Chapter 11

3 2 0
                                    

Hacky De Belen POV

Hindi ko na sigurado kung paano ako nakarating ng terminal ng bus dahil sa kakaiyak ko. Mabuti na lang din at may papaalis na bus kaya agad na akong sumakay duon. Sa bus huminto na ako sa pag-iyak ngunit nanduon parin ang sakit. Marami paring tumatakbo sa isip ko. Ang pinakamasakit ay ang ipamukha sa akin na pampalipas oras lang ako ni Tom. Na pagkatapos uuwi din siya kay Christina. Kahit ganumpaman pinili ko parin manatili. Kinukumbinsi ang sarili ko na makakalimutan ko din siya sa susunod at ako pa mismo ang unang aalis. Pero alam kong sa likod ng isip ko humihiling akong sana magustuhan din ako ni Tom gaya ng pagkakagusto ko sa kaniya. Na sana hindi sila magkatuluyan ni Christina.

Habang nasa biyahe ay tinawagan ko si Joanna. Mas lalo lang akong nagagalit sa sarili ko. Halos hindi ko mapansin ang mga kaibigan ko nitong mga nakaraang araw pero sa kanila lang din naman pala ang punta ko ngayong nahihirapan ako.

Simula palang ng tawag ay hindi ko na mapigilan humikbi. "Joa-anna."

"O? Bakit ka tumawag? Anong oras na, a? Umiiyak ka ba?" Nag-aalala na ang boses niya.

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam ang sasabihin.

"Tungkol kay Tom ba ito? Bakit iniwan ka na niya?" Bakas ang pagdadalawang isip sa boses niya.

"Hindi. Wala siyang ginawa. Ang sakit lang isipin na sa likod ng lahat pampalipas oras niya lang ako. Nuong una kaya ko pa pero ngayon hindi na."

"Wala naman siyang ginawa sayo? Ikaw lang itong biglang napagtanto na hindi mo na kaya?" Tanong niya.

Wala siyang ginawa. Niregaluhan niya pa nga ako ng kotse. Ang galante naman nuon sa mga pampalipas oras niya! Paano pa kaya si Christina? Ilang kotse na kaya nabigay niya duon? Baka pati bahay at lupa. Kaya nga sila na-engaged para share na sila sa lahat ng yaman nila.

"Oo, ako lang. Nagdesisyon mag-isa nito."

"Ano plano mo? Titigilan mo na? Asan ka nga pala? Diba dapat nasa Batangas ka?" Mas nag-aalala na siya ngayon.

"Nasa Bus ako pauwi. Mag-usap na lang tayo pagkadating ko diyan. Sabihan mo si Diane na tumawag ako. Magpapahinga muna siguro ako." Sumang-ayun agad si Joanna.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakatanggap ako ng text galing kay Diane. Baka nga gusto pa nito tumawag inisip lang na baka natutulog ako.

Diane:

Tumawag sa akin si Joanna. Pag-usapan natin yan pagkauwi mo dito. Mag-club tayo. Hayaan mo na yang mga lalaki. Sa susunod tayo naman ang maglalaro sa kanila. Hindi iyung tayo na lang ang laging pinaglalaruan.

Napangiti na lang ako sa text ni Diane at napaluha nang napagtanto tama ang mga sinabi niya nitong nakaraang araw. Sana pala agad ko na lang inwasan si Sir Tom. Sana hindi na lumalala ito.

Habang nasa biyahe ay nag-iisip ako. Nagtatalo ang loob ko kung iiwasan ko na ba ang President o magpapatuloy parin. Pero mas nangingibabaw ang sakit at galit kaya kahit wala pa naman ang payo ng mga kaibigan ay napagdesisyunan ko ng layuan si Tom. Hindi ko alam kung kaya ko siyang kalimutan pero iiwasan ko siya.

Nakatulog din ako sa biyahe. Dahil kinabukasan may pasok sa trabaho ay pumasok ako. Pinilit kong magmukhang maayos. Sinigurado kong walang bakas ng pag-iyak. Nang pumunta ako sa opisina niya ay pinilit kong huwag tumingin sa mga mata niya dahil baka kapag ginawa ko iyun magbago pa ang isip ko. Nagpaalam ako na sana ibalik niya ako dati kong cubicles. Kahit pala iyun ang gusto ko sobrang sakit rin pala nang pinayagan niya ako. Agad-agad? Ang dali ko bang itapon? Kung sa bagay mabilis lang naman palitan ang tulad ko.

Hindi na ako nakapagpaalam ng maayos kay siyr Ramon. Nang nagliligpit ako ng gamit sa opisina niya ay tila ba hindi siya mapakali. Para bang gusto niya akong pigilan o ano. Nang bumaliyy ako sa dati naming cubicles ay malaking ngiti ang binigay ko na para bang ang saya ko nga. Yuon din ang akala ng lahat. Ang dalawa ko lang kaibigan ang hindi makangiti dahil alam nila kung ano talaga ang tunay na nangyayari.

Storm In The Middle Of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon