Chapter 32

84.8K 2.5K 793
                                        

Chapter 32

Anjelous

Pagkagising ko kinabukasan ay mag-isa na lang ako sa higaan. Pasado alas-siete na. Pakiramdam ko pa naman ay kay bigat ng katawan ko pero hindi ako pwedeng bumalik sa pagtulog dahil nasa labas na si Wax. Sina Tatay at Kuya malamang ay gising na rin.

Bumangon na rin ako at tiniklop ang kumot but I was halted nang may nakita akong munting asul na box sa ibabaw ng drawer. Natigilan ako at kumabog ang dibdib. Nakabukas iyon at nakaladlad sa paningin ko ang isang diamond ring. Napatitig ako roon. Para ba iyong sinadyang bukas para may makakita.

Pagkalipas ng ilang segundo ay napapaso akong umiwas ng tingin. My hands were shaking already! Then I looked back at the precious ring. Kanino ba iyon? At sino ang mag-iiwan?

Napakamot ako sa panga ko. I am just stretching the obvious. Kaming dalawa lang naman ni Wax ang natulog dito kagabi. Kanino pa ba?!

Kumakalabog ang dibdib ko nang lumabas na ako ng kwarto. Agad kong tinungo ang kusina namin. At muli na naman akong natigilan nang mahuli kong nag-uusap sina Kuya Charlie at Wax. Wax is still using his polo last night. Nakatalikod sila sa akin at parehong nakaharap sa panggatong. And they don't look like fighting. Pareho silang seryosong nag-uusap!

I blinked my eyes. Tama ba ang gising ko?

Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila. Ang presensya ko ay hindi pa nila napapansin.

Hindi ako nakatiis at tumikhim ako. Sabay silang napalingon at tila nagkulasan nang makita ako. Sinundan ko ng tingin si Kuya Charlie na padabog pang nilagay sa palanggana ang hawak na sense. Kumunot ang noo ko.

Si Wax ay nakangiting nilapitan ako at agad na hinapit ako sa baywang. He kissed me thoroughly on my lips, "Good morning, love." he whispered against my lips.

Panandalian niyang naagaw ang atensyon ko mula kay Kuya. Dahil iyon sa mainit na halik na ginawad niya sa akin. At nang tingnan ko siya ay saka ko tinulak. Na-conscious akong bigla. He almost smirked, "Baka makita tayo ni Tatay," dahilan ko.

Lumapad pa ang ngisi niya sa akin. "Nasa labas na ang tatay mo, love. Ikaw na lang ang hinihintay naming magising." He informed me. He looked down.

"Kahit na. Hindi ka pa rin dapat gan'yan... kadikit sa akin."

He pouted his lips. Nagkibit-balikat. "Karapatan ko naman ang halikan ka. Asawa kita." And he kissed me again!

Narinig ko ang pagtikhim ni Kuya kaya't mabilis kong tinulak ulit si Wax!

Labis na init sa mukha ang naramdaman ko.

Masama niya akong tiningnan, "Kumain ka na, Anjelous." He said.

Napatango na lamang ako at umupo sa harap ng mesa. May nakahain na roon at kumpleto na rin ang mga kubyertos. Pumasok na ulit si Tatay at sabay-sabay na kaming nag-almusal.

Halos nakayuko lang ako habang kumakain kami. Hindi kasi ako sanay na makita nilang may yumayapos, may sweet at may nag-aasikaso sa akin sa harap nila. At ng isang kilalang mayor pa.

***

"Ryan!" gulat kong sambit nang makita siya sa labas ng bahay namin.

Wax immediately stood up. Kasalukuyan niya akong pinagtitimpla ng gatas nang dumating ang kaibigan niya.

Tipid akong nginitian ni Ryan. Pinaikutan ng tingin ang loob ng bahay. "Good morning, Anjelous... Wax..." tila hinihingal pa nitong salita.

Tumayo ako at pinaupo muna siya. "Naku, pasensya ka na. Nakalimutan kong i-text ka kahapon na dumating si Wax dito. Sorry talaga."

False Hope (Touch #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon