Chapter 29

80K 2.3K 643
                                        

Chapter 29

Anjelous

Mula sa pagkakayuko ko sa lababo ay pinunasan ko ang gilid ng labi ko pagkatapos kong magmumog at maghilamos. Sa aking likuran ay ramdam ko ang matiim na titig sa akin ni Kuya Charlie. Alam kong sinundan niya ako hanggang dito sa kusina nang mapansin niya ang pagduduwal ko. Magmula pa kanina, hindi ko nagustuhan ang maraming bawang sa sinangag. My father just stared at me and didn't say anything. Pero ang kapatid ko... nangingilag ako. He was boldly honest na hindi niya talaga gusto si Wax para sa akin. The reason was that he's rich and powerful. Idagdag pa na nasa pulitika ito.

Hindi ko alam kung iyon nga lang. Dahil kung magsabi ito ng hindi maganda kay Wax ay para bang... para bang matagal na niyang kilala ang mga Salvaterra. He knew Senator Arsenio. Pero maaaring dahil palagi namang naririnig o nakikita sa balita ang daddy ni Wax. That was given. Maybe... that's the root of his disapproval.

I even thought iyong hindi magandang ugali ni Wax. Ang pagtatago niya sa akin at pagpapakilalang asawa ko. He was even so proud of it, my brother said.

Hindi muna ako humarap at hinintay na mawala ang pagkahilo ko. In a silent scream, I begged na mawala na ang hilo ko pati ang pagduduwal ko. Hindi maganda sa pakiramdam. Ang pait. At ang tiyan ko ay parang hinahalukay. Ang pag-akyat ng likido sa lalamunan ang siyang nagpapasuko sa akin.

Pero ganito yata ang pagdadalang-tao. Ganito kahirap. I sighed. Magaan kong hinaplos ang puson ko. I have with me Miguel's child... Ours. Sa mga litanyang iyan ay bahagya akong napangiti.

May anak na sa akin si Wax Miguel. My mind said.

Then I suddenly remembered Anjeline. My little angel. Napapikit ako at napakagat sa ibabang labi. Sana... sana ay makuha niya ulit si Anjeline. Kahit na ramdam kong hindi naman pababayaan ni Lawrence ang bata but still... I miss her.

"Nagpa-check up ka na ba? Kailangan pa nating pumunta sa Ilijan kung sakali." malamig na sabi sa akin ng kuya ko.

Bumuntong-hininga ulit ako at tinaob ang binanlawang baso. "Tapos na. Sinamahan ako ni..." I gulped. "Wax." I said.

Tumikhim ito at may binaba sa mesa. "Pero kailangan mo pa ring bumalik sa doktor sa mga susunod na buwan. Mahihirapan ka lalo na kapag lumaki na ang tiyan mo. Delikadong pasakay-sakay ka pa ng bangka kapag luluwas." Nahaluan lamang ng pag-aalala ang malamig niyang boses.

Humigop muna ako ng hangin bago humarap sa kapatid ko. Lumapit ako sa mesa at nilabas mula sa kulay green na plastik ang mga binili niyang gulay. Hindi ko siya tiningnan, "Kaya ko naman," sagot ko.

He scoffed, "Sinasabi mo lang 'yan ngayon kasi hindi pa lumalaki ang tiyan mo. Pero kapag naramdaman mo na ang bigat ng katawan mo, saka mo lang maiisip ang hirap."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. May kaunting kirot akong naramdaman sa dibdib. "Kaya ko 'to, Kuya." May diin kong sagot.

Tiningnan niya ako at bumuntong-hininga. Umigting ang panga na tila nagpipigil sa sarili. "Sorry. Hindi lang ako sanay na..." he didn't finish.

Nagbaba ako ng tingin. He's confused. He came from a tragic accident and I couldn't blame him too. Natahimik ako. Naisip ko na naman ang babaeng nakasama niya magmula nang maaksidente siya. Sa Romblon sila nanirahan at pinaniwala siya ng babaeng iyon na mag-asawa silang dalawa. Hindi naman niya pinabayaan ang kapatid ko pero hindi rin niya binalik sa amin. She knew my brother... and I too.

At ang parteng hindi ko rin matanggap ay ang pagkakaroon ng malambot na puso ni Kuya sa kanya. Not in a romantic way though. I just hope not.

Ilang segundo kaming hindi nagsalita. Hinintay ko siyang magsalita tungkol sana sa babaeng iyon pero wala. Kaya ako na rin ang naunang bumasag sa katahimikan namin. "Kailan mo siya paaalisin dito?"

False Hope (Touch #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon