Prologue
Anjelous
Langitngit ng tila lumang pinto sa kinakalawang na bisagra ang aking unang narinig. Mainit ang pakiramdam ko at tumatagaktak ang pawis sa aking noo nang may naringgan akong mga boses. Sinubukan kong imulat ang mga mata pero tila may bakal na pumipigil sa aking pagkilos. Ni hindi ako makagalaw o maimulat man lang ang mga mata ko. Nasaan ako? Sinong kumuha sa akin?
Kalabog sa dibdib at panlalamig sa aking mukha ang bumuhos matapos kong maalala ang mga huling sandali bago ako nawalan ng malay. Ang tanda ko ay may nagbirong takpan ang ilong ko ng isang puting panyo... Nahilo ako matapos kong maamoy ang mabagsik na halimuyak mula roon at isang pares na mga braso ang sumalo sa aking nanghinang katawan.
I gasped mentally. Someone's following me. Nakitaan ko na iyon ng butas pero hindi ko sineryoso! Siya ba iyong lalaking naka-hood na itim? Siya ba iyong sumusunod sa akin mula nang dumating ako sa Ilijan? Kinidnap ba ako?
Pero anong dahilan? Hindi kami mayaman at mas lalong hindi sikat dahil nanggaling lamang ako sa malayong isla namin.
Chito's prank? Pero ang sabi niya ay magtutungo siya ng Lipa.
Or maybe... this is Jenny's prank? But she's already dead! Kabaliwan. Pero tila kinilabutan ako nang maalala ang kaibigan.
Sinubukan ko muling igalaw ang aking ulo... Sinubukan kong ibukas ang aking bibig upang sumigaw o makahingi man lang ng tulong pero ni isa ay hindi ko nagawa. Namamanhid ang buo kong katawan. Para bang nakahiwalay ang aking kaluluwa at hindi ko mautusan ang sariling katawan. Ang tanging aktibo ay ang isip kong nalilito pa. Anong ginawa nila sa akin? Nanghihina ako at parang lantang gulay.
Una ko nang napagtanto ang takot sa aking dibdib. Bumalong ang luha sa aking nakapikit na mga mata.
Nang lumakas ang mga boses, ang tangi ko na lamang kayang gawin ay pakinggan ang kanilang pag-uusap. Kasabay ng paunti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa nababanaag na takot.
"Who is she, Anjelous?! Bakit... kamukhang-kamukha mo ang babaeng 'yan? M-may kakambal ka bang hindi mo sinasabi sa akin!?" pinaghalong galit at mangha ang nabanaag ko sa boses ng isang lalaki.
"Inutos ko sa mga tao kong 'wag gumawa ng ikapapahamak mo!"
Hindi ko kilala ang boses na iyon at ni hindi ko pa narinig sa tanan ng buhay ko. O kahit mga kilalang dayo sa isla. Ngunit tama ba ang dinig ko? Tinawag niyang Anjelous ang kausap niya? Kakambal? May kamukha ako at kapareho ko pa ng pangalan!
I heard a woman's growl in despair. Pumalatak pa siya na parang naiinis sa kausap.
"Hindi ko siya kakambal, okay? Saka kailangan natin 'yan para makatakas tayo. You've been asking me to leave Wax and be with you, Lawrence. Ito na 'yon! Ito na ang pagkakataon nating makatakas kahit sandali. At isa pa... ayoko nang danasin ang makipagplastikan sa mga tao para lang ikampanya ang asawa ko. Ang tagal ko nang nagtitiis do'n. Ayoko na!" kombinasyon ng pagkairita at pandidiri ang tono ng kanyang magandang boses.
Ilang sandaling nanatiling tahimik ang dalawa. Ngunit pakiramdam ko ay nakatunghay sila sa akin at mariin akong pinagmamasdan. Ang pag-uusap ay tila limitado lamang ngunit puno ng matalinhagang mga salita.
"Hindi mo 'to ipinaalam sa akin. Ni pagsabihan ako na may iuuwi kang babae... ni wala akong kaalam-alam na may... n-na may nag-eexist na kamukhang-kamukha mo. Maybe she's your sister or... arggh—I don't know! This can't be just a fluke, sweetheart. She's somehow related to you! Para kayong pinagbiyak na bunga, oh!" salita niyang nahihirapang huminga.
"I know. I know, darling. Hindi ko kilala ang babaeng 'yan. But look, she can help us in our plan. She's the one we're waiting for. Bakit hindi natin subukan... Come on, Lawrence... Pag-isipan mong mabuti ito. Baka bukas lang ay magising na 'yan at mawala na ang bisa ng drugs na tinurok ko. Please... cooperate with me. Ayokong magtagal sa pamilyang iyon." She said begging. Her voice...

BINABASA MO ANG
False Hope (Touch #1)
RomanceAnjelous was forced to pretend as someone else's wife after being abducted by a woman who looks exactly like her. Although crazy, it should be easy--her 'husband' was her first love after all--but no, she's trapped in a toxic loveless marriage. But...
Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte