Chapter 26
Anjelous
Ang dalawang araw ko sa ospital ay hindi naging madali para sa akin. Naroong naiilang na ako sa presensya ni Wax at mayroon ding hinahanap-hanap ko siya. Gusto ko siyang makita kaagad kapag umaalis siya. Pero kapag bumalik naman, nag-iinit ang mukha ko at gusto ko na lang na magtago sa ilalim ng kumot. Hindi ko tuloy malaman kung sa pinagbubuntis ko ba ito o dahil nagi-guilty ako. Anuman sa dalawang dahilang iyon, wala pa rin akong lakas ng loob. Pakiramdam ko kasi, ako ang sisira sa buhay niya.
Pagkatapos ng lahat... hindi ko pa rin magawang kausapin siya. He was always occupied with his phone, always talking with the doctors though kalimitan ay nakasimangot ito kapag kausap ang babaeng OB-Gyne sa ospital. Palagi siyang nakaalalay sa akin kahit sa pagpunta ng banyo. Kaunting galaw ko lang ay nakasalo na agad ito sa akin. He always cares.
I wanted to tell him about Anjeline... but I can't. Or maybe not now.
I didn't protest when he brought me home. I miss Anjeline too. Siguro ay mananatili muna ako ng ilang araw bago bumalik ng Isla Verde. I will open that up to him. He's fine now, I think, dahil hindi na ako nagpapangggap ngayon. I'm acting as the real me. Not as his fake wife. Ang dapat na lang siguro na isipin ko ay ang pinagbubuntis ko. Hindi ko ito inaasahan ngayon pero hindi naman ako nangangamba. I will love this baby no matter what. At isa pa, I love his father too. I love them both so much even if I feel that he's far different from me now.
"Welcome back po, Ma'am Anjelous!"
Napangiti agad ako nang mapalingon sa front door ng bahay ni Wax. Naroon sina Nana Josie, Dalia at Ephie. Nakangiti sa akin. Naramdaman ko ang pag-init ng mukha at dibdib ko sa pag-welcome nila sa akin. But Wax got my attention when he snaked his arms on my waist and was almost carrying me while walking. Napalunok ako at kay bilis ng tibok ng puso ko! "W-wax, kaya ko namang maglakad mag-isa..." ganito ang nagagawa niya sa akin sa tuwing nilalapitan niya ako.
Pero parang hindi naman niya ako pinakinggan at pinapanood ang bawat hakbang ko papasok sa bahay, "Watch your footsteps..." malumanay niyang utos sa akin na para ba akong isang bata.
Bumuntong-hininga na lamang ako at muling tiningnan sina Nana Josie. "Maraming salamat po." I said. Pagpasok namin sa loob ay agad na akong bumitaw kay Wax. Agad din naman akong nilapitan ni Ephie.
"Welcome back po, Madam! Naghanda po kami ng masasarap na pagkain nina Nana! Para po sa inyo saka... sa baby niyo po ni Ser Wax!" hinawakan niya ako sa braso at tila kinilig pa ito sa huli.
Tumikhim si Wax. "'Wag mo siyang yugyugin Ephie at baka mahilo si Anjelous." madiin nitong saway sa kanya.
"S-sorry po, Ser." nahihiya nitong paumanhin kay Wax.
"Naku eh, excited kasi itong sina Ephie sa pagdating mo, hija. Lalo na nang ibalita sa amin ni Wax na buntis ka na raw. Aba'y magkakaroon na ng kapatid si Anjeline ninyo!" ani Nana Josie.
Napangiti ako roon. Ang inaasahan ko pa naman ay maiilang na sila sa akin pagkatapos ng lahat. Hinahampas ng kaba ang dibdib ko nang makaharap sila ulit. They know na hindi rin naman ako ang tunay na ina ni Anjeline but still, they addressed her as mine too. "Nasa'n po siya, Nana?" hanap ko sa bata.
"Nasa kwarto po niya, Madam. Ayaw pong bumaba eh, kahit na sinabi naming uuwi na po kayo." sagot sa akin ni Dalia.
Napalingon ako sa taas. What is my angel doing up there? Tutunguhin ko sana ang hagdanan nang bigla akong yakapin ni Wax sa baywang at bulungan, "Alam kong gutom ka na. Ako nang tatawag sa kanya."
Napatingin ako sa kanya pero kinakabahan sa yakap niya sa akin. Pahapyaw kong nilingon sina Ephie and they were all hiding their smiles! Kaya't napatikhim ako at napalayo kay Wax. "O-okay... Sa kusina lang ako..." sagot ko.
BINABASA MO ANG
False Hope (Touch #1)
RomanceAnjelous was forced to pretend as someone else's wife after being abducted by a woman who looks exactly like her. Although crazy, it should be easy--her 'husband' was her first love after all--but no, she's trapped in a toxic loveless marriage. But...
