Chapter 31

81.4K 2.3K 788
                                        

Chapter 31

Anjelous

"Maupo ka lang d'yan." agap kong utos kay Miguel nang makita kong tumatayo na naman siya mula sa gilid ng papag sa kwarto ko. Ang anino niya galing sa kandila ang nagsisilbi kong bantay sa kanya.

I literally want him not to make a single move while I was rummaging my shoe box of first aid kit. May sugat siya sa gilid ng labi at tiyak kong hindi ito makakain nang maayos kung hindi pa iyon magagamot agad. And I'm not comfortable too—seeing his wounds and bruises, and being with his ex in one dining table.

It's not a big deal. That's what I wanted to put in my mind but it's impossible. I dearly love this man. Ang hirap magkunwaring okay lang kahit hindi naman.

He's staring at me pagharap ko sa kanya. Hawak ko sa kamay ang nakabukas ng bulak, betadine at ordinaryong band-aid. I sighed. Lumapit ako sa harap niya at nagsimulang linisin ang sugat niya.

He tilted his head a little. Nakatitig sa akin. I tried to ignore his dreamy stares dahil ayokong maapektuhan no'n. But he just kept on staring at me! Huminto ako at tumikhim.

But immediately, nilagay ko na agad ang band-aid. Napatingin lang ako sa kanya nang magreklamo siya.

"Pa'no kita mahahalikan ngan maayos kung may nakaharang sa labi ko?" he complaints.

Natigilan ako. "'Yan talaga ang pinoproblema mo ngayon?"

He seriously nodded.

I sighed. Unbelievable. Nakakapag-isip pa siya ng ganoon kahit sa ganitong sitwasyon. At para matahimik ay mabilis ko siyang hinalikan. It was a fast and firm kiss that I could offer.

"'Yan. Manahimik ka na." I warned him and check his band-aid. I seriously wanted to check his head, pero mamaya ko iyon titingnan pagkatapos naming maghapunan at mag-usap. At isa pa, nanghihina ako roon.

I saw him smirking nang palabas na kami sa kwarto. I just dismissed it dahil nagra-rumble ang puso ko.

He leaned on my neck and made circular lines around my throat, "I hope we were alone, my love..." it feels like a dangerous ache. I gulped.

Pahagip ko siyang tiningnan nang masama bago pa kami makita nina Kuya. Pagpasok namin sa kusina ay nagtinginan sila amin. Agad kong inalis ang pagkakaakbay sa akin ni Wax. "Maupo ka na," turo ko sa bangko namin. That seat is reserved for the both us. Katabi si Chito.

Sa gitna ay nakaupo ang tatay ko at nakaharap sa amin sina Kuya Charlie at Leila na panay ang dikit sa kapatid ko na para bang takot na takot.

***

Tahimik kaming kumain ng hapunan. Chito tried to make a light conversation but no one tried to be with him kaya sa huli ay nanahimik na lang ito.

I kept on watching Wax on my right side. Tinitingnan ko kung marunong kumain ng bangus. Hindi iyon boneless at madilim pa kaya baka matinik. Kabaliktaran naman ni Leila. She looks so pro eating that fish. Napansin pa niyang nakatingin ako sa kanya but she just shrugged her shoulders and smiled at me.

I didn't smile back and looked down at my own plate. There's something off about her.

Tinulungan ako ni Chito sa paglilipit ng pinagkainan. I was torn between being ashamed and amused nang mapanood ko kung paanong naghagugas ng mga kamay si Wax sa maliit naming lababo. Hinawakan ang lumang lalagyan ng gasolina bilang tabo sa timba naming pang-gallon ng suka. He looked at me once, kumunot ang noo sa akin. Sa katayuan niya at porma, hindi nito alintana ang mga gamit naming puro recycled.

I discreetly smirked.

Nag-iinit na ako no'n ng tubig na mainit nang pumasok na sa loob ng kwarto ang Tatay. Then my brother immediately threw words at Miguel.

False Hope (Touch #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon