang pagmamahalan namin ni Tom na ito. Paano kaya kung hindi ko na lang nakilala si Tom? No. Kahit pa nasasaktan ako ng sobra ngayon hinding-hindi ko pagsisihan na nakilala at minahal ko siya.
Anong gagawin ko ngayon? Iwan siya? May pagpipilian pa ba ako? Hindi ba wala? Sa ginawa ko pa sa mga babaeng nanduon hindi na ako magugulat kung magagalit sa akin si Tom. Kung hindi niya na ako kausapin. Mas maganda nga siguro kapag ganuon. Masakit man. Pero mas masakit kung lalapitan niya pa ako ulit. Mas masakit kung makikita ko siya ngayon. Mas mararamdaman ko kung gaano kahirap iwan siya. Kung gaano kasakit layuan siya.
"Kuha lang po ako pera." Paalam ko sa driver nang hininto niya na ako sa harap ng bahay namin.
Pagkababa ko ay una kong narinig ang pagkagulat ng lalaki kong pinsan at kaniyang mga kabarkada. Nakatambay sila dito sa harap ng gate.
"Hack? Ikaw bayan? Nakakagulat ka naman." Ang pinsan ko na tinitingnan ako ng mabuti na may labis na pagtataka.
"May pera ka diyan? Babayad ko sa taxi. Bayaran kita pagkaakyat ko sa kuwarto." Wala na akong binigay na reaksiyon sa kanila. Masiyado na akong nanghihina para duon.
Inabutan ako ng pera ng pinsan ko. Agad ko din itong inabot sa driver. Pagkatapos ay mabilis na akong pumasok sa gate hanggang sa bahay namin. Ang pinsan ko naman at mga kaibigan niya ay hindi maalis ang tingin sa akin. Kung hindi lang siguro masama ang timpla ko malamang biniro at pinagtawanan na ako ng mga iyun.
Pagkapasok ko sa sala ng bahay ay ganuon din ang reaksiyon ng mga tao. Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy na sa kuwarto ko. Akala ko pagkapasok ko sa kuwarto ko kakalma ako kahit papaano ngunit mas nagliyab ang nararamdaman ko ng makita ang mga paper bag na may mamahaling tatak. Para bang walang kwenta ang lahat ng iniyak ko dahil luminaw ulit sa isipan ko ang mga nangyari. Kung gaano kaliit ang tingin sa akin ng mga taong iyun. Kung paano nila ako pinag-uusapan at pinagtatawan sa tuwing nakatalikod ko. Ang pagpupumilit ko sa sarili ko sa mundo nila. Ang paggawang katatawanan nila Ariel sa akin. At ang pagpapamukha sa akin na kahit kailan hinding-hindi kami maari ni Tom.
Dahil sa galit at sakit na nararamdaman ang mga gamit na iyun ang pinagbuntungan ko. Galit na galit kong pinunnit at tinapon ang mga iyun. Binuksan ko din ang cabinet ko at galit na pinagtatanggal lahat ng gamit na duon. Branded na bag, sapatos at mga damit. Kasabay ng pagbubuntong ko ng galit sa mga damit na iyun ay ang pag-iyak ko. Kahit naubos na ang gamit sa cabinet ko ay hindi man lang nababawasan ang sakit at galit.
Hanggang sa may kumatok sa pintuan ko.
"Hack? Okay ka lang? Anong nangyaayri diyan?" Ang pinsan kong babae iyun.
Duon palang ako tumigil. Umiiyak akong bumaling sa nakasaradong pintuan. Lumapit ako duon at binuksan. Agad na nanlaki ang mga mata ng pinsan ko at ang nanay niya na nasa kaniyang likod lang.
"Sayo na lang lahat ng mamahalin na gamit na yan. Kung ayaw mo pakitapon na lang" Malamig kong Sabi at nilampasan na sila.
"Huh?" Gulat na sabi ng pinsan ko. "Sigurado ka?" Nahihimigan ko na ang tuwa sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Storm In The Middle Of Summer
Romance"Joanna" Tawag ko sa kaibigan ko. "Totoo bang masayang ma-in love?" Tanong ko habang nakatingin sa kawalan. "Oo, naman. Kaya nga maraming nagpapakatanga dahil sa pag-ibig. Kasi alam nilang sasaya sila dahil dito." Siguradong sagot ng aking kaibigan...