Sequel Teaser
Anjelous
"Hello, Mrs. Salvaterra?"
Mula sa pagkakatingin sa kabilang panig ng hallway ay nilingon ko ang babaeng tumawag sa akin. I immediately smiled at her. Kahit na hindi ko naman siya kilala o namumukhaan man lang. Actually, lahat naman ng tao sa event na ito ay hindi ko kilala. Pinaunlakan ko lamang ang mommy ni Miguel. Though he didn't like it.
"Hi... Miss?" magalang kong sagot sa kanya. She's pretty and very elegant on her silver gown. Nakalugay ang straight at mahabang buhok. Medyo makapal ang makeup niya pero bumagay naman.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi. Lumapit pa siya sa akin at pahapyaw akong pinasadahan ng tingin. Tinging hindi naman nakaka-offend.
Bahagya akong napanguso. I was wearing a black gown, a sweetheart style tube at hanggang tuhod ang tabas ng laylayan. I half ponytailed my hair and curled the ends. I wore minimal eyeshadow but Mommy Coney insisted on using a red lipstick.
Hindi ko makakalimutan ang titig na pinataw sa akin ni Miguel bago kami umalis ng bahay. Halos ayaw na niya akong bitawan sa kamay at panay ang bulong sa aking tanggihan ang mommy niya na pumunta sa event na ito. Wala naman daw saysay ang party. Gusto man niyang sumama ay hindi naman pupwede. Kaya apat na tauhan niya ang pinasama sa akin.
I just chuckled and kissed him goodbye. He was pissed and he groaned. Pigil pa siya ng lagay na iyan para hindi makita ng mommy niya ang kanyang inis.
The woman offered her hand at me that I accepted without a question. "You probably don't know me. My name is Priscilla... Uh..."
I tilted my head a little. Para kasing pinipigilan pa niya ang sariling magsalita. She just smiled and looked around.
She looked at me again, "Actually, bumili ako sa furniture shop ni Miguel."
I gasped a little at nangunot ang noo ko. She called him by his middle name too. "I... see. Magkakilala pala kayo ng asawa ko." Nakaramdam ako ng selos sa babaeng estranghera. Hindi ko naiwasan ang sumibol na damdaming iyon.
She chuckled. Inilipat ang ilang hibla ng buhok likod ng balikat. Her milky white skin shone against the light. "Yeah. Kama pa nga. At ang tibay ah. Magaling ang asawa mo sa furnitures."
Napatitig ako sa kanya. She looked around again. Sinundan ko ng tingin ang direksyong tinitingnan niya.
She laughed. "Balita ko ay may balak na tumakbong governor si Miguel. Is that true?"
Bahagyang tumaas ang mga kilay ko. Hindi naman na lihim iyon. Inuudyukan ni Daddy na tumakbo si Miguel sa susunod na eleksyon. We're moving too pero magpahanggang ngayon ay pinag-iisipan niya pa rin iyon. He wants to quit but...
I only smiled at her.
Hinawakan niya ako sa braso. "Hindi naman siguro lihim sa kanya ang tungkol sa mga bandidong nasa Batangas ngayon, 'di ba? Uh, hindi ka ba natatakot para sa kanya? Iba na kasi ang paligid ngayon. Ang mga tao ay sanay na sanay na sa mga karumal-dumal na bagay." she stared at me as if she was weighing my reaction.
Sandali akong hindi nakapagsalita. I once heard about that group na napadpad sa Batangas pero hindi namin pinag-uusapan ni Miguel. His Dad was very vocal about it. Kasama sa plataporma niya ang pagsugpo ng terorismo sa Batangas and Daddy is interested in a higher position too.
Nag-aalala ako. Alam ni Miguel ang boses ko pagdating sa pulitika. Kahit na sangkaterba ang ipadalang tauhan ni Ryan ay hindi pa rin nawawala ang takot ko na baka... isang araw ay may mangyari sa kanyang masama.
BINABASA MO ANG
False Hope (Touch #1)
Любовные романыAnjelous was forced to pretend as someone else's wife after being abducted by a woman who looks exactly like her. Although crazy, it should be easy--her 'husband' was her first love after all--but no, she's trapped in a toxic loveless marriage. But...
