Chapter 19

114K 2.6K 1.4K
                                        

Chapter 19

Anjelous

Nagpalit muna ako ng damit bago tumungong teresa dala ang tray ng kakainin ko. Binuksan ko lang ang isang lampshade. Napansin kong wala na iyong malaking flastscreen TV na winasak ni Wax noong huling nandito ako. Hindi na rin pinalitan. He was so furious that night na nauwi sa... I cleared my throat. Nag-init ang mukha ko nang maalala ito.

Nilapag ko sa babasaging lamesitang nasa teresa ang tray. Hinila ko ang upuan at umupo roon. Uminom muna ako ng tubig bago sinimulang kumain. It tasted heaven nang malapatan ng kanin ang dila ko. Pinagsamang pagod, nerbyos at sama ng loob ang inabot ko bago makarating dito ulit at nang makakain ay medyo... nakakagaan ng pakiramdam.

Napalingon ako sa aking gilid nang marinig ang pagbukas ng pinto.

"Anjelous!"

Namilog ang mga mata ko at natigil sa pagsubo ng kutsara nang malakas na boses ni Wax ang gumambala sa pagkain ko. Ang lakas kasi ng boses niya at kinabundol din ng dibdib ko! Mainit ba ang ulo niya?

"Anjelous!" galit niyang sigaw ulit.

Kaya't parang sundalo ay mabilis akong tumayo at sumilip sa loob ng kwarto. I saw him at the door. Standing and looking around. Hinihingal pa yata na parang kay layo ng tinakbo. Was he running coming up here? Kumunot ang noo ko. And he looked angry! Napalunok ako. "B-bakit?" nauutal kong sagot.

He abruptly looked at me at the french door. Nalusaw ang lukot sa pagitan ng mga kilay niya—at malalaking hakbang na lumapit sa akin!

I was totally stunned. Hindi ko malaman kung aatras ba ako o tatalon sa barandilya. I felt the warning and excitement when he almost ran and grabbed me for a tight embrace! Namilog ang mga mata ko. Naiwang nakataas sa ere ang mga kamay ko at napapaso akong hawakan siya.

Ang kamay niya ay nakapulupot sa likod ko at ang isa ay nasa buhok ko. It felt like he clamped me against his hard body. Then after some few seconds of warm-embrace, he started showering me hurried kisses! On my hair, neck, throat, chin and it ended up on my lips. Mga halik na tila sabik na sabik. I left my eyes open and my lips were not moving. Ganito ba sila mula nang bumalik ang asawa niya? Did they... A pinch of pain rose on my chest.

Hinapit niya ako sa baywang. Tila ako pinipisa sa pangigil ng kanyang mga kamay. Dumadaing siya na mas lalong nagpapalubog ng natitira kong huwisyo.

Ramdam ko ang pag-twist ng labi niya sa lalim ng gustong marating sa bibig ko at sa bilis ng kanyang halik. He's tilting his head and was sliding his lips. It's drowning me! Kaya't bahagya ko siyang tinulak sa dibdib. Hinuli niya ang mga wrist ko. Hindi niya gusto ang pagtulak ko at mahigpit niya iyong hinawakan. He then bit my lower lip. Dumaing ako at iniwas ang mukha but he tailed my lips kahit na dalawang beses ko siyang iniwasan. "M-masakit..." I whimpered. And it stings.

Mabagsik itong bumuntong-hininga. Hinapit akong muli. Binagsak ang labi sa sintido ko. He's panting. "Sorry... Let me see," malamyos niyang hinila ang mukha ko at inangat para makita ang labi ko. He looked... sincere though despite the redness of his aroused face.

Using his thumb, he tenderly wiped the damage he did on my lower lip. Tinitigan niya iyon ng ilang sandali at hinalikan na naman ako. "Kiss me back..." he begged when I remained unresponsive. Salo ng kanyang kamay ang panga ko at hinalik-halikan ang leeg ko.

I closed my eyes and I swallowed my pride. Napasinghap ako nang kagatin naman niya ako sa aking balat, sa ilalim ng tainga ko. He's urging me to return the kisses he's giving to me. Sinisindihan niya ang apoy sa kaibuturan ko na pilit kong tinatago dahil sa munting kirot na nararamdaman dito sa dibdib ko.

False Hope (Touch #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon