Chapter 35

85.2K 2.4K 858
                                        

Chapter 35

Anjelous

Isang buntong-hininga ang tanging nasagot ko kay Chito nang tanungin niya ako kung ready na ba akong bumaba. Then I gave him an excited and a little shaky smile.

Pinanliitan niya ako ng mga mata pero naroon ang paghanga at tinatagong tili matapos akong pasadahan ng tingin. "Pinipigilan mo lang 'no? Hay naku, Anjelous. 'Wag mo nang pigilan 'yang excitement mo, gurl. Ramdam na ramdam ko ang nerbyos mo. My ghad! Ikakasal ka na talaga nang real na real kay Mayor Yummilicious!" hinawakan niya ako sa kamay at nagtatalon habang tumitiling may lantik ang mga daliri.

"Sssh... Ang ingay mo baka may makarinig sa 'yo," saway ko. Ang mga makeup artist na nag-ayos sa akin ay tumatawa na lamang.

"Eh bakit ba?! Eh sa kinikilig ako." tumigil ito sa pagtatalon at inayos ang polong tumaas. "Ito na yata ang pinakakilig na kasalan na masasaksihan ko. Kanina nga eh hindi na mapakali sa baba si Mayor Wax. Ayaw kasi siyang paakyatin ni Nana Josie at hintayin ka na lang daw na bumaba pagdating ni Father. Panay ang tingin sa taas ng hagdanan." tila sumbong niya sa akin.

Lumapit ang makeup artist at ni-retouch ang lipstick ko. Ang isa naman ay muling sinipat ang clip sa belo ko.

Kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng lamesita. Binili ito sa akin ni Wax. We have the same brand,model at pati kulay ng cellphone. Hindi na ako nagulat nang makitang tadtad ng messages ang phone ko at lahat ay iisang sender—si Wax Miguel.

Napangiti ako nang kaunti. Naalala ko nang ibigay niya ito sa akin. Ang pangalan ko sa phone niya ay 'Love' pero ang pangalan niya sa phone ko ay 'Wax Miguel'. Nagreklamo siya sa akin kung bakit hindi endearment niya ang ilagay ko gayong iyon ang tawag niya sa akin. Nagkibit balikat lang ako at natuwa ako nang nakitang sumimangot ito. Pinagdabugan niya ako no'n at tinalikuran. Pero imbes na mag-alala ako ay natuwa pa ako. But that night, hindi niya rin ako natiis. Kinausap niya ako bago matulog. He can't sleep without having a conversation with me and... we made love until the morning.

I heard a warning knock. Magkasabay kaming napalingon ni Chito sa pinto at halos tumaas ang puwitan ko sa upuan nang makita ang Mommy ni Wax.

"Kakamustahin ko lang bride namin." nakangiti nitong sabi at saka pumasok na.

Napatikhim ako. Kanina pa ako nininerbyos at mas nadagdagan nang makita ko siya. "Ma'am..." pagbibigay galang ko.

Tinaas niya ang kamay para pahintuin ako sa pagtayo. I sat again pero nasa kanya ang buong atensyon ko kahit na nakapaligid sa akin ang mga makeup artist. Si Chito ay lumayo muna at tumabi sa gilid.

Mrs. Coney Salvaterra was wearing an off white off-shoulder Filipiniana gown. At her age, still, ang liit pa rin ng baywang niya. Maputi at makinis ang balat. Tulad ni Tita Lian ay napakabatang tingnan nito. Her hair was in a french-knot. Kumukinang ang bato sa hikaw at kwintas but she managed to still look simple and elegant. And like Tita Lian, she gave me a warm and sweet smile. Iyong ngiting nakikita ko kay Miguel kapag naglalambing sa akin.

"Don't call me like that, hija. Ikakasal ka na kay Wax kaya Mommy na rin ang itawag mo sa akin." tinitigan niya ako nang nakangiti. "You're so beautiful, hija, at tiyak kong matutulala rin ang anak ko 'pag nasilayan ka na. Actually, he kept on asking me kung pwede ba kitang silipin." She laughed with class. "Naiinip na yata."

Napangiti ako. Ilang minuto na lang naman ay magsisimula na ang seremonya ng kasal.

"Ako rin naman po. Excited na rin akong makita si Wax." nahihiya kong amin sa kanya. Pati tibok ng puso ko ay excited din. Nag-init ang pisngi ko.

She sweetly laughed. "You're too very much in love to each other. I'm so happy that finally, my son found you, Anjelous..."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nilapitan niya ako at inabot ang nanlalamig kong kamay. She warmly squeezed my hand, "Thank you. Thank you for loving and caring my son, Anjelous. Thank you for bringing him back to us. Nakikita ko na ngayon ang pagbabago sa kanya. It took him years bago ka makita at hindi ako sumukong makatatagpo rin siya ng babaeng tunay na magmamahala at tatanggap sa kanya."

False Hope (Touch #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon