Chapter 1

10 2 0
                                    

Hacky De Belen

Ang buhay ko ay parang walang katapusang tag-init. Nakakabagot at nakakasawa. Paulit-ulit lang ang nangyayari. Papasok sa school, hang out with friends, go home and repeat. Para bang nakatingin ka sa bintana habang tag-init. Pinapanuod ang labas na walang kahangin-hangin at ulan. Ang mga dahon ng puno ay hindi man lang gumagalaw kahit ka-unti. Wala kang ibang magawa habang nag-aantay sa muling pag-ulan na hindi mo alam kung dadating pa ba.

I am bored. Too bored and lonely. I hope for rain. I wish for storm. I dream for wind. I don't want this dry season anymore. It's like my depression. It seems like there's no end.

Sa counter ng club ay nakaupo kami ng tatlo kong kaibigan. Ako sa gitna. Sa kaliwa ay si Joanna. Ang kaibigan kong chubby at may kulot na buhok. Sa kanan ay si Diane na payat at may straight ngunit maiikling buhok. Halos wala namang pagkakaiba sa ugali ng dalawa. Masayahin at may pagkaeasy-going minsan. Minsan naman ay nagseseryoso kapag kailangan. Ang tanging pagkakaiba lang nilang dalawa ay sa pakikipagrelasyon. Si Diane ay nasa long relationship samantalang si Joanna ay papalit-palit ng boyfriend.

Kakasimula palang ng bakasyon. We just graduated from Senior high school. Nahuli na naman ni Diane na nambabae ang boyfriend niya ng apat na taon na. Pangatlong beses niya na ito ngayong nahuli. Kaya naman nandito kami ngayon sa isang mamahaling club at inuubos lahat ng perang naipon namin nuong may pasok pa kami.

"Wala pala talaga sa tagal ng relasyon yun, 'no?" Si Diane na lasing na. "Kung hindi kayo, hindi kayo.  Kahit ibigay mo lahat kung lolokohin ka niya lolokohin ka niya. Shit! Virginity ang pinakapinanghihinayangan ko." Nagsimula na na siya sa pag-iyak. "Ano ba kasing kulang? Ano bang mali? Shit. Ako na itong niloko ako pa itong nag-isip na ako yung may maling ginawa..... Baka may kulang. Baka may hindi ako nabigay." Nanahimik siya at pinagpatuloy ang paghikbi niya.

"Walang kulang. Binigay mo na nga pati pera mo. Kulang parin? Sadyang hindi lang kayo para sa isa't-isa." Si Joanna sa inis na boses.

Naiinis siya para sa boyfriend ni Diane na manloloko.

"Paano ba kasi malaman kung kayo para sa isa't-isa?" Nagsimula na ulit si Diane. "Bakit kasi walang warning na magsasabi kung hindi siya ang tamang tao para sayo? Di sana kung may ganuon wala sanang oras na nasasayang, luhang nasasayang at pusong nawawarak." Naghahalo na ang sakit at galit sa boses niya.

"At virginityng nawawarak." Dugtong ni Joanna.

I want to understand both of them but I never been in a relationship. Hindi ko na rin maalala kung kailan ako huling nagkacrush. I'm too busy with my depression for that.

"Alam niyo kung ano ang naiiwan ng break ups?" Tanong ni Diane. "Mga tanong." Sagot niya sa sarili niya. "Bakit niya yun ginawa? Bakit kayo naghiwalay?" Binibilang niya sa daliri ang mga tanong. "May kulang ka ba? May mali ka bang ginawa? Magkakabalikan pa kaya kami? Magbabago pa kaya siya?" Ininum niya ng isang lagok ang alak sa baso niya. "Pero alam mo na yung sagot sa mga tanong na iyun. Bakit niya yun ginawa? Kasi di ka niya mahal kagaya ng pagmamahal mo sa kaniya. Bakit kayo naghiwalay? Kasi hindi kayo para sa isa't-isa. May kulang ka ba? Wala, wala! Hindi ka perpektong tao pero alam mong binigay mo ang lahat. May mali ka bang ginawa? Wala. Siya ang meron. Magkakabalikan pa kaya kami? Hindi na. Magbabago pa kaya siya? Hindi na. Damn! Pangangatlong beses na ito!" She's almost hysterical. "Kahit na may sagot na. Kahit alam mo na yung mga sagot magtatanong ka parin. Bakit? Kasi hindi mo matanggap yung katotohanan. Masakit. Kaya naman babaguhin mo yung mga sagot ayun sa puso mo. Bakit niya yun ginawa? Baka hindi naman niya sinsadya. Natukso lang. Bakit kayo naghiwalay? Baka may mali kang nagawa. May kulang ka ba? Meron. Baka kulang pa ang binigay mo. May mali ka bang ginawa? Meron. Baka  nasasakal mo na siya. Magkakabalikan pa kaya kami? Pwede, basta pinatawad mo siya. Magbabago pa kaya siya? Oo, baka. Kapag binigyan mo pa siya ng pagkakataon. Maghihintay ka at baka pagdating ng panahon magbago din siya." Halos hindi maubos ang luha niya.

Storm In The Middle Of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon