Chapter 20

111K 2.7K 790
                                        

Chapter 20

Anjelous

Umupo sa tabi ko si Wax habang si Laiza ay nangingiting nakatingin sa aming dalawa. Inakbayan niya ako at pinisil-pisil ang braso ko. Hindi ko tuloy mapigilang mapatingin sa kanya. Mula nang dumating si Laiza ay hindi na rin siya umalis sa tabi ko. And I couldn't eat properly dahil sa dalawang ito. They both had something with the way they looked at me.

Well, I could understand iyong malagkit na tingin sa akin ni Wax. We just... had... ahm... we... we made love last night. I mean, all night.

Pero iyong kay Laiza, para bang may pagkakaintindihan kaming hindi ko mawari. Kailan pa kami naging close sa isa't-isa? Hindi ba nga't nagalit pa sa kanya si Wax noong kasagsagan ng kampanya? Kaya bakit... ganyan siya?

She chuckled but her eyes were on Wax's arms on my shoulder. "Nakakapanibago ka naman, Wax. Para... kayong bagong kasal kung magkikilos." hindi ko matantya kung pang inis ba iyon o biro. O magkahalo.

Kumunot ang noo ko. Iba talaga ang pakiramdam ko sa kanya.

"What brought you here, Laiza? Hindi na kita pinababalik dito." malamig nitong sagot sa kanya.

Nalusaw ang ngiti ni Laiza. Para bang tinapakan ni Wax ang kaisa-isang kasiyahan niya.

Hilaw itong ngumiti. Pinaraanan ako ng tingin. "Uh... actually! Si Anjelous talaga ang pinunta ko rito. Right, Anj?"

Kunot noong nilingon ako ni Wax. "Is that true?" tanong naman niya sa akin.

Napaawang ang labi ko. Hindi ko malaman kung anong sasabihin. May pinag-usapan ba sila noong isa? Wala akong alam! Are there friends now? Huh?

Bumuntong hininga si Wax at nilingon ulit si Laiza. "Hindi niya maalala. Importante ba 'yang pinunta mo rito?"

Namilog ang mga mata ni Laiza. "Oo naman! Hindi ako maglalakas-loob na pumunta rito kung hindi importante. Nakalimutan mo talaga, Anj? Sa mall pa nga tayo nagkita noong isang araw lang, remember?" tanong nito sa akin.

Napasinghap ako. It wasn't me. "Uh... Ah, oo nga." mahina kong sagot dito.

Napakamot sa ulo si Wax. Para bang nawalan ng gana sa paligid. He looks so bored.

"See?! We're friends now! Hindi naman 'yon nakakagulat, Wax," bumalik ang saya nito sa pakikipag-usap.

Wax sighed. "Ano bang pinunta mo rito?" he asked again in a cold tone.

Bahagyang umusod paabante si Laiza at tumikhim. Nginitian na naman ako. "Nasabi ko kasi kay Anj na may bubuksan akong business dito sa Lemery at... nagpapakuha ako sa kanya ng permit." she proudly said.

Nagsalubong ang mga kilay ko then Wax tilted his head. "Bakit ka sa asawa ko nagpapakuha? Bakit 'di ka pumunta sa munisipyo?"

She laughed. "What are friends for?! Nandiyan naman si Anj para sa akin! Nasabi na nga niyang tutulungan niya ako para mapabilis ang proseso ng business permit ko. You looked surprised. Hindi ba niya... nabanggit sa 'yo?" sabay tingin sa akin.

Napalunok ako. They didn't tell me about this! Pinapalakad niya ro'n sa isa ang permit niya and I'm nervous kung sakaling ikainit pa ito ng ulo ni Wax. Kinurot ko ang aking daliri para maibsan ang kabang unti-unting nagpaparamdam sa akin.

"She didn't tell me." he looked down at me with a suspicious smirk. Bumuntong-hininga at nilingong muli si Laiza. "And I don't think papayag akong gamitin mo ang asawa ko para sa personal mong pangangailangan. You better go to the office to get your permit done. Not my wife." may diin nitong sa sagot sa kanya.

False Hope (Touch #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon