Chapter 9
Anjelous
Wala na kinabukasan si Wax. Hindi ko na siya naabutan dahil ang sabi ni Nana ay maaga raw itong umalis. Ni hindi na kumain ng almusal. At mukhang kay aga-aga ay nakabusangot na raw ang mukha. Bumuntong-hininga na lamang ako.
Naiwan kaming dalawa ni Anjeline sa bahay. Naglaro na lang kami sa garden. Hindi ko na nga masyadong napapansin ang mga tauhan niyang nakabantay sa amin sa mga pinto at sa gate. Kapag nakikita kaming lumalabas ng bahay ay agad na sumusunod at tatayo sa hindi kalayuan.
Hindi tumatawag si Wax kahit kay Nana. Hindi rin siya umuwi no'ng araw na iyon.
"Mama, baka nasa sa office po si Papa. Pwede po ba natin siyang puntahan doon?"
I sighed and looked down at my plate. Kasalukuyan kaming nagbi-breakfast. It feels so empty. Dull. Ewan ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko gayong kapag nandito naman si Wax ay hindi rin ako makakain nang maayos. Lalo na kapag tititigan pa niya ako. "Hindi ako sigurado kung papayagan tayo, Anjeline." I even doubted.
"Why Mama? Kay Papa naman po tayo pupunta e. I think he'll be surprised po!" she excitedly said.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Parang may dagang naglakad sa dibdib ko nang maisip na magugulat nga siya kapag nakita kami roon. Pero paano kami lalabas?
Napanguso ako. Nang dumaan si Nana ay napatitig ako sa kanya. Kumunot naman ang noo niya sa akin.
***
Napakamot sa ulo ang isang tauhan ni Wax habang kinakausap ni Nana. Kunwari kasing naha-high blood sa kanya si Nana Josie para payagan kaming pumunta sa munisipyo. Pumayag naman akong isama sila at alam kong baka pagalitan din ni Wax kung hindi. Pero dahil hindi si Wax ang nag-utos ay hirap din silang gumalaw. Kung ako lang ang magsasabi ay matigas pa sa bato ang mga balat niyan. Pero kay Nana, na pinagkakatiwalaan ng boss nila... aba, ibang usapan na iyon.
Lumapit ako sa kanila. I bit my lower lip. Nagi-guilty ako. Hindi naman ako tatakas e.
Nakapamaywang si Nana Josie. "Sa munisipyo mo lang sila ihahatid at baka doon na dumaan si Wax pagbalik ngayong umaga. Susme kayong mga lalaki oh. Asawa niya ang pupuntahan nila."
"E Nana baka po mapagalitan ako ni Mayor Wax nito." nag-aalangan pa rin nitong sagot.
Winasiwas ni Nana ang kamay na parang nagtataboy. "Hindi kayo pagagalitan no'n kung sasama kayo sa kanila. Dalian niyo na!" sabay talikod bilang pagtatapos sa usapan. Pagharap sa akin ay kinindatan niya ako.
Lihim akong napangiti. Wala ring nagawa ang tauhan ni Wax at pinasakay din kami.
***
Pagdating namin sa munisipyo ay nadatnan naming maraming tao sa labas. Nahirapan pa kaming makapasok sa loob. Bahagyang napaawang ang labi ng sekretarya ni Wax nang makita kami ni Anjeline. Agad na napaayos ng buhok.
"Good morning po, Mrs. Salvaterra! Naku, nasorpresa naman po kami sa pagpunta ninyo. Hi Anjeline!" sweet nitong bati pa sa bata.
Napalingon ako sa paligid. Pinagtitinginan kami. Napalunok ako at tumikhim. "Dumating na ba si Wax?" mahinahon kong tanong.
"Hindi pa po, Ma'am. Tinawagan ko rin po kanina kasi may event kami ngayong umaga at kailangan si Mayor Wax. Pero galing pa pong Manila niyan si Mayor baka po dumaan pa sa Tita Lian niya po." magalang niyang imporma sa akin.
I smiled at her. Tila na-freeze naman ang ngiti niya. "Sige, salamat. Pupuntahan na lang namin siya kina Tita Lian." sagot ko. Hindi ko na pinansin pa ang namuong pagtataka sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
False Hope (Touch #1)
RomanceAnjelous was forced to pretend as someone else's wife after being abducted by a woman who looks exactly like her. Although crazy, it should be easy--her 'husband' was her first love after all--but no, she's trapped in a toxic loveless marriage. But...
