Chapter 15
Anjelous
Nilingon ko ang sala nang marinig ang masasayang tawanan nina Nana, Ephie at Dalia sa sala. Pati na rin ang asawa ni Nana na si Mang Gener ay naroon din. Kasalukuyang pinamimigay ni Lawrence ang mga pasalubong nila. Even Anjeline is there too. Si Wax ay may kinausap muna sa library. Pumunta naman ako sa kusina para maghanda ng meryenda.
Hindi ko matagalan ang presensya ni Lawrence. Bakit nandito siya? Ang ibig bang sabihin ay bumalik na rin ang asawa ni Wax? That thought kills me slowly. Nanginginig ang kalamnan ko. Parang may mga batong rumaragasa sa lalamunan ko. Kaibigan niya si Wax na walang alam na ang asawa niya'y may relasyon dito. He must be an excellent actor. Kahit ako ay hindi mahahalatang may nililihim siya.
Nang lumakas ang tawanan ay napatuwid ako ng tayo sa harap ng counter. Unang pumasok ang nakangiting si Nana Josie hawak ang isang paper bag. Malaki ang ngiti dahil sa bigay ni Lawrence. Kasunod niya nang pumasok sina Ephie.
Tumikhim ako at sinalinan ang mga baso ng juice. I prepared sliced brownies on the plates too. Agad naman akong nilapitan ni Nana at tinulungan. "Ako na r'yan, Anjelous! Naku. Nakalimutan kong gawan nga ng meryenda ang binatang 'to," she laughed. "Maupo ka na, hija,"
Nginitian ko siya ngunit pinagpatuloy ko pa rin ang pagsasalin ng maiinom. "Okay lang po, Nana." I said. Hindi ko na kailangan pang lumingon sa bukana ng kusina dahil agad kong naramdaman ang presensya ni Lawrence. Nakipagbiruan sandali kina Ephie at Dalia. Si Anjeline ay tumakbong palapit sa akin, pinakita ang malaking kahon ng laruan niyang ice cream maker. He told her earlier about that.
Binaba ko ang babasaging pitsel at tinulungan siyang buhatin iyon. "That's beautiful, baby..." I said to her.
"Gawa tayo ng ice cream dito, Mama! Tito Lawrence said, may ingredients daw po itong kasama!" she excitedly said.
Dahan-dahan akong tumango sa kanya. "Okay sige. Pero bukas na natin gawin, mmm? Gabi na at kailangan mo nang magpahinga." payo ko.
She jumped and clapped her tiny hands. "Aye, aye, Mama! Thank you po!"
Matamis ko siyang nginitian at bahagyang kinurot ang chin niya. "You're welcome po."
"I'll tell Papa. Wait po Mama!" sabay takbo paalis ng kusina. Sinundan ko siya ng tingin ngunit nadaanan ng mga mata ko ang nakatitig pala sa aking si Lawrence. He's smiling a little. His eyes told me so.
Nawala ang ngiti ko at tumikhim. Binaba ko sa counter ang malaking kahon ng ice cream maker ni Anjeline. Nakaalis na pala sina Ephie at Dalia, siguro ay para dalhin sa kwarto nila ang mga bagong damit at chocolates but Nana Josie remained beside me. Naglakad palapit sa akin si Lawrence at binaba ang isang katamtamang laki ng paperbag.
"I wouldn't forget about you, Anjelous," sabi niya sa akin at inusod ang paperbag.
Bahagyang napaawang ang labi ko. Saglit akong napatingin kay Nana. Checking her as if she's noticing the way Lawrence was looking at me.
Alangan ko siyang nginitian. "S-salamat. Sana'y hindi ka na nag-abala pa." I startled.
He chuckled at humawak siya sa edge ng counter. "You're going to kill me if I didn't have anything for you, Anj." biro nito.
Nag-angat ng tingin sa amin si Nana. "Oo nga, hija. Tanda ko'y palagi ka pang nagbibilin kay Lawrence sa t'wing nagsasabi itong magbabakasyon sa ibang bansa. At palagi ring hindi niya nakakalimutan 'yon. Kahit nga kami eh, salamat hijo sa mga pasalubong mo! Ipapadala ko agad ang mga tsokolate sa mga apo ko sa Lipa. T'yak na matutuwa ang mga 'yon," masaya nitong sabi.
BINABASA MO ANG
False Hope (Touch #1)
Storie d'amoreAnjelous was forced to pretend as someone else's wife after being abducted by a woman who looks exactly like her. Although crazy, it should be easy--her 'husband' was her first love after all--but no, she's trapped in a toxic loveless marriage. But...
