Chapter 33

88.2K 2.3K 622
                                        

Chapter 33

Anjelous

My heart's racing in my chest. I anticipated Miguel's arrival in the hospital pero hindi iyon nangyari dahil tanging si Ryan lang ang dumating para bisitahin ako at kamustahin.

"He can't come here, Anjelous. He's really loaded at nasa Lemery din si Senator Arsenio. Pero nakausap niya sa telepono kanina ang doktor na tumingin sa 'yo. He's well-informed and updated sa kalagayan mo." He said.

Nalulungkot ako dahil hindi siya ang nakita ko. Even Anjeline was pretty excited to see him too. Tipid ko siyang nginitian. "Naiintindihan ko, Ryan. Salamat din pala. Panay ang byahe mo, tiyak na napapagod ka na rin."

He chuckled and ruffled Anjeline's hair. "It's a part of my job. Don't worry about me. Sanay na sanay na akong pinapalipad ni Wax sa kung saan at nawala rin ang antok ko nang makita ko 'tong princess namin," nakangiti niyang tingin kay Anjeline. Pagkatapos ay muli akong nilingon. "Sa bahay ka na pala pinapahatid ni Wax paglabas mo. Pinahanda na niya ang kwarto ninyo pati ng tatay mo at ni Charlie," napatingin din ito sa kapatid ko na nakasandal sa bintana.

"May matutuluyan na kami ng Tatay. Titingnan ko lang iyong bahay sa Agoncillo muna at saka ko siya susunduin sa Isla Verde." Sagot ng kapatid ko. Tiningnan niya rin ako at tinanguan. He wants me to stay with Wax now after what happened yesterday.

"I understand, Charlie. Pero pati kayo ay pinalalagyan na ng security ni Wax. Maaaring nasa kulungan na si Leila pero iyong si Jenny ay hindi pa rin nahahanap. Malamang daw na wala na ito sa Batangas. Ang gusto ni Wax ay manatili muna kayo sa bahay niya hangga't hindi pa tayo nakasisiguro sa kaligtasan ni Anjelous at ng pinagbubuntis niya."

Kumunot ang noo ni Kuya. "Bakit pati kami? Okay lang naman sa akin na si Anjelous ang kunin niya."

"I'm sure mag-aalala ang kapatid mo kung hindi niya kayo kasama. Ang gusto ni Wax ay magsama-sama muna kayo sa iisang bahay."

Nilingon kong muli ang kapatid ko. Nakikita ko sa mukha niyang gusto nitong tumanggi sa pinasabi ni Wax. He's uncomfortable with the situation pero alam ko ring wala pa siyang ibang choice maliban sa puntahan muna ang bahay sa Agoncillo. Kung tutuusin ay titingnan pa lang iyon ni Kuya at malamang na maglilinis pa. Wala rin kaming mga gamit na naisalba matapos mapulbos ang bahay namin at kung mayroon man ay hindi pa rin nadadala rito.

We're back to zero when it comes to basic needs at ang pagtira sa bahay ni Wax pandalian ay malaking kaginhawaan din. Saka para na rin makapag-isip kami kung paanong babangon ulit.

"Nabanggit din ng asawa mo, Anjelous, ang tungkol sa atensyong medical ng tatay mo at ikaw na rin. Mas maiging sa Lemery na muna kayo para malapit sa ospital. Mas convenient para sa inyo..." Ryan added. He looked like he was very well-informed by his friend. O baka sa nature ng trabaho nito ay siya nang umalam sa mga problema namin at katayuan sa Isla.

Tiningnan kong muli si Kuya Charlie. Nakatingin na rin ito sa akin.

"Pwede kong ayusin muna ang bahay sa Agoncillo habang nasa Lemery kami ng Tatay, Anj. Nang sa gano'n ay makapagpahinga rin siya nang maayos. Susunduin ko na lang siya mamaya."

"No need, Charlie. Nagpadala na ako ng mga tao para sunduin ang tatay niyo."

"Pero..."

"Don't worry. They know what to do." Ryan secured his thoughts.

Sandaling tinitigan ng Kuya ko si Ryan. I wouldn't be surprised kung ang lahat ng ito ay pakana ni Wax. Iyong tipong wala man ang katawan niya rito ay damang-dama ko naman ang presensya by sending his close friend. At iyon nga ay sa katauhan ni Ryan.

False Hope (Touch #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon