Chapter 17
Anjelous
I calmed myself. I closed my eyes and listened to the waves from the shore. Minulat ko ulit ang mga mata ko. I learnt what is love from loving a Wax Miguel Salvaterra. For the nth time mula nang makabalik ako ng Isla Verde ay muli na namang sumakit ang dibdib ko at nanikip ang lalamunan ko.
The bruises he did faded and healed pero ang sakit sa puso ko, nandito pa rin at naghuhumiyaw sa pighati. Ganito pala 'yon... Matapos ang hirap ng pagpapanggap ay ganito kasakit din pala sa huli.
Malalim akong bumuntong-hininga wishing na ang hanging nilalanghap ay makagagaling sa sugat ko. Ilang araw na ba ang lumipas? Napansin ba niya ang pagbabago? Niyayakap at hinahalikan din ba niya ang babaeng iyon? She's the wife, Anjelous! Hindi na iyon kataka-taka. I bit my lower lip at marahang pinunasan ang luhang walang prenong lumandas sa aking pisngi. Napalingon ako sa aking gilid nang makita ang ilang bagong dating na turista. Mga grupo ng kabataan na agad na kumuha ng mga litrato sa likod ng dagat.
Magmumukha akong tanga kapag may nakakita sa aking umiiyak nang mag-isa. May ilang mga turista ring nagtatampisaw sa tubig. Ang ilang lalaki ay napapatingin sa gawi ko. Hindi ko na lamang pinansin at lumipat ng pwesto. Pero ilang sandali lamang ay narito na naman sila o baka nagkamali lang ako at hindi naman talaga ako sinusundan? Malawak ang isla. They should explore its beauty.
Hinayaan kong liparin ng malamig na hangin ang buhok ko. Tumitig ako sa dagat at paminsan-minsang pinaglalaruan ang buhangin. Halos araw-araw ko na itong ginagawa, makalimot lamang.
"Anj! Nandito ka na naman..." narinig kong sigaw ni Chito. Lumapit siya sa akin at tumabi sa pag-upo sa buhangin.
Pinagtabi ko ang aking mga tuhod at yumakap doon. Malalim akong bumuntong-hininga. Si Chito ay napalingon sa mga nagtatampisaw sa tubig na may hawak na camera at nagsasalita sa harap no'n.
"Muk'ang dumarami ang gumagawa ng vlog sa Isla Verde ah. Tingnan mo 'yon, ngiting-ngiti sa harap ng camera. Kung sana ay palaging ganito ay tiyak na matatalo ng Isla Verde ang Boracay!" he commented.
I sighed. "Kapag dumami ang pumupunta rito ay baka ma-take advantage ang isla. Kontento na akong nakapagtatago rito, malayo sa karamihan. Mas nakahihinga ako kapag tahimik at walang gaanong tao sa i-isla." wala sa sariling tugon ko. Alam kong panghanapbuhay din ng mga naririto ang pagbisita ng mga turista. Kahit na wala kaming supply ng kuryente ay may dumadayo pa rin. I know it's selfish... but I'm contented with what the island can offer—simpleng pamumuhay. Kahit papaano naman ay may mga doktor at clinic dito para sa hindi malalang kaso ng sakit at kung higit pa ro'n ay dinadala na sa mainland.
Nilingon ako ni Chito. He sighed. "Anj, iniisip mo na naman siya 'no? Si yummilicious mo?" nag-aalala nitong tanong.
Mapait akong ngumiti at mas hinigpitan ang yakap sa mga binti ko ngunit lumandas na naman ang mga traydor kong luha. Nahihiya akong tumawa at pinunasan iyon.
"Anj..." mahinang tawag sa akin. Inaalo ako.
I sadly smiled at him. Parang sasabog ang puso ko sa tono ng tawag niya sa akin. "H-hindi ko mapigilan, Chito... N-nami-miss ko na siya..."
Tinaas niya ang kamay at marahang hinagod ang likod ko. "Sabi ko naman sa 'yo eh pwede mo siyang ipaglaban! Ikaw ang tunay na asawa. Ikaw ang tunay na Anjelous Salvaterra! Kung bumalik ka lang dito para masaktan, ako na ang pupunta kay Mayor Wax para sabihin ang totoo!" determinado nitong salita.
Napailing ako. "Hindi natin sila kaya." nanghihina kong sagot.
"Pera lang ang meron sila, Anj! Pero ikaw ang legal at legit na asawa! 'Yong kurikong na 'yon ang nangopya sa mukha mo! Mga halang ang bituka't balun-balunan ng mga taong 'yon! At 'yang Lawrence na 'yan, naku, makakatikim sa akin ang lalaking 'yan!" tinaas pa nito ang dalawang kamay at kinuyom na parang may dinudurog.
BINABASA MO ANG
False Hope (Touch #1)
RomanceAnjelous was forced to pretend as someone else's wife after being abducted by a woman who looks exactly like her. Although crazy, it should be easy--her 'husband' was her first love after all--but no, she's trapped in a toxic loveless marriage. But...
