Chapter 6
Laiza
"Wax, wait!" hingal ang inabot ko sa patakbong habol sa kanya. Nauna na itong sumakay sa sasakyan kaya mas nilakihan ko pa ang mga hakbang. Pagsakay ko sa passenger's seat ay agad-agad itong umabante. Napahawak ako sa gilid ng upuan sa bahagyang gulat. Okay, he looks mad. Kaya siguro ang gaspang na naman ang kilos niya.
"Hey, relax. Walang humahabol sa atin, darling." Malambing kong awit sa kanya. But I could almost shout at his handsome face! Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko.
Hindi siya sumagot. Ang mga mata ay galit na nakatingin sa harap. Madiin ang hawak sa manibela. Ang ugat sa mga kamay ay nangangalit din. Naninibago ako. Dati ko na siyang nakitang nagalit lalo na kapag ang asawa niya ang pinag-uusapan namin. Pero ang galit niya noon ay hindi pa nakakapatay ng tao. Ibang-iba ang nakikita ko sa kanya. Dati-rati naman ay sandali lang ito magalit sa hilaw niyang asawa. Iyong alam kong wala naman na itong pakialam sa babae. Mag-away man sila o hindi.
Inayos ko ang nagulong buhok at upo. Tumikhim ako. "Saan nga pala tayo magche-check in sa Manila? What about Shangri-La?" halos magkislapan ang mga mata ko pagkabanggit pa lang ng hotel na iyon. Isang beses lang ako nakapunta roon at halos maubos ang laman ng bank account ko. But being with Wax today... I can do whatever I want! This sounds like a grand vacation for me. I'm so happy.
Hindi niya ako sinagot ulit. Sa halip ay ginilid ang sasakyan at saka ako bahagyang nilingon. "Baba." Walang kabuhay-buhay niyang utos sa akin.
Natigilan ako. Napaawang ang labi. Kumunot ang noo ko. "Nagbibiro ka ba?" natawa pa ako para palabasing natawa nga ako kung ganoon.
Tiningnan niya ako nang masama. Kulang na lang ay umangat ang puwetan ko sa upuan nang ipukol niya sa akin ang matang iyon. Madilim. "Hindi kita isasama sa Maynila. Ihahatid ko roon ang Tita Lian ko at wala akong balak na isabay ka. Bumaba ka na." pagtataboy na niya sa akin.
Namilog ang mga mata ako at mas lumaki ang puwang ng labi ko. I released a pissed sigh. Tiningnan ko pa ang labas. "Are you fucking serious, Wax?! Ibababa mo ako rito? Mainit na oh! Maawa ka naman sa akin. Masisira ang kutis ko! If this is all about your wife—let's just escape here—I'll help you—" napaigtad ako nang malakas niyang hampasin ang manibela. Naiinis na at nababagot sa akin!
"Bababa ka ba o hihilahin pa kita paalis diyan?" banta niya sabay sulyap sa passenger's seat.
Hindi ako makapaniwala. Ito ang unang beses na ipagtabuyan niya ako! Okay. Naiintindihan ko ang paghahatid niya sa tiyahin niya pero ang sigawan ako at ipagtabuyan nang harap-harapan?
Matalim ko siyang inirapan at pahablot na kinuha ang bag. Padabog kong binuksan ang pintuan na kung kakayanin ay baka nabali iyon sa lakas ng pagtulak ko. I was about to turn to him—inabot niya agad ang pinto at sinarado. Ilang segundo lamang ay pinasibad na niya ang sasakyan.
I gritted my teeth. "Bastard!" sigaw ko. Napatingin sa akin ang ilang nagtitinda sa bangketa. Napatalon ako sa gulat nang biglang may bumisina sa likuran ko. Sa tindi ng inis ko ay sinigawan ko iyong driver ng tricycle at minura pa.
"Nakaharang ho kayo sa kalsada, miss," sagot niya sa akin.
Inirapan ko siya at kinuha ang cellphone sa bag, "Whatever!" pabalang kong sagot.
***
Mahigit isang oras pa bago dumating ang sundo ko. Pinarada niya ang kakarag-karag niyang pick-up sa harapan ko. Habang sumasakay ay ramdam kong sinusundan din ako ng tingin ng mga tinderong iyon na panay ang pasada ng tingin sa akin. Mga bastos. Pagsakay ay napahilot ako ng sintido.

BINABASA MO ANG
False Hope (Touch #1)
RomanceAnjelous was forced to pretend as someone else's wife after being abducted by a woman who looks exactly like her. Although crazy, it should be easy--her 'husband' was her first love after all--but no, she's trapped in a toxic loveless marriage. But...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte