Chapter 8
Anjelous
Naiilang ako. Sa bawat pag-angat ng mukha ko ay nakasunod ang titig sa akin ni Wax. Hindi ko malaman kung paano kakain at ngunguya nang matiwasay gayong sa tuwing lilipad ang paningin ko ay nakasunod siya.
Ilang araw na ang lumipas pagkatapos ng pagyakap niya sa akin sa library. Pagkatapos magwala, kinabukasan ay mainit na naman ang ulo pag-uwi. Kaya sina Ephie at Dalia ay hindi malaman kung saan magtatago kapag nakakasalubong siya. Sabon na sabon na siguro iyong mga tauhan niya sa kanya. They all looked stressed. Bantay-sarado pa ang bahay which made me ask Nana Josie about it.
Ang sabi naman niya ay dati nang may nagbabantay sa bahay. Pero hindi kasing dami nang sa ngayon. Kahit siya ay nagtataka sa dumobleng tauhan niya.
Pagkatapos ngayong agahan namin... sinimulan niya akong titigan pagpasok ko pa lang ng dining at hindi na tinantanan pa kahit ngayong kasalukuyan kaming nag-aalmusal.
Nagawa kong tumikhim pero dedma siya. Nang sulyapan ko siya ay para bang nagliwanag ang mga mata niya kaya napaiwas ako ulit ng tingin sa kanya. Hindi ko kayang salubungin ang tingin niya. Tumatambol nang malakas ang dibdib ko. Parang may piesta sa puso ko. At kung magkakamali ako ay baka mabulunan na ako ngayon sa kaba.
Napatingin ako kay Nana Josie matapos nitong ilapag ang pitsel ng tubig. Kumunot din ang noo nito nang makita ang ginagawa ni Wax at saka ako tiningnan. Napalunok ako. Nag-iinit ang buong mukha ko. Sa pinagsamang hiya at nerbyos nang bigla akong maalala ang lakad ngayon ni Nana.
I have no choice but look back at him. Kabado akong tumikhim. I saw him got intensed when I looked back at his eyes. "Wax... pwede ba akong magpaalam sa 'yo." I couldn't even speak properly. Lalo na nang umahon ito mula sa pagkakasandal sa upuan dahil panimula ko.
Nagsalubong kaagad ang mga kilay niya. "Anong gagawin mo?" tila tumabang ang awra niya. Naging malamig ang pananalita.
Sinulyapan ko ulit si Nana. Nakabantay na sa amin. "Sasamahan kong mag-grocery si Nana Josie..."
"Sama rin po ako, Papa!" sabay taas kamay ni Anjeline sa tabi ko. Nilingon ko siya at nginitian. Pero paglingon ko kay Wax ay kita sa mukha nito ang disgusto sa pinaalam ko. Pinansin nito ang kape at uminom.
Mabigat itong bumuntong-hininga. "Talaga bang gusto mong sumama sa grocery?" may laman nitong tanong sa akin.
Bahagya akong natigilan dahil hindi ko agad naintindihan ang ibig niyang ipakahulugan. But the way he delivered his words and tone... I grasped myself and calmed my mind. Ang ideyang lalabas ako ng bahay ang umaanyaya ng galit nito.
"Ako ang nagyaya sa asawa mong sumama sa akin, Wax Miguel. Ilang araw nang hindi nakakalabas ng bahay si Anjelous. Ultimo pagpunta niya sa garden e nakasunod 'yang mga tauhan mo. Aba, ginagawa mo nang preso rito ang sarili mong asawa!" nakapamaywang nitong salita sa kanya.
Tiningnan ko kaagad si Anjeline. She's looking at her Nana confusely. Hindi sumisingit sa usapan pero nasa mga mata ang pagtatanong. Kaya't agad kong tinawag ang pansin ni Nana, "Okay lang po, Nana..." mahinahon kong sabi. Nag-aalala akong magka-ideya si Anjeline sa nangyayari sa amin.
"I just want her to stay here." Sagot ni Wax at biglang pinagpatuloy ang pagkain.
Kumalabog ang dibdib ko. Ang itsura ni Nana ay para bang umuusok ang butas ng ilong habang nakatingin sa lalaki.
"Nagpapabili na rin si Anjeline ng gamit niya pang-eskuwela kaya tamang-tama na maggo-grocery si Nana nang makisabay na rin kami sa pamimili." dagdag ko. I was just told na naka-enroll na si Anjeline sa isang private school. Ito rin ang magiging unang araw niya sa eskuwelahan, pang-preparatory.

BINABASA MO ANG
False Hope (Touch #1)
RomanceAnjelous was forced to pretend as someone else's wife after being abducted by a woman who looks exactly like her. Although crazy, it should be easy--her 'husband' was her first love after all--but no, she's trapped in a toxic loveless marriage. But...
Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte