Chapter 38
Anjelous
"Anjelous!"
Napatayong bigla si Chito nang umingay sa bawat sulok ng dining room ang nabasag na mangkok mula sa kamay ko. Agad niya akong nilapitan at pinasadahan ng tingin. "Okay ka lang ba?"
I have a swollen tummy and I'm on my ninth month now. Ang sabi ng OB ko ay anytime pwede nang lumabas ang bata sa sinapupunan ko and I can feel him na bumaba na sa tiyan ko. The baby's healthy and on the right position. Napahawak ako sa tiyan ko imbes na sa dibdib ko dahil sa gulat. My unconscious mind wanted to protect him.
"I'm... okay..." nanghihina ko pang sagot sa kanya.
Napahawak sa dibdib niya si Chito at nakapanlantik ang mga daliri. "Jusko, tinakot mo na naman ako, Anj. Akala ko manganganak ka na," ninerbyos niyang litanya. Siya na rin ang yumuko at pinulot ang nagkapira-pirasong parte ng mangkok. Wala naman iyong laman at pasandok pa lang ako ng sopas na niluto ko pero dahil siguro sa basa ang kamay ko ay dumulas iyon mula sa akin.
Nag-aalalang magkasunod na pumasok sina Nana Josie at Ephie sa dining. Dahil siguro sa narinig niya ang pagkabasak ng mangkok.
"Hija, may nararamdaman ka ba? Sumasakit na ba ang tiyan mo?" tanong agad sa akin ni Nana.
Napatakip ng bibig si Ephie at titig na titig sa pagkakahawak ko sa tiyan ko.
"Naku, Madam! Pumutok na po ba ang panubigan ninyo?" she was shocked and excited at the same time.
I bit my lower lip. Alam kong hindi ang sagot pero yumuko pa rin ako at tiningnan ang sahig at ang mga binti ko. It's still dry. Umiling ako. "Hindi pa, Ephie. Dumulas lang yung mangkok sa kamay ko kaya ayan... nabasag ko..." tipid na ngiti kong sagot sa kanya. As if on cue ay naglakad ako at kinuha ang walis at dustpan.
Si Ephie ay kinuha ang trash bin at tinabi sa kinatatayuan ni Chito. Si Nana naman ay kumuha ng bagong mangkok at siya nang sumandok ng sopas para sa akin.
Pagkapahiya at kabadong dibdib ang naramdaman ko sa mga oras na iyon. Hindi ko alam kung para saan iyon. Naisip ko na lang na baka karugtong ng kaba at excitement ko para sa paglabas ni Miggy. Nerbyos dahil ang sabi nila ay hindi madaling manganak. At pananabik na mailuwal ko ang baby at mahagka't mahawakan siya sa unang pagkakataon.
Inagaw sa akin ni Chito ang walis at dustpan tinuro ang lamesa. "Maupo ka na, Anj at baka madulas ka pa r'yan. Naku, ang lapitin mo yata sa disgrasya ngayong buntis ka," komento nito.
Binaba ni Nana ang mangkok sa mesa. Sa tabi ay ang kutsara ko at baso ng tubig. Ephie helped Chito to clean the floor. Nag-mop din ito para mawala ang bubog.
Pagkadulog ko sa mesa ay hindi ko rin nagawang kumain agad. I kept on caressing my tummy as if something unexpected will happen. Naririnig ko ang biruan nina Ephie at Chito sa likuran ko. Si Nana ay tumabi sa akin at tahimik akong pinagmasdan.
I looked up at her, "Nana, anong oras daw po uuwi si Wax?" banayad kong tanong sa kanya. Suddenly, I wanted to see him and rest my head against his chest.
Kumunot ang noo niya at napaisip. "Eh sabi, sasaglit lang daw siya sa munisipyo at may kakausaping tao. Sandali lang daw naman siya ro'n at uuwi rin agad. Gusto mo bang tawagin ko at pauwiin na?" she suggested like as if she's reading my mind.
I bit my lower lip. Wala pa yatang isang oras mula nang magpaalam si Wax sa akin. I don't know exactly what's wrong with me at gusto ko siyang kasama ngayon, bawat oras at bawat minuto. Kamuntik ko na nga siyang pigilan kanina kung hindi lamang... kung hindi lamang pangiti-ngiti sa amin si Chito. Nanunukso ang mga mata sa amin.
BINABASA MO ANG
False Hope (Touch #1)
RomanceAnjelous was forced to pretend as someone else's wife after being abducted by a woman who looks exactly like her. Although crazy, it should be easy--her 'husband' was her first love after all--but no, she's trapped in a toxic loveless marriage. But...
