Chapter 12

86.7K 2.3K 452
                                        

Chapter 12

Anjelous

Inihatid kami ni Wax hanggang sa pagsakay ng sasakyan. Hindi natatapos ang bilin niya sa mga apat na bodyguard na palagi niyang pinapasama sa akin kapag aalis ako nang hindi siya kasama. Siya na rin ang nagpatawag kay Ephie at pinasama sa akin. Somehow, it feels so weird to have five persons with me kapag lalabas ng bahay. Naiisip ko na lang na talagang ganito kapag asawa ng mayor. Security was the number one priority kahit na magmukhang OA pa si Wax.

Pero bago pa lamang kami makasakay ay isang sasakyan ang bumusina sa labas ng gate. Ngayon ko lang nakita ang sasakyang iyon. At tila nasabihan na ang mga guard sa gate sa pagdating no'n dahil agad na binuksan ang mga rehas na bakal.

I stood still when Wax snaked his arm around my waist. Hindi ko na lang pinansin at pareho naming hinintay kung sino ang dumating. His car looked expensive too. A porche. Poging-pogi katulad kung paano i-describe ni Chito ang mga nakikitang magagandang sports car at isa ito marahil sa magugustuhan niya.

Pumarada ang sasakyang iyon at pinatay ang makina. Mula sa driver's seat ay lumabas ang isang matangkad na lalaking nakasuot pa ang shades. Malaki ang ngiti nang tingnan kami. Kakilala ni Wax. Paglapit sa amin ay tinanggal nito ang suot na salamin. He smiled at me in a polite manner.

"Ryan," tawag ni Wax at nakipag-apir sa lalaki. He looked down at me.

"He's here for a meeting with me, Anj." He told me.

Kumunot ang noo ko. Sinong Ryan ito? Lumingon ito sa akin.

"How are you, Anj? Long time no see ah! It's been a while mula nang magawi ako rito sa Lemery. Ang dami na ring nagbagong bahay dito. Akala ko nga maliligaw pa ako," he laughed at his humor.

Alanganin ko siyang nginitian. He laughed at hindi ko alam kung paano sasabayan gayong hindi ko siya kilala.

Wax smirked. "You were born here. You should know the way back home." Tila may laman nitong sagot sa kanya.

The man chuckled and looked around. "'Wag mo na akong kulitin na bumili pa ng bahay dito. I'm still contented in Manila, and speaking of Manila, I have here with me your financial report." Nilingon niya ako at tinitigan, "Aalis ka ba, Anj? Hindi mo ba gustong makita ang sales sa business ng asawa mo? His furniture demands scaled up for the past months. Ikaw rin..." then he winked at me.

Napaawang ang labi ko but Wax answered him for me.

"May schedule siya ngayon for my campaign, Ryan. I can tell her later pag uwi niya." Wax said calmly.

Nagkibit balikat si Ryan. "Okay."

Tumabi kay Wax si Ryan at pinanood na kaming sumakay sa naghihintay na sasakyan. Pero kahit nasa loob na ako ay nakatanaw pa rin sa bintana ko iyong dalawang lalaki. Si Ryan na nakahalukipkip at bahagyang nakangisi habang nakatingin. Para bang may birong naglalaro sa isipan. At si Wax na nakapamulsa, seryoso at malamig ang titig sa salamin ng bintana. He's making my heart pound so fast.

Kahit nang makalabas ng gate ay hindi pa rin nawawala ang nakalalasing na epekto sa akin ni Wax.

***

Palapit pa lamang kami sa barangray hall ay dinig na dinig ko na ang ingay ng musikong inihanda para sa amin. Nalulunod sa kulay puti at pula ang mga taong makakasama ko sa pag-iikot. Kusang humahawi ang mga tao para lamang makadaan ang sasakyan namin.

Nauna nang bumaba sina Ephie at ang apat na lalaking kasama namin. Agad na tumungo sa kanya-kanyang pwesto malapit lamang sa akin. Alerto at nakatanaw sa mga tao.

"Mrs. Salvaterra! Magandang umaga po, Madam!" nakangiting bati sa akin ng isang matandang lalaki. Nakasuot din ito ng campaign T-shirt ni Wax pero round neck ang uri ng damit.

False Hope (Touch #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon