Chapter 28

84.3K 2.3K 783
                                        

Chapter 28

Anjelous

Sa labas ng gate ay naroon sina Chito at ang Kuya Charlie ko! Nakita ako ni Chito at tinuro ako sa kapatid ko. But when my brother saw me, pinaghalong lamlam ng mga mata at galit ang nakita ko. His skin darkened at tila lumaki pa ang katawan nito mula nang mawala sa isla. My tears pooled in my eyes. Malalaking hakbang ang ginawa ko para makalapit agad sa gate.

"Anjelous!" Chito called me.

Binalingan ko ang dalawang tauhan ni Wax na nakabantay sa gate. "Papasukin niyo sila." I said. Bakit sila pagbabawalan dito? They are my family! "Buksan niyo ang gate." ulit ko nang magtinginan pa ang dalawa.

Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pag-igting ng panga ni Kuya Charlie. Tinitigan niya ako at napalunok ako. Did Chito tell him why I am here? I gulped and my hands were shaking due to nervousness.

Binuksan nila ang gate and I excitedly hugged my brother! "K-kuya!" my voice shook. Ilang buwan at halos mag-iisang taon na rin mula nang magkita kami. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Alam ko... alam kong buhay siya! "Matagal ka naming hinanap..."

He hugged me back. I felt the longing from his brotherly embrace but he didn't speak.

Bumitaw ako at pinunasan ang tumakas na luha sa mga mata ko. I smiled at him. "Pumasok na muna kayo sa loob. Chito..." nilapitan ko rin si Chito at kinamusta siya. Ang huling pagkikita namin ay noon pang kinuha ako ni Lawrence.

"Ikaw ang kamusta rito, Anj? Magmula kasi nang sabihin sa amin ni Mayor Wax na ligtas ka na, wala na kaming balita sa 'yo." He said thoughtfully.

Nginitian ko siya. "Marami lang inaasikaso ngayon si Wax kaya siguro hindi niya kayo nagawang kausapin ulit." kumalabog ang dibdib ko.

Tinuro ni Chito ang kapatid ko. Na pinapasadahan ng tingin ang labas ng bahay. He gave me an angry-mocking face sa likuran ng kuya ko at hanggang sa makapasok kami ay hindi pa rin kumikibo ang kapatid ko.

Kinakabahan ako sa ginagawang paghagod ng tingin ni Kuya Charlie sa loob ng bahay ni Wax. Alam kong hindi siya nai-intimidate. Walang siyang ganoong ugali. Ang nakikita ko ay disgusto sa mga mata niya. He got a disgusted face. He's wearing worn out pants and a T-shirt. This is him pero tila may pagkakaiba sa dati. Hindi kaya epekto ng pagkakaroon nito ng amnesia? Tumikhim ako. Then I should be careful with my words. "Magpapadala lang ako ng maiinom at meryenda. Malayo rin ang binyahe niyo papunta rito." nakita ko ang pagngiwi ni Chito.

Then my brother scoffed. "Kaya pala. Ito pala ang dahilan kaya ayaw mo nang bumalik sa Isla Verde. Mas maginhawa na ang buhay mo rito." he then looked at me. Pinasadahan pa ako ng tingin.

I was halted. "Kuya..." he misunderstood this.

"Hindi mo man lang inisip ang Tatay, Anjelous! Alam mo bang araw-araw ka niyang hinihintay magmula nang bumalik ako! Kung hindi pa dumating sa bahay 'yang si Wax Salvaterra, hindi pa namin malalamang nag-asawa ka na rito!"

"Eh, teka Charlie, napasubo lang naman si Anj dito. Dahil kailangan niya ng pera..." mahinahong singit ni Chito.

"Naintindihan ko 'yon. Pero hindi ang parteng ayaw mo nang bumalik sa Isla!" bahagyang tumaas ang boses ni kuya.

Napasinghap ako at iling. "Uuwi rin ako. Wala akong sinabing hindi ako babalik sa atin."

"Hindi 'yan ang sinabi sa amin ng nagpakilalang asawa mo! Pumunta siya sa isla para hanapin ka. Nag-alala kami ng Tatay nang malaman naming nawawala ka raw. Iyon ba ang sinasabi ng Tatay na gusto mong lalaki? Nagpakasal ka agad sa kanya?!" mabigat itong bumuntong-hininga at pinipigil ang sariling makalikha pa ng ingay.

False Hope (Touch #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon