Chapter 22
Anjelous
Natigalgal ako. Mas lalo kong naramdaman na tila lumalaki ang ulo ko sa sinabi ni Chito. Pero bakit hindi muna nila ako hinintay na makalabas?! Napasabunot ako sa sariling buhok. Nanlalamig ang mga kamay ko at nanginginig ako sa takot. Nilingon ko ang natutulog na si Anjeline... my chest was rising. "B-bakit siya pumasok agad?! Baka... baka nasa baba pa sina Wax!" kabadong-kabado kong tanong sa kanya.
Pinihit ko ulit ang doorknob at nakasarado talaga ang pinto! Bakit?
"Nakita kong nagtatalo yung dalawang kumag tapos mayamaya lang, biglang pumasok yung bruhang kurikong. Bumalik sa sasakyan niya si Lawrence. Hinihintay ka sigurong makalabas diyan!"
Napailing ako at suklay ng buhok gamit ang mga daliri. "Ite-text ko muna si Lawrence, Chito!"
"Sige, sige! Balitaan mo ko ha, Anjelous? Jusko, ako ang natatakot sa 'yo riyan eh! Pa'no kung mahuli kayo ni Mayor Wax?! Malaking problema 'yan!"
Agad kong pinatay ang tawag niya at nag-type ng text kay Lawrence.
Ako: Hindi ako makalabas. Naka-lock ang pinto rito sa kwarto ni Anjeline.
Nawalan na ako ng pag-asang mabubuksan ang pintuan. Inikot ko ang paningin sa loob ng kwarto at sandali akong napatitig sa bintana. Inilang hakbang ko iyon at binuksan. Dumungaw ako at agad ding napapikit nang makita kung gaano kataas ang kababagsakan ko kung tatalon man ako. This is just only the second floor but...
Napahawak ako ng mahigpit sa frame ng bintana. I opened my eyes. I looked down and calculated how high will it be before I could touch the floor.
Hindi naman siguro ako mababagok diyan kung sakali. Maaaring magalusan ako o mabalian ng buto! Iyon lang ang pinakamalalang maaari kong makuha. Tinanaw ko ang labas. Kahit sa kalagitnaan ng gabi ay nakabantay pa rin ang mga tauhan ni Wax. Malapit sa gate at sa bawat pader. Hindi nila ako mapapansing tumalon dahil may halamanan sa tapat ng kwarto ni Anjeline. Iikot ako sa likod at doon lalabas.
Napalunok ako. Pakiramdam ko ay katapusan ko na. Napaigtad ako nang mag-vibrate ulit ang cellphone sa kamay ko. "H-hello?"
"Shit! Kailangan mo nang makababa diyan! Nasa loob na siya!" Lawrence said with a frantic voice.
"P-pero naka-lock yung pinto! Hindi ko alam kung paano... ako makakababa."
"Sa bintana?! Subukan mo sa bintana! Ite-text ko si Anj na 'wag munang magpakita sa kahit na sino riyan at akyatin ka para buksan ang pinto!"
Napatango ako. "O-okay... okay..." sang-ayon ko.
He abruptly cut the line. Napahawak ako sa aking dibdib. All I could think about is to jump but I'm so nervous and scared.
****
Laiza
"Ang babagal niyo kasi eh, mga punyeta kayo!" matalim kong sinulyapan ang dalawang lalaking kinuha ni Gui para kidnapin ang isa sa kambal. Dumating na iyong isa at pinabayaan lang nilang makapasok sa loob! Mga bobo!
Napakamot sa batok iyong isa. "May kasama kanina, ma'am. Malaking lalaki at baka manlaban."
"Gago! Isang lalaki lang 'yon natakot na kayo!" singhal ko.
"Anak ni Vice Mayor 'yon, ma'am! Delikado kami kung siya ang makakalaban namin."
Hindi ko na napigilan ang sarili at binatukan ko siya. "Itong asawa nga ni Wax ang kukunin niyo, hindi kayo natakot, eh mayor na 'yan! Kay Vice, bahag ang mga buntot niyo!" nilingon ko si Gui sa driver's seat. "Saan mo ba pinagkukuha 'tong mga ugok na 'to?! Baka masayang lang ang pera ko rito!" singhal ko rin dito na prenteng naninigarilyo.
BINABASA MO ANG
False Hope (Touch #1)
RomanceAnjelous was forced to pretend as someone else's wife after being abducted by a woman who looks exactly like her. Although crazy, it should be easy--her 'husband' was her first love after all--but no, she's trapped in a toxic loveless marriage. But...
