Chapter 27
Wax
"You're selfish, pare." sagot sa akin ni Ryan.
Kumunot ang noo ko habang nagsasalin ng brandy sa sarili kong baso. "What?"
Napailing ito bago simimsim sa goblet. "Selfish ka. Bakit kailangan mong magsinungaling sa kanya?" nilingon nito ang bintana, "Hindi pa ba sapat na legal na talaga ang kasal ninyo? You skipped asking her about marrying her for real." tukoy nito sa papel na pinapirma namin kay Anjelous. It's a marriage contract.
Napangisi ako at sumandal sa swivel chair ko. "What's wrong with being selfish?" malumanay kong tanong sa kanya.
"You didn't ask her if she wanted you too."
Matalim ko siyang tiningnan. "She likes me!"
Kumunot ang noo niya. "Galit ka na naman? Ang sinasabi ko lang, formally ask her. Normal mo siyang pakasalan. She deserves it."
"I will. But not now. Naguguluhan pa siya."
"Then why do you have to lie about Laiza? Nakakulong na 'yong tao. Ginawa mo pa siyang masama sa paningin ni Anjelous. You're hopeless, pare." he tsked. "Sinabi mo pa sa pamilya niyang hindi na siya babalik sa isla. I just thought... that was so selfish of you. You knew how much she loves her father and brother." tila naghihimutok nitong salita sa akin.
My lips twitched and put down the goblet on my table. Pinatong ko ang mga siko sa mesa at pinagsalikop ang mga daliri sa kamay. "She's my legal wife now, Ryan. Legal. Ibig sabihin ay sa akin na siya titira, kami at ng mga anak namin. Pumasok na siya sa buhay ko at hindi ko na siya pakakawalan. About her family, hindi ko sila pababayaan. I've been thinking about buying their own house here in Lemery. Kung sakaling gusto silang dalawin ng asawa ko, hindi na siya lalayo pa."
Nagsalubong ang mga kilay nito sa akin. "Are you damn serious?! Kausapin mo kaya muna si Anjelous. 'Wag kang magdesisyong mag-isa lalo na kung pamilya niya ang pinapagplanuhan mo."
"Ang pamilya niya ang kakausapin ko tungkol diyan." naiinis ko nang sagot sa kanya because he kept on arguing with my plans!
Inisang lagok nito ang laman ng goblet at maingay na nilapag sa lamesita. Tinuro niya ako. "Parang may mali, pare. Para kasing sumusobra ka na kay Anjelous!" his voice raised.
Sandali ko siyang tinitigan. I scoffed at saka sumandal sa upuan. "Ako, sumusobra kay Anjelous? Ako pa ngayon ang sumusobra pagkatapos nila akong pagkaisahan?" I was dangerously rasing my voice too. How dare he accuse me of that!
He stood up, at namulsa. "Akala ko ba mahalaga sa 'yo si Anjelous?"
I glared at him. "I like her... so fucking much."
Napakamot ito sa ulo. "Gusto mo siyang agawin sa pamilya niya at sa lahat, Wax." then he stared at me with serious eyes. "Kaibigan kita kaya tinutulungan kita, pare. Kaya lang... sumusobra ka na sa paghihigpit at pagtatago kay Anjelous—"
"Ano bang problema mo?!" He's getting into my nerves! Padaskol na akong napatayo. "I'm giving her everything that I have!" singhal ko pa.
Mabigat itong bumuntong-hininga. "Pero pinagkakait mo naman siya sa pamilya niya! Bakit kailangan mong kausapin sila nang gano'n?! That she's not coming home in Isla Verde! Offering them shelter, livelihood without even thinking that you will offend them? And you lied about Laiza just to lock her here. Isipin mo nga. Ang selfish mo."
I gritted my teeth. "She's my wife." Mariin kong ulit sa kanya.
"Na binibili mo. Hindi mo siya pinakasalan. Mas tamang sabihing binibili mo si Anjelous."
BINABASA MO ANG
False Hope (Touch #1)
RomanceAnjelous was forced to pretend as someone else's wife after being abducted by a woman who looks exactly like her. Although crazy, it should be easy--her 'husband' was her first love after all--but no, she's trapped in a toxic loveless marriage. But...
