Chapter 1

105K 2.5K 473
                                        

Chapter 1

Anjelous

"Sa tingin mo... sinasaktan ni Tony si Jenny? Pisikal?" bulong sa akin ni Chito habang pareho kaming nakatanaw sa karagatan. Nasa byahe na kami pabalik ng Isla Verde. Nilingon ko siya. Halos nakapikit na dahil sa malakas ng pagtama ng hangin sa mukha. Ang mukha naman niya ay halos hindi maipinta dahil pareho pala naming iniisip si Jenny.

Hindi ko masabing 'baka' o 'baka hindi' dahil wala namang inamin ang kaibigan namin. Knowing her, Jenny is very vocal pagdating sa buhay niya. Madalas niyang kinukwento sa amin kapag nagkikita ang mga napupuntahan at nabibili niya maging ang love life.

Nagkibit-balikat ako, "Ayokong manghusga, Chito. Ang sabi ni Jenny ay nauntog lang siya. Hindi naman niya kailangang itago sa atin iyon kung sakali. Tayo ang tunay niyang kaibigan," sansala ko sa kutob niya. Ramdam kong ganoon din ang konklusyon ko. Pero mahirap magsalita nang tapos lalo na at mag-asawa iyong dalawa.

Binuksan ni Chito ang bag na nasa kandungan, "Anong malay natin at baka nga napagbubuhatan ng kamay ni Tony ang asawa niya. Ni wala nga tayong alam na sila ang magkakatuluyan sa huli. Pero ramdam mo ba? Para silang wala sparks sa isa't-isa..." sabay labas ng compact powder at sinilip ang mukha sa pabilog na salamin.

"Anong sparks?"

"Sparks. Iyong nagko-connect sa dalawang tao kapag may pag-ibig, Anj. Kapag nagdikit, para kang nakukuryente. Tapos pabibilisin no'n ang tibok ng puso mo. Paralisado ka na kaiisip sa taong iyon. Ganern." Sabay irap sa akin at iling. Ngumiwi ako sa kanya.

"Hindi naman siguro lahat ng tao ay makararamdam no'n, pero sila pa rin sa huli. At saka ano bang malay natin kung nagkakakuryentihan na silang dalawa. Sila lang ang makararamdam no'n, hindi tayo."

"Tange! Makikita natin 'yon sa ningning ng mga mata nila at kilos. Alalahanin mo si Tony noong nakita tayo, galit na galit ang mukha. Malamang kagagaling lang nila sa matinding away at pinagbuhatan ng kamay si Jenny. At baka sa lalaking 'yon masira ang ganda niya!"

"'Wag ka ngang magsalita nang ganyan. Mukha namang nagmamahalan yung dalawa."

"Nakuu... Feeling ko, napilitan lang magpakasal yung dalawa. Kasi nahuli sa hindi kanais-nais na eksena. Galing pa sa mayamang pamilya si Tony at kilala sa bayan nila. At kapag may nakalabas na litrato o video iyong dalawa, ikasisira ng reputasyon ng pamilya nila 'yon. Taong-simbahan pa naman ang in-laws ni Jenny. Hindi na kataka-taka."

Malalim akong bumuntong-hininga at tiningnan na lang ang karagatan. Nakararamdam din ako ng pag-aalala sa kaibigan. Pero wala naman siyang sinasabi o nababanggit kahit titigan ko siya.

Iilang beses ko lang na nakasama sa Isla Verde si Kuya Tony. Pinagluto at sinamahang ipasyal sa lugar namin. Wala rin naman akong nakitang kakaiba sa ugali niya dahil sa ilang beses niyang pagbisita ay puro magagandang asal ang pinapakita niya sa amin. Matiisin din kahit na matulog nang walang ilaw o electric fan o aircon na kinasanayan nito. Hindi rin maselan sa pagkain. Kahit anong ihain ay kinakain naman niya.

Ngunit sa huli... syempre, hindi pa iyon sapat para sabihing kilala mo na ang isang tao. It will take time and effort para tuluyan mo silang makilatis. Sabi nga ng matatanda, mas makikilala mo ang isang tao kapag nakasama mo na sa loob ng iisang bahay. Parang sa pagsasama ng mag-asawa. Doon pa lang magsisimula ang deeper version ng 'getting to know each other' stage.

***

Makalipas ang anim na taon...

Napaungol ako dahil sa pagkirot ng aking ulo. Para akong pinupukpok at sa sakit ay napapadaing ako. Marahan at dahan-dahan kong minulat ang mga mata kasabay ang paghawak ko sa aking ulo.

False Hope (Touch #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon