Chapter 23
Anj
Napaungol ako at dinama ang masakit kong pisngi. Minulat ko ang mga mata ko at nag-iisa na ako sa kwarto. Dahan-dahan akong bumangon. I even scanned the room. "Aww!" daing ko nang humapdi ang labi ko. Napapikit ako at sandal sa headboard ng kama. Mabigat akong bumuntong-hininga. I abruptly yanked my phone from my bag, I dialled Lawrence's number and called him.
Nilingon ko ang bintana. Mataas na ang araw sa labas. I can't get up dahil sa sakit ng mukha ko. Fuck you, Wax Miguel Salvaterra. I loathe everything about you and your family. Hinding-hindi ko makakalimutan ang sakit na pinagdaanan ko sa 'yo. I will ruin you and that's a promise.
"The number you dialled is either unattended or out of—"
Agad kong pinatay ang tawag. "Damn it! Kung kailan kailangan kita saka ka pa nagpatay ng phone!" nabubwisit akong nag-type na lang message sa kanya.
Ako: Kunin mo na ako rito. Alam na ni Wax ang lahat.
At wala akong balak na hayaan siyang gawing impyerno ang buhay ko. Padabog kong hinawi ang kumot at tumayo. Napapahinto pa rin ako sa pagkilos kapag nararamdaman ang paghapdi ng pisngi ko at labi. "Fuck." I murmured the pain.
Pumasok ako sa banyo at tiningnan ang sarili sa salamin. "Aah!" sigaw ko. Kumuyom ang mga kamao ko habang tinititigan ang mukha sa salamin. I looked so terrible! Namamaga ang isang pisngi ko, may pasa ang panga ko at namumukol ang gilid ng labi ko't may natuyo pang dugo. Sa tindi ng galit ko ay tila ipo-ipong hinawi ko ang lahat ng nasa ibabaw ng sink.
Anger rose like a meter in my head. I was panting while staring at my face. Umalingawngaw ang mga salitang binato sa akin ni Wax.
You're just some faceless woman...
I gritted my teeth. I breathed rapidly as I felt my chest tightening.. "Damn you. Fuck you. I will ruin you!" I screamed out of my lungs. I could even remember how he possessively owned that woman. I smirked.
Naghilamos ako at nagpalit lang ng damit. Hindi pa rin sinasagot ni Lawrence ang tawag ko. I called one of his men, "Nasa'n si Lawrence?" agad kong bungad nang sagutin nito ang tawag ko. I rummaged my drawer and looked for some lipstick.
"Wala po rito si Sir Lawrence, ma'am."
Kumunot ang noo ko. "Saan daw nagpunta? Nakapatay ang phone niya."
"Hindi po ba sinabi sa inyo?"
"Tatawagan ba kita kung alam ko!?"
"Pasensya na po, ma'am. Ang alam ko kasi eh, sumakay ng yate niya si Sir Lawrence. Wala naman pong sinabi kung kailan siya babalik."
Doon na ako tuluyang natigilan. "Y-yate? Saan daw ang punta? May kasama ba siya?" sunod-sunod kong tanong.
"Eh... hindi ko po alam ng ruta. May buhat po siyang walang-malay na babae kanina at sinakay do'n. Silang dalawa lang po."
Nanginig ang kamay ko at nabitawan ko ang ilalagay na lipstick. Babaeng sinakay sa yate niya? "Aaaahh!" binato ko ang cellphone sa salamin at agad iyong nakagawa ng crack. Napasabunot ako sa sariling buhok at napailing. "Hindi... hindi... Hindi mo 'to pwedeng gawin sa akin, Lawrence. Hindi!"
Umatras ako at umupo sa gilid ng kama. Ngayon lamang ako nakadama ng sobrang sakit sa dibdib pagkatapos ng ilang taon. I know him well. Hindi niya basta-basta ginagamit ang yate niya kung hindi rin lang malayo ang pupuntahan nito. He must be... he must be taking her away! Ganoon niya kagusto ang babaeng 'yon?!
Kaya... kaya nakikipaghiwalay siya sa akin kagabi. Kasi plano niyang isama ang Anjelous na 'yon!
I cried the pain from my chest and I stared at myself on the cracked mirror. Tinaas ko ang isang kamay at pinunasan ang mukha. "Ano pa bang meron ka na wala ako?! I robbed your face and your name but still, you took away everything from me!" my lips shook. My teeth gritted. The anger in my heart burst.
BINABASA MO ANG
False Hope (Touch #1)
RomanceAnjelous was forced to pretend as someone else's wife after being abducted by a woman who looks exactly like her. Although crazy, it should be easy--her 'husband' was her first love after all--but no, she's trapped in a toxic loveless marriage. But...
