Chapter 2

83.1K 2.3K 468
                                        

Chapter 2

Anjelous

Sa sobrang bilis niyang magmaneho, pakiramdam ko ay naiwan ang puso ko sa terminal. Kinapa ko ang seatbelt at humawak doon na para bang naroon ang buhay ko. Hindi ko makabit sa akin dahil nanginginig ang mga kamay ko. Nanlalamig ang buong katawan ko at dumadagundong ang dibdib ko.

Sinubukan ko siyang sulyapan. Mabilis niya lang kinabit ang seatbelt niya na parang lumusot lang sa loob ng butas. He's wearing a casual navy blue polo shirt. Hinayaang malaya ang mga butones sa bandang leeg. Ang kuwelyo ay may isang manipis na linyang asul.

Bumaba ang mga mata ko at dumako sa mahahaba niyang binti na nababalutan ng faded blue jeans. Pero nang dumako ang mga mata ko sa harap ng zipper ay para akong natuklaw at bumuhos ang init sa buong mukha ko. Hindi ko malaman kung masyado bang masikip ang pantalon niya o sadyang pinagpala ang lalaking tila pasan ang mundo dahil sa dilim ng mukha.

Nang mapagtanto ko ang naisip ay mabilis akong napapikit at umiling. Ano ba 'tong iniisip ko? Pati ang parteng iyon ng katawan niya ay pinagchismisan ko pa!

"Fasten your seatbelt." bigla niyang untag sa akin.

Bahagya akong napatalon sa gulat nang bigla siyang magsalita. Nakakakilabot ang boses niya. Kung kamao lang iyon ay baka humampas na sa akin. Madiin at halatang nagagalit.

Pero bakit nagagalit siya agad? Nagtalo ba sila ng asawa niya kaya ganito ang pinakitang ugali sa akin? At bakit hindi ako inabisuhan ng huwad na babaeng iyon? Baka dahil pa rito ay mapaamin agad ako.

Sinunod ko siya at kinabit ang seatbelt sa aking katawan. Noong una ay nahihirapan pa akong hatakin iyong malapad na garter. Ang hirap, parang may pinaglalaban. Ngunit nang marinig ko ang mabigat niyang pagbuntong-hininga ay tinodo ko ang paghatak at nairaos ko rin kalaunan.

Hirap akong napalunok pagkatapos. Sa kandungan ay pinagsalikop ko ang mga kamay sa labis na kaba. His scent and his car's scent would matter to me but his furious man aura told me na hindi ngayon ang oras para pagpantasyahan ko siya.

Ilang beses akong napalunok. Nandito siya at katabi ko. Mayor Wax Miguel Salvaterra. Ang lalaking una at huling nagpabilis ng tibok ng puso ko sa loob ng pitong taon.

Kung sa ibang pagkakataon sana ay ikakasaya ko ang muli naming pagkikita. Pero ngayong may lihim sa likod ng pagpapakita ko sa kanya, bumabagsak ang paghanga ko. Hindi sa kanya kundi sa sarili.

Hindi siya nagsasalita habang nagmamaneho at habang binabagtas namin ang kalsada. We're heading to Lemery. Naraanan na namin ang arko ng bayan na iyon. Bumuhos ang ilang alaala noong una akong tumapak sa lugar na ito. Lalo na noong unang beses ko siyang nakita. But then again, our circumstances killed my fantasies. My romantic side was kicked off as the intention folds in my head.

At hindi ko alam kung kakayanin ko 'to, kung matatagalan ko ang pagkukunwari. Kundi rin lang para sa pagpapagamot ni Tatay at sa paghahanap sa kuya ko, this will not happen.

But who am I going to blame? Humugot ako ng hangin at bumuntong-hininga.

Hininto niya ang sasakyan sa tapat ng isang maganda at malaking bahay. Isang beses na bumusina. Tumakbo palapit sa malaking gate ang matandang lalaki at dali-daling pinagbuksan kami. Umabante siya ulit at pinasok ang sasakyan.

Nauna na siyang bumaba pagkatapos patayin ang makina. Nagdire-diretso siya sa loob ng bahay at nilagpasan ang matandang sumalubong sa amin.

"Magandang gabi po, Madam." nakangiti ang matanda nang lapitan ako.

Tinitigan ko sandali ang mukha niya. Siya si Mang Gener. Ang nakatoka sa garden at asawa ng kusinera sa bahay na ito. Siya ang nagbukas ng pinto ko.

False Hope (Touch #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon