Chapter 11

98.1K 2.6K 740
                                        

Chapter 11

Anjelous

Nakita kong nakipagsiksikan sa mga tao si Chito para mas makalapit sa harap. Napapalingon ako kay Wax kung napapansin niya, but he didn't. Lilingunin niya lang ako saglit at kikindatan. I am nervous. Lalo na nang hustong makalapit sa harapan si Chito at pinakatitigan ako. He's trying to figure out kung namamalikmata ba siya. But when he tried to get near at me ay agad na humarang ang tauhan ni Wax. Pasimpleng pumwesto sa harap para hindi siya makalapit sa akin na tinutumbok niya.

Ilang beses akong napapalunok. Kinakabahan at natatakot. Pumaro't parito ang paningin ko kina Wax at Chito. At ang dibdib ko'y hindi na maitago ang kabang nararamdaman.

Walang nagawa no'n si Chito kundi ang tingnan ako mula sa ibaba. Natapos ang speech ni Wax at ito lumapit sa akin. Nginitian niya ako at hinawakan sa kamay. Sinubukan kong lingunin si Chito. Hindi na ako nagulat nang makita ko siyang nanlalaki ang mga mata habang nakatitig sa mga kamay naming magkahugpong. He was shocked. He was clueless. Lahat ng mga uri ng gulat ay naka-drawing sa mukha niya. At nang magtagpo ang mga mata namin ay nakuha ko ang mga tanong niyang sa tingin na lamang pinaparating.

Bumalik na lamang ang atensyon ko sa katabi nang malakas na nagpalakpakan ang mga tao. Tumugtog ang musiko at nagupit na ang ribbon. Hinila ako ni Wax papasok sa loob kaya't hindi ko na ulit nakita ang kaibigan ko.

Maraming tao roon ang kumausap sa akin. They all knew about Wax's wife so I just rode in. Hindi rin kami nagtagal doon. Sa labas ay muli kong nakita si Chito. Sa exit stairs ay naroon siya at nakaabang. Umiwas ako ng tingin. Nagkunwari akong hindi siya napansin, nakalimutan pero pilit niyang inaabot ang braso ko at tinatawag ang pangalan ko.

"Anj! Anj! Huy!" sigaw niya habang nalulunod ang boses sa tugtog ng musiko.

Ang mga tauhan ni Wax ay alerto. Para akong celebrity nang harangin nila ang sarili mula sa mga taong masyadong nakakalapit. Pero nadudurog ang puso ko kapag nakikita kong kulang na lang ay itulak nila si Chito. Hindi man ipahalata sa lahat ay pilit pa rin nila ako piniprotektahan lalo na at nakikita ni Wax ang mga lumalapit sa akin.

Huminto ako at binalikan si Chito. Mas namangha siya nang makita ako sa malapitan.

"Anjelous!" Kinagat ko ang ibabang labi nang maramdaman ko ang pagkapigtas ng balon ng tubig sa mga mata ko.

"C-chito..." nilapitan ko ang matagal kong hindi nakitang kaibigan at napayakap na lamang. Nagulat man ay ginantihan niya ako ng yakap.

"Bakit ka umalis ng isla?" tanong niya na tila matagal na iyong umiikot sa isipan niya.

Agad kong pinunasan ang kumawalang luha. Pagbitaw ko sa kanya ay agad akong nahila palayo kay Chito. Mahihigpit na braso ang pumulupot sa baywang ko. Si Wax. Ang singhap ko ay nakulong sa lalamunan. Ginawa niyang mahigpit ang pagyakap sa baywang ko at tinitigan nang masama si Chito. Tumikhim ako at hinawakan siya.

"Wax..."

"Sino siya?" malamig niyang tanong sa akin.

Napalunok ako at nilingon ang kaibigan ko. Tumambol ng napakalakas ang dibdib ko. Walang alam si Chito rito. Kung makikilala siya ni Wax ay may tsansang mabisto ako! Ngayon pa lang at sa naiintrigang mga pangungusap ng mga mata ni Chito ay alam ko nang marami na ito agad na ipupukol na tanong.

Abala ang mga tao sa bagong bukas na health center. Ang mga tauhan ay nakapalibot sa amin. Nang tingnan ulit ni Wax ang kaibigan ko ay inulit niya ang pagpasada ng tingin sa lalaki. Habang si Chito ay napanganga nang nakatitig sa kanya.

Nagdalawang isip ako kung... idi-deny kong kakilala siya. Pero kapag ginawa ko iyon ay hindi na niya ako tatantanan pa. Matagal ko rin siyang hindi nakita. Para akong nakakita ng tunay na pamilya nang makita siya ngayon.

False Hope (Touch #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon