Chapter 30
Anjelous
Patuloy kong sinisendan ng text si Wax at inaalam kung nasaang banda na ito. Umuwi ako kasama si Chito at nagluto ng sinigang na bangus para sa hapunan namin mamaya. Sa pagnginginig ng mga kamay ko ay nahiwa pa ako sa hintuturo ng kutsilyo sa mali kong paghiwa ng isda. At si Chito... pinagtawanan pa ako.
"Ayan kasi. Nate-tense si Mrs. Salvaterra! Magkikita na kasi sila ni yummilicious niya," tukso niya sa akin.
Binalewala ko iyon at nagsaing na lang. Si Kuya Charlie naman ay hindi pa bumabalik mula sa pagpunta sa Mahabang Buhangin. Napalingon ako sa bintana... madilim na. Ang huling text sa akin ni Wax ay nakasakay na siya ng bangka papunta rito.
Forty- five minutes has passed, naluto na ang sinaing ko ay wala pa ring Wax na dumarating. Lumabas pa si Chito para tanawin ang mga bangkang dumaraong. Pinuntahan ko si Tatay sa kwarto niya para ayain nang kumain. Pero tumanggi pa siya at nagpasabing hihintayin muna si Wax. He was firm with his decision kaya hinayaan ko na lamang.
He got the same facial expression with my brother's unwanted visitor. I heaved out a sigh.
Umupo lamang ako sa harap ng mesa namin. Nilapag ko ang cellphone at tinitigan hanggang sa matulala na lamang ako sa katahimikan. I stared at the candle. Wala kaming kuryente. Wala naman kasi kaming solar panel hindi tulad ng ibang kapitbahay namin. Kaya kung hindi kandila ay gasera ang pang-ilaw namin sa gabi. At katahimikan ang musika sa paligid. Pero ngayong gabi ay kandila ang pang-ilaw namin.
I bit my lower lip. May mahinang kabog ako sa aking dibdib. Ganito ang madaratnan ni Miguel pagdating niya rito. Our house is far different from his. Hindi naman ako nahihiya... siguro, kaunti lang? Napayuko ako at hinaplos ang mga daliri sa kamay.
Ngayon ako nakakaramdam ng insecurities. He's a Salvaterra. A rich name from Lemery. A son of a Senator of the Philippines. A respected Mayor. Matalino at gwapo. Pagkatapos ako... taga-isla. Hindi nakatapos ng pag-aaral. Mahirap. Wala pala akong maipagmamalaki sa kanya tapos nagmataas pa ako sa kanyang mahal ko siya. What can I give? Anak lang ba?
Hinaplos ko ang tiyan ko. Malungkot akong ngumiti. "But you're everything to me, baby. Sorry kung nasasaktan ka ni Mama ha? Mahal din kita. Mahal na mahal..." I know you're still a little bean there, but I love you my dearest.
Malalim akong suminghap ng hangin at inayos ang mga takip ng kanin at ulam sa lamesa. Tumayo ako at lumabas. Balak ko sanang sundan si Chito kaya lang... kakabahan lang ako. Kinakabahan akong makita si Wax at harapin siya matapos ng mga pinagsasabi niya sa akin sa text. Kaya naman tumambay na lang ako sa labas ng bahay namin.
Pero agad din akong nagsisi nang makitang papauwi na rin si Kuya Charlie kasama pa rin iyong babaeng inuwi niya. I can't even utter her name.
Nakangiti ang dalawa. Humalukipkip ako. Sinubukan kong iiwas ang mga mata pero nakita na nila ako. Malas ko.
"Bakit nasa labas ka, Anj? Mahamog na rito," nabakas ko ang genuine na concern sa akin ng kapatid ko.
Napahilot ako sa aking batok at tumanaw sa ibang dereksyon. "Okay lang ako, Kuya. Hinihintay ko si Chito."
I almost rolled my eyes at them. Nagiging maldita rin ba kapag buntis? I sighed.
Ramdam kong nagtinginan ang dalawa. They stood by my side. What is she doing here again? Akala ko'y uuwi nang mag-isa ang kapatid ko.
I heard her cleared her throat. "Hi, Anjelous..." mahina niyang bati sa akin.
Hindi ko ginalaw ang ulo at patagilid siyang sinulyapan. Tumango ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
False Hope (Touch #1)
RomansaAnjelous was forced to pretend as someone else's wife after being abducted by a woman who looks exactly like her. Although crazy, it should be easy--her 'husband' was her first love after all--but no, she's trapped in a toxic loveless marriage. But...
