Chapter 7
Anjelous
"Hija, kumain ka na." maingat at maalalahaning paalala sa akin ni Nana Josie.
Nilingon ko siya. Hindi ko man makita ang awa sa kanyang mukha, hindi na naman niya iyon kailangan pang itago. Ang mga kasambahay ay pinagmamasdan ako habang hirap pa akong tumayo para lang umupo sa gilid ng kama. Hindi ako tumitigil sa pag-iyak not until I got worried na makita ako ni Anjeline sa ganitong anyo. Beaten... by her papa. I might look like a monster kaya naman si Ephie na ang nagkusang kunin ang brush at suklayin ang buhok ko.
Si Nana Josie ay nagpakuha ng pagkain. Wala pa silang alam sa nangyari. Hindi ko masabi. Pero nang lumatag ang mga binti ko sa kama... si Nana Josie ang unang nakapansin sa latay sa hita ko. Tinitigan niya ako. Nagtatanong ang mga mata. Ngunit marahil ay ayaw ipaalam sa mga kasambahay ang gusto niyang ikumpirma. O ayaw lang nilang pag-usapan kahit na nakita na ng mga mata.
Humiga lamang ako at banayad na umiling. Namumugto na marahil ang mga mata ko pero ayaw pa ring tumigil ang kirot sa puso ko. "Mamaya na po, Nana..." halos bulong ko. Nanginginig pa rin ang boses ko.
Banayad siyang bumuntong-hininga. Pinatong ang tray ng pagkain sa night table. "Iiwan ko rito ang pagkain mo, anak. Wala ka pang kain mula kaninang umaga at ngayong tanghali. Hindi ko muna pinapasok dito ang anak mo... nagdahilan na lang akong may sakit ka. Baka ayaw mo munang magpakita sa kanya," nakaiintidi niyang paalam sa akin.
Tumagilid ako. Inayos niya ang kumot sa aking baywang. Nagsisimula na ring maglabasan sina Ephie. Bumalong ang bagong bersyon ng luha sa mga mata ko. Suminghap ako upang pigilan ang paghikbi. "S-salamat po..." I whispered. Then I didn't move anymore.
Ilang segundo munang nanatili sa kwarto si Nana Josie. Pinikit ko ang mga mata para magpanggap na magpapahinga. Nang lumapat ang pinto ay napadilat ako ulit... at umiyak. Tila hindi nauubos ang tubig sa mga mata ko. All the failures in my life succumbed me. And I felt like a poor woman. A powerless creature.
Saksi ang kwaro ito... ang bawat sulok ng kwartong ito sa sakit na dinanas ko. At saksi sa walang humpay kong paghikbi. Na kahit na anong punas ko gamit ang kumot ay patuloy pa rin sa pagbagsak. Isang beses ko pang hinimas ang dibdib sa sobrang sakit nito. It felt like it was squeezing me.
Hours passed at nananatili lang ako sa kama. Kung minsan ay napapatingin ako sa pinto sa tuwing naririnig ko ang mga takbo at yabag ni Anjeline. Narinig ko ang boses niyang tinatawag ako. Na agad na pipigilan ni Dalia para hindi makapasok.
Dahan-dahan akong bumangon. Tinabig ko ang kumot. Hinawakan ko ang parte ng kaliwang hita na may dalawang namumulang marka. Namumukol na iyon, namamaga na parang pantal. Tinitigan ko iyon at marahang hinaplos. Nasa isip ko na ang mga latay na iyon ay magtatagal sa balat ko ng ilang araw. It will get worse. The discoloration on my skin.
Wala akong kasalanan sa kanya. Hindi ako ang karelasyon ng Yahir na iyon. Bakit niya ito ginawa sa akin?
Iyon ang mga paksang pumaikot sa isipan ko. Gusto ko nang umuwi sa amin. Hindi naman ito ang pamilya ko. Agad kong inayos ang sarili. Nilingon ang labas. Ang dumidilim na langit. At ilang minuto lamang ay tumayo ako... pero agad din akong napahawak sa gilid ng kama nang sa biglang pagpwersa sa tuhod ay kamuntik pa akong matumba.
Nang makakuha ng buwelo ay tinungo ko ang walk-in closet. I changed into denim pants and a blouse. Sinuot ko rin ang flat shoes niya. Iyong cellphone ay nilagay ko sa likod na bulsa ng pantalon.
Tinungo ko ang salamin at sinuri ang sarili. I brushed my hair lifelessly. Naglagay ng kaunting pang-kulay sa labi but I didn't bother to conceal my swollen eyes.

BINABASA MO ANG
False Hope (Touch #1)
RomanceAnjelous was forced to pretend as someone else's wife after being abducted by a woman who looks exactly like her. Although crazy, it should be easy--her 'husband' was her first love after all--but no, she's trapped in a toxic loveless marriage. But...
Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte