Chapter 13
Anjelous
"Naging maayos naman ang lahat sa kampanya, mayor. Iyon nga lang..." huminto si Mrs Mendez nang bahagya itong sikuhin ng asawa.
Napalunok ako. Pati ako ay napapainom na rin ng tubig sa matinding nerbyos na nararamdaman. Kung minsan ay naaagaw ni Laiza ang atensyon ko dahil sa kakaibang kilos nito. Panay ang tingin sa cellphone at inom din ng tubig but I can see that her hands are shaking, too.
Dumating ang mga pagkain. Ang iba ay naging busy sa pagtingin at pagkuha ng litrato sa bawat putahe. They are starving and yet Wax's eyes are curious. "What is it, Mrs. Mendez?" he can't wait and he asked her.
Tumikhim ako. Lihim kong tiningnan ang mag-asawa na tila pabulong na nagtatalo. Kung maririnig ko lang ay baka pinipigilan ng lalaki na magsalita ang asawa nito. I prayed that he will win but the battle ended up with Mrs Mendez prize-winning stares at me. "Siguro ay nasabi na sa 'yo ni Mrs. Salvaterra ang nangyari, mayor?"
Sumandal sa upuan si Wax. Bumuntong-hininnga at ininuman ang basong sinalinan ng brandy. He gave me a quick glance. "I think I'll just ask her later."
Para akong nakahinga nang maluwag nang marinig iyon. Maybe... I can trim the details. I will cut off the details that will put my heart in danger.
"Let's eat!" Ryan declared after he yawned in public. Siya na rin ang unang sumandok ng pagkain para kay Anjeline.
Nang magsimulang kumain na ay nalayo ang topic mula sa lakad namin kanina. Medyo malayo rin sa eleksyon ang pinag-uusapan and I feel safe about that. Mayroong tungkol sa trabaho, mga proyektong gustong simulan, mga ordinansa at nauuwi rin sa negosyo para hindi maumay sa pinag-uusapan.
Napansin ko ang pagiging tahimik ni Laiza. Hindi ito nagsasalita kung hindi rin lang tatanungin patungkol sa trabaho at ibang plano sa kampanya. That's not her kung iaayon sa pagkakakilala ko sa kanya. She even almost didn't eat. Nagda-diet ba siya o napipilitan lang na maupo sa lamesang ito? She looked so scared.
"Kailan niyo po ba balak sundan ang panganay niyo, Mayor Wax? Aba'y kung ganyan kaganda ang asawa ko ay baka taun-taon na kaming nakabubuo!" his one counselor said and laughed.
Hindi ako nag-angat ng tingin dahil naramdaman ko agad ang gapang ng init sa mukha ko at ang namuong dead silence matapos niya iyong gawing biro. Even Wax's presence overflowed with fire.
Tumikhim si Ryan. "Oops. That's not a good joke, Counselor." sabi nito.
Napalunok ako. At sinubukang sulyapan ang mukha ni Wax. Natahimik ang lahat at naging awkward ang bawat kilos at pagkain.
Wax's face is dark. Halos papailalim na ang tingin sa nagsalita. And he's still chewing while staring at that man.
Tumikhim iyong lalaki at tinaas ang baso ng tubig. "Biro lang, Mayor." hinging paumanhin nito sa kanya.
Maingay na binagsak ni Wax ang kutsara kaya't napaigtad ako sa gulat. "I don't want to hear jokes about my wife anymore, Counselor Bautista. Or anything that will include her and my family. I am very... very territorial about her. What you said was too much to bear right now."
Napapikit ako. He's mad. Really mad now.
Tumahimik ang lamesa namin. Nangingibaw ang tunog ng kutsara't tinidor sa plato ni Anjeline. Sumunod ang nakakailang na tikhim ng ilang kalalakihan para mabalanse kahit papaano ang gabi dahil ramdam na ramdam ko ang intimidation nila kay Wax.
"Kung gano'n Mayor, anong gagawin mo sa lalaking nanghalik at humipo sa asawa mo? Puro mga kabataan pa naman ang gumawa no'n at kutob ko pa ay mga supporter ni Vice. Desperado na yata siyang malamangan ka." Mrs. Mendez voice faded when she noticed the angrier face of him.
BINABASA MO ANG
False Hope (Touch #1)
RomanceAnjelous was forced to pretend as someone else's wife after being abducted by a woman who looks exactly like her. Although crazy, it should be easy--her 'husband' was her first love after all--but no, she's trapped in a toxic loveless marriage. But...
