Chapter 24

86.1K 2.4K 933
                                        

Chapter 24

Ryan

Tinaliman ko ang mga mata ko habang pinapakinggan si Mang Gener. Kagagaling ko lang mula sa Isla Verde para na rin makausap ang mga tauhan ko roon. Kasama kong nagpunta sina Wax at Chito kaninang madaling araw pero nauna na akong umuwi. Silang dalawa na lang ang pumunta sa bahay ng mga Corpuz doon. We were not sure kung binalik nga roon ni Lawrence si Anjelous but Wax wanted to try his luck. Asawa niya ang kinuha ni Lawrence at handa itong makipagpatayan mabalik lang sa kanya si Anjelous.

Then I went back here para balikan ang peke niyang asawang pinagsasampal niya kagabi. We still need to do something para sa babaeng iyon. But first, mas mahalaga sa kanyang makuha si Anjelous kaysa ang mag-alala sa babaeng iyon. He's obviously crazy over his wife at nakakaligtaan niya ang ibang bagay.

Pabusina pa lang ako sa gate nila ay nakita ko na ang padaskol na pagmamaneho ng kilala kong kotse ni pekeng Anj. Kasunod no'n ay ang pagtakbo ni Mang Gener sa gate. Agad akong lumabas ng sasakyan ko at kinausap siya.

"Bigla na lang po niya akong nilapitan at hiningi 'yong bote ng gaas, Sir Ryan. Pinag-iihaw kasi ako ni Josie kaya pinagbaga ko ang uling—"

Tinapik ko na siya agad. "Okay lang, Mang Gener. Ako nang bahala.." napatingin ako sa kanyang likuran nang patakbo ring lumapit sa akin ang dalawa pa nilang kasambahay. Puno ng pag-aalala sa mga mukha nila. Kumunot ang noo ko. "Anong problema?" I immediatetly asked.

Nagkatinginan pa silang dalawa. Siniko ni Ephie si Dalia na parang inuudyukang magsalita sa akin.

Nagsalubong ang mga kilay ko. "What is it, Dalia?" deretso ko nang tanong sa babae.

Tumikhim ito. Namumutla at kinukurot ang daliri. "Eh Sir Ryan, hindi po kasi namin makita si Anjeline. Naikot na po namin ang buong bahay at lahat ng kwarto..." umiling ito. "Hindi po namin siya makita."

May kakaibang kaba ang bumundol sa akin. Wala sa sariling nilingon ko ang daang tinahak ng pekeng Anj. "Putangina." bulong ko. Agad ko silang binalingan. "Check the CCTV footage! Kung may nakita kayong kahina-hinala, agad niyong itawag sa akin!" bilin ko sa kanila.

"Teka Sir Ryan! Saan po kayo pupunta?" kinakabahang habol na tanong sa akin ni Ephie.

Tinuro ko ang kalsada, "Susundan ko yung pekeng Anjelous! Baka kinuha niya si Anjeline! Check the CCTV!" ulit ko at nagmamadaling sumakay ulit sa sasakyan ko. Agad kong pinasibad para mahabol ang babaeng may tililing na 'yon!

Mahigpit akong humawak sa manibela at diniinan ang gas. I could feel my jaw tightening. "Not my goddaughter, woman!" I almost gritted my teeth. Hindi ko kayang pati ang isang munting anghel na si Anjeline ay madamay sa baliw niyang ina.

Anjeline is an angel though she came from an evil mother.

I cursed when I didn't see her car. Kailangan ko pang magtanong sa mga taong nasa kalsada para mahanap ang dinaanan nito. And luckily, hindi ako nahirapan dahil nang-agaw ito ng atensyon dahil sa bilis ng pagmamaneho.

Isang binatilyong naglilinis ng sasakyan ang nakapagturo sa akin. "Doon po siya dumaan, Ser. Mabilis po ang maneho saka malakas ang tugtog ng speaker." he informed.

"Salamat, boy!" agad kong tinahak ang daang tinuro niya sa akin.

It took me almost fifteen minutes then my phone rang. Rumehistro ang numero sa bahay ni Wax. "Hello?" I answered.

"Hello Ser Ryan si Ephie po 'to."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "May nakita ba kayo?"

"Opo Ser! Sumakay po si Anjeline sa kotse ni Madam! Nakasama po siya sa pag-alis niya!"

False Hope (Touch #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon