Chapter 10
Anjelous
Naalimpungatan ako at nagising nang tuluyan nang magisnang madilim na sa loob ng kwarto ni Anjeline. Tumatanglaw na lamang ang liwanag mula sa lamp nito.
Bumangon ako at sinilip si Anjeline. She's asleep. Bahagya akong ngumiti. Magaan kong hinaplos ang ibabaw ng kanyang buhok at hinalikan sa noo. Tumayo ako at hinawi ang kurtina ng bintana. Madilim na rin at mukhang malalim na ang gabi. Napalingon ako sa wall clock, alas-dies na ng gabi!
Isang beses ko pang sinulyapan si Anjeline bago tuluyang lumabas ng kwarto niya. Pagbaba ko sa hagdanan ay tahimik na ang buong bahay. Nakaalis na kaya ang mga magulang ni Wax? At nasaan si Wax? Nasa kwarto na?
Maayos kayang nakauwi ang mag-asawa? Sana ay oo. Sana ay hindi na naulit pa ang sagutan ng mag-ama.
Binuhay ko ang ilaw sa kusina. Nauuhaw ako. Hindi na rin ako ginising para makapaghapunan. Kaya nang buksan ko ang refrigerator ay iyong karton ng gatas ang nilabas ko. Sinalinan ko ang baso at ininom habang nakatayo sa harap ng counter. Nangalahati ko kaagad ang gatas. Pinatong ko iyon sa marmol na counter at doon tumitig. Hindi na rin pala nakakain ng hapunan ang bata.
Then from there, bumuhos sa alaala ko ang hitsura niya nang tawagin niya ako nang nanginginig ang boses. Mangiyak-ngiyak. She summoned me. Her mama. Hindi ko tuloy maiwasang isiping may trauma sa sigawan ang bata. Or maybe she was just scared because of the shouting. Either way, dapat ay inalala kong may bata kaming kasama sa library. It was a negligence on my part. I pretended as her mother but I failed my job. Dahil ang atensyon ko kanina ay nakatuon lang kay Wax.
I sighed and put the rim of glass on my lips. I remembered his anger. It was almost the same when he was angry to me. At nagawa ko pang iharang ang sarili no'ng akma siyang pagbubuhatan ng kamay ng ama niya. I scoffed at the thought. Alam ko na kung saan niya namana ang mabigat na kamay. His father seems like—
"There you are." an intriguing soothing voice cut me off.
Napaigtad ako nang biglang may magsalita sa tagiliran ko. Kamuntik ko pang maibuga ang laman ng bibig ko dahil sa gulat. Pero may natapon pa rin sa labi ko at agad na iyong pinunasan. Binaba ko ang baso at nilingon siya, "Wax!" nakasuot lamang siya ng itim na roba. Ang hubad na dibdib ay nakasilip. Para bang walang pakialam kung nakikitaan man o hindi. Like a lazy handsome creature of this world.
Wala sa sariling napalunok ako. Ang likod ng palad ay naiwan sa tapat ng labi ko habang pinagmamasdan ko siya. He's barefooted. Magulong-magulo ang buhok na parang sinabunutan ng sampung pares ng mga kamay. At sa kaliwang kamay niya... tila sakal ang isang bote ng brandy!
Kumunot ang noo ko. "Umiinom ka?" I even dared to ask. Binalik ko ang paningin sa mukha niyang walang reaksyon. Tinaasan pa ako ng kilay.
Tinitigan niya ako at saka pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Mabigat itong bumuntong-hininga. Lumapit sa akin. Tinabi ang boteng hawak sa basong ininuman ko. Tiningnan ko iyon. Pumintig ang puso ko nang makita kong paubos na rin ang laman ng bote. Hindi ko alam kung marami na ba siyang nainom o bawas na iyon nang magsimula itong uminom.
But his uncombed hair made me think na kababangon lang nito sa kama.
Tumayo si Wax sa harapan ko. Nang lingunin ko ay nakatabingi ang mukha habang nakatitig sa akin.
Kumalampag ang puso ko. He was showing that cold face to me katulad noong nasa harapan siya ng mga magulang niya. Like as if he's mad, angry or furious over someone, something or a certain situation. Napaawang ang labi ko. Amoy alak din siya!
My heart beat turned into fear. Kinakabahan akong tumikhim, "M-marami ka na bang nainom?" sinubukan kong iiwas ang mga mata, "Mmm... B-baka inaantok ka na?" simple kong pagpapaalis sa kanya. I can't stand if he's drunk and most importantly if he's now angry. Nakakatakot siya.
BINABASA MO ANG
False Hope (Touch #1)
RomanceAnjelous was forced to pretend as someone else's wife after being abducted by a woman who looks exactly like her. Although crazy, it should be easy--her 'husband' was her first love after all--but no, she's trapped in a toxic loveless marriage. But...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte