Chapter 5
Anjelous
"Uminom ka muna nitong tubig. Para kahit papaano ay kumalma ka, hija," binaba ni Nana Josie ang isang baso ng tubig sa harapan ko.
Nakayuko lang ako kahit na hinawi ko ang mga kamay sa mukha ko. Nanginginig pa ang kamay ko nang punasan ang hilam sa mga mata ko at kahit noong abutin ko ang baso. Ininom ko iyon dahil alam kong kailangan ko rin para mahimasmasan. Pero kakaunti lamang ang kaya kong lunukin. Ni hindi ko halos maibuka ng bibig dahil sa bahagyang pananakit ng panga ko.
But I felt the relief nang dumaan ang kakarampot na tubig sa lalamunan ko. Kahit na kaunti.
Nakasabog pa rin ang buhok ko sa mukha nang hawiin ito ni Nana Josie. Marahan at mga kamay ng isang ina ang naramdaman ko nang ayusin niya ang buhok sa aking likuran. Nahihiya akong nag-angat ng tingin sa kanya, pilit na ngumiti. "S-salamat po, N-nana..." sambit ko.
Nakita ko ang mangha at pang-uunawa sa kanyang mga mata. Ang nakapalibot na guhit-guhit doon ay nagpapakita ng awa. O kung hindi man ay pag-iintindi sa hindi maunawaan.
Bumuntong hininga siya at hinawakan ako kamay, "Hindi kita maintindihan na bata ka. Ang laki ng pinagbago mo buhat nang bumalik ka rito sa asawa mo. Dati na naman kayong nag-aaway ni Wax pero... ni minsan ay hindi kita nakitang umiyak nang ganito. Pero... ngayon ko lang din nakitang saktan ka ni Wax Miguel." nalungkot ang boses niya sa huling sinambit.
Hindi ako sumagot.
"Ito ang unang beses na nakita kong nagalit nang ganoon ang asawa mo."
Nag-angat ako ng noo at nag-ipon ng hangin sa dibdib. "K-kasalan ko naman po, Nana." Muling uminit ang mukha ko. Ang pag-iyak ay nagbabanta ulit.
She sighed, "Kahit na. Ilang beses ko nang nakita ang hindi ninyo pagpansin sa isa't-isa. At pagkatapos ay para kayong bomba na bigla na lang sumabog. Mag-usap kayong dalawa. Pag-usapan ninyo ang mga problema ninyong mag-asawa. At kung may 'di pagkakaintindihan, mas dapat kayong mag-usap nang masinsinan. Resolbahin ninyo nang mahinahon." Payo niya.
Nararamdaman ko ang pag-aalala ni Nana Josie. Pero kahit nasa boses ang sensiridad, malayo iyon sa kaisapan ko. Ang tanging naglalaro sa isipan ko ay ang matinding takot para kay Wax. Matinding takot na ngayon ko lang naramdaman para isang tao. Mas natatakot pa ako ngayon kaysa noong kidnapin ako para magpanggap dito.
Tumatak sa isipan ko ang umaapoy na galit sa mga mata ni Wax. Galit na naghudyat para saktan niya ako at halos iumpog sa sementadong pader. Buong buhay ko, ang tanging kinatatakutan ko lang ay mawalan ng hanapbuhay para maipangtustos sa pang-araw-araw naming gastos sa isla. Pero nang dahil sa isang Wax Miguel Salvaterra... binigyan niya ako ng isa pang dahilan para matakot.
Napaigtad ako sa kinauupuan nang bigla akong tawagin ni Anjeline. Mabilis kong pinunasan ang natitirang luha sa mga mata at pisngi. Inayos ko ang nagulong buhok at naghanda ng ngiti para sa bata. Tumikhim ako at saka tumayo. Ngunit nawala rin ang huwad kong ngiti nang makita rin doon si Wax. Hawak sa isang kamay si Anjeline. Nakapagpalit na rin ng damit.
"Tara na, Mama! Aalis na tayo," excited na tawag sa akin ng anak niya.
Napalunok. Binasa ko ang labi na sa pakiramdam ko ay natuyot sa labis na pag-iyak.
"Aalis na ba kayo agad-agad, Wax? Hindi mo ba... pagpapahingahin muna ang asawa mo?" makahulugang tanong ni Nana Josie. She's concerned. Parang hinaplusan ng maligamgam na tubig ang puso ko.
Walang kahit na anong ekpresyon sa kanyang mukha si Wax. Nababasa ko pa rin ang salitang 'puyos ng galit' sa kanyang mga mata, marahil ay para na rin sa bata.

BINABASA MO ANG
False Hope (Touch #1)
RomanceAnjelous was forced to pretend as someone else's wife after being abducted by a woman who looks exactly like her. Although crazy, it should be easy--her 'husband' was her first love after all--but no, she's trapped in a toxic loveless marriage. But...
Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte