Chapter 18

97.5K 2.7K 1.2K
                                        

Chapter 18

Anj (bruha)

"Dalhin niyo 'yan sa kwarto ko!" pagalit kong utos sa mga tauhan ni Wax na nagbabantay sa labas ng bahay niya. Matalim ko silang tiningnan habang isa-isang inilalabas ang lahat ng paperbags ng pinamili ko. I only have one driver with me at ni hindi nito maayos na mahawakan ang lahat ng iyon. I'm so pissed right now. Delubyo ang lakad ko ngayong araw. Halos masagad ang laman ng bank account ko sa pagpapadala ng pera. And I have to ask Wax again for money! Paano ko iyon gagawin kung kahihingi ko lang din? Shit!

Sumunod ako papasok sa loob ng bahay. Patungong hagdanan ang mga inutusan ko. I was so thirsty kaya dumaan muna ako ng kusina para uminom. I was taken aback nang makita ko roon ang dalawang katulong. Agad akong nginitian ng personal kong katulong na si Ephie. Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip. "Ikuha mo nga ako ng malamig na tubig, Ephie," utos ko. I hate the smell ng niluluto ni Nana. Ayokong lumapit at magtagal at tiyak na didikit ang amoy no'n sa akin.

"Yes, Madam!" talima niya. Kinuha ako nito ng baso at tubig sa fridge. Pagkatapos ay nagmamadaling inabot sa akin. "Ito na po, Madam."

Bumuntong-hininga ako at inabot iyon. "Thanks." patalikod na ako pagkaabot ko ng baso nang tawagin ako ni Nana Josie. "What?"

Nginitian niya ako at tinuro ang kalderong nakasalang sa kalan. Iyong mabahong niluluto niya. "Tikman mo 'tong binagoongang baboy, hija, kung maayos ba ang pagkakatimpla ko," sabay kuha ng kutsara at iniabot sa akin.

Nagsalubong ang mga kilay ko at nairita. Mas lalo akong nabwisit! "Are you out of your mind?! Ang lansa-lansa niyan! It's so stinky! Yuck! Ni hindi ko nga matagalan yung amoy, ipapatikim mo pa! Disgusting. Hindi ako kakain!" then I turned around and left.

They were so shocked. What the fuss! Nagtuloy ako sa pag-akyat sa itaas at hindi na inisip ang naiwang reaksyon ng dalawang katulong. I'm too full for today and I hate it.

Kinabukasan ay agad kong pinatawag si Ephie para magpamasahe. Hindi na ako umalis sa kama at tinitingnan ang cellphone para sa update kay Lawrence. Hindi ako mapakali at baka bigla na lang dumating si Laiza rito. Oh, I really hate that desperate woman! Habol nang habol kay Wax. Napailing ako. She needs to change her face if she wants him so bad.

"Mama..."

Kumunot ang noo ko nang marinig ang mahinang boses ni Anjeline mula sa pinto. "What?" hindi ko siya nilingon dahil may binabasa ako sa phone ko.

I heard her footsteps. Tumatakbo itong lumapit sa akin at binunggo ako sa kama. Bumagsak sa mukha ko ang hawak na cellphone dahil sa bigla niyang pagsampa! Sa inis ko ay nasipa ko si Ephie na nasa paanan ko at napaupo ito sa sahig. Agad akong bumangon. I glared at her. "Ano ka ba! Hindi mo ba nakitang may ginagawa ako?! Napakaharot mong bata ka!" piningot ko ang tainga niya. Agad na nalukot ang mukha nito sa pagngiwi. But I'm so angry! "Wala kang pinipiling oras sa panggugulo mo!"

Pumalahaw ito ng iyak. "A-aww..."

Binitawan ko ang tainga niya at pinalo sa puwitan. "Go back to your room!" I yelled at her. Umiiyak itong tumakbo palabas ng kwarto at yumakap kay Dalia. "'Wag mong palabasin 'yan ah!" sigaw kong bilin.

"O-opo, Madam..." she answered with a pale face. Sinarado nito ang pinto ko.

Bumalik ako sa dating pwesto at inabot ulit ang phone mula sa kama. Hinintay kong magmasahe ulit si Ephie at nang silipin ko ay tulala itong nakatunghay sa akin. "Hoy!" napaigtad pa sa gulat. "Ano pang tinatanga mo riyan?!"

"Y-yes po, Madam!" agad na kumilos ito at inabot ang paa ko.

Inis akong bumuntong-hininga. Mula nang bumalik ako rito, hindi na naging maganda ang araw ko! They are all messing with me! I can't breathe! Kailangan na kailangan kong umalis muna rito at paghandaan ang dapat gawin. Kasalanan ng babaeng 'yon eh! She changed this house! Ngayon, kailangan niyang bumalik dito at saluhin ang galit ni Wax kapag nakausap ito no'ng babaeng higad. She's gonna be fucked up.

False Hope (Touch #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon