Chapter 37

79.4K 2.2K 520
                                        

Chapter 37

Anjelous

"Lasing ka na yata, Chito!" komento ko nang mapansin kong namumula na ang mukha ng kaibigan ko.

Sinimangutan niya ako at humalikipkip. "Hindi pa 'no! Mabilis lang talagang mamula ang mukha ko kahit ilang tagay pa lang ang naiinom ko."

Pinanliitan ko siya ng mga mata. Hindi ko naman kasi siya nakikitang nalalasing dahil hindi kami umiinom sa isla. Naalala ko lang noong kasal ko na nakainom ito ng hard drinks at naging madaldal. Sa bahay naman sila natulog no'n bago kami umalis ni Wax.

"Tsk. Gan'yan din ang sinabi mo no'n sa kasal namin, Chito. Dumadaldal ka na naman. Sobrang daldal mo na." nanliliit na mga mata kong sabi sa kanya.

Humaba ang nguso niya at pumangalumbaba sa lamesa. Nasa katabing mesa lang namin sina Nana Josie kasama ang mga anak niya. Ang mga maliliit nitong apo ay kasalukuyang kalayo ni Anjeline. Naghahabulan at panay ang tili at malalakas na tawa.

"Hindi pa ako lasing, Anj... Kaya ko pa..."

Binalik ko ang tingin kay Chito. Napangisi ako. "Hindi ka pa lasing sa lagay na 'yan ah. Mapungay na ang mga mata mo, gurl," tudyo ko at isang beses siyang niyugyog.

He giggled at biglang may tinuro, "Ayan na si Mayor Yummilicious mo, Anj. Mayor Yummilicious!" malakas niyang tawag kay Wax.

Nagulat ako roon at tinapik siya sa braso. "Chito!" hindi ko inaasahan na tatawagin niya ng ganoon ang asawa ko at mas lalo sa pet name ko sa kanya.

Nang salubungin ko ng tingin si Wax, papalapit nga ito sa mesa namin at nakakunot ang noo kay Chito. Paglapit ay hinili nito ang upuan sa tabi ko at umupo nang may pagtataka sa mukha.

"Mayor Yummilicious?" tanong niya sa kaibigan ko at sinulyapan ako bago ipatong ang isang braso sa likod ng upuan ko.

Tumikhim ako, "Lasing na yata si Chito..."

"Ang kulit ni Anj. Ikaw yata ang lasing eh!" ani Chito.

Wax chuckled, "So, Mayor Yummilicious?" ulit niyang tanong. Mas maloko nang ngiti sa labi. Nakainom din ba ito?

Tinuro ako ni Chito at ngumiti. "Si Anj ang may tawag sa 'yo ng Yummilicious, Mayor. Dati pa 'yon... 'Yon ang tawag niya sa 'yo kapag pinag-uusapan ka namin." he even grinned.

Maingay akong bumuntong-hininga at umiling.

Naramdaman ko ang paghagod ni Wax sa balikat ko.

"Yummilicious pala ah. To think na pinagselosan ko pa 'yan dati. Ako pala ang yummy sa 'yo, love." bulong niya sa akin at nagnakaw ng halik sa pisngi ko. A glint of playful tease was shown in his eyes.

Uminit ang pisngi ko at napahiya. Chito just declared my secret name for my husband. Kainis na bakla 'to. Nambubuking kapag lasing. Para makaiwas sa malalagkit na titig sa akin ni Wax ay tumayo na ako. I grabbed my glass with me pero hinuli ni Wax ang kamay ko.

"Saan ka pupunta, love?" malambing pa rin niyang tanong sa akin. Nang tingnan ko ay naroon pa rin ang tukso sa mga mata niya at isang beses pinaraanan ng hagod ang katawan ko.

"S-sa kusina. Kukuha ako ng tubig, naubos na." turo ko sa pitsel na naroon.

Pinagsalikop ni Wax ang mga kamay namin at isa-isang hinalikan ang mga daliri ko. That thing alone put me on high heat kaya naman mabilis kong hinatak ang kamay bago kung saan mauwi ang nararamdaman ko.

"Excuse me," salita ko at saka umalis na sa mesa namin. I even heard Wax's deep sigh at si Chito ay madaldal na kinausap ang asawa ko.

Nakasalubong ko sina Ephie at masaya akong nginitian.

False Hope (Touch #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon