Chapter 4
Anjelous
Napangiti ako nang marinig ang paghagikgik ni Anjeline. Nakaharap kami sa salamin niya. Dito sa kwarto niya at tinitirintas ko ang buhok bago siya tuluyang makapaglaro sa labas. Ilang araw na rin magmula nang gawin kong araw-araw ang pag-iipit sa kanya. Noong una, ininda ko ang lihim na pagtitig sa akin ng mga kasambahay. Maging ni Wax. Alam ko naman kung bakit.
Hindi ito gawain ng 'asawa' niya. Pero wala akong magawang iba. Dahil gusto ko rin ang ginagawa ko ngayon. Mas nag-e-enjoy ako at saglit kong nakakalimutan ang mga problema at sitwasyon ko ngayon.
Yakap ni Anjeline ang paborito nitong teddy bear na kulay pink habang pinapanood din ako sa pagtitirintas sa buhok niya. Sinusulyapan ko siya sa salamin at nginingitian siya. Sa mga nagdaan na araw ay unti-unti kong nalusaw ang manipis na harang na nasa pagitan namin ng bata. She's naturally sweet and naive. Dahil sa murang gulang kaya madali kong napakibagayan.
Kinuha ko ang kulay red niyang goma at iniikot sa dulo ng buhok. Pinaharap ko siya at tiningnan kung maayos ang gawa ko. Sinuklay ko ulit ang nagulo niyang bangs. Nabigla ako nang bigyan niya ako ng matunog sa halik sa pisngi.
"Thank you, Mama!" matamis niyang ngiti sa akin.
Sandali lamang akong nagulat at sa huli ay napangiti na rin. Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Kung magkakaanak ako ay sana ay kasing bait at bibo ni Anjeline. Lumutang sa isipan ko ang ama niyang si Wax...
Malakas akong napasinghap. Nag-init ang buong mukha ko. Anak at si Wax? Ano ba 'tong ginugunita ko sa isipan ko!
Malalim akong bumuntong-hininga at tinabi na ang suklay. Inayos ko na rin ang mga pang-ipit na gamit ni Anjeline at binalik ko sa drawer.
"Mama, maghihiwalay na po ba kayo ni Papa?" she asked innocently.
Para akong binuhusan ng yelo at natigil. Nilingon ko siyang may kunot sa aking noo. Inosente ang kanyang mukha pero may bakas ng lungkot sa kanyang mga mata. "Sinong— Saan mo narinig 'yan?" may pagtataka kong tanong sa bata.
Bahagya siyang natakot sa tunog ng pagtatanong ko. Nanlaki ang mga mata at yumuko habang nakalabi. Nagsisi ako sa bigla kong pagtatanong sa kanya nang ganoon.
"Anjeline..." mahinahon kong tawag sa pangalan niya.
Sinulyapan niya lang ako at yumuko ulit. "S-sorry po, Mama..." maliit na boses niyang sambit.
Lumapit ako sa kanya at pinagpantay ang mga mukha namin. I raised her chin. May pag-uunawa ko siyang nginitian. "May bumanggit ba sa iyo niyan o narinig mo?" tanong ko ulit.
Hindi nakawala sa mga mata ko ang pagnginig ng labi niya. Tanda na natatakot siya. Kinakabahan. Tinusok muli ng punyal ang puso ko habang nakatitig sa kanyang mukha. Tinaas ko ang kamay at magaan kong hinaplos ang kanyang namumulang pisngi.
"N-narinig ko pong nag-uusap sina P-papa at Tita Laiza sa library, Mama..." natatakot niyang tapat sa akin.
Napatitig ako sa kanya sandali. Nais kong mamangha pero nagawa kong pigilan ang sarili. Hindi ko maintindihan na para bang nakaramdam pa ako ng paggaan ng dibdib matapos niyon. Pero hindi ko maisasantabi ang lungkot na nasa mukha ngayon ni Anjeline.
Bumuntong-hininga ako. Agad kong nilagyan ng ngiti ang mukha para mabago ko ang nararamdaman niya. "Hindi totoo 'yon. Hindi kami maghihiwalay ng Papa mo. Ayokong isipin mo pa 'yon ha? Anjeline?"
Agad siyang tumango sa akin. "Opo, Mama!" pinasigla niya ang boses. "Ayoko rin pong magkahiwalay kayo ni Papa," mahinang boses niyang sabi sa akin.
BINABASA MO ANG
False Hope (Touch #1)
RomanceAnjelous was forced to pretend as someone else's wife after being abducted by a woman who looks exactly like her. Although crazy, it should be easy--her 'husband' was her first love after all--but no, she's trapped in a toxic loveless marriage. But...
