Prologue

142 5 0
                                    

Bakit nga ba nagpapakamatay ang isang tao?
Gaano ba kalaki ang problema nya at wala na syang ibang maisip na solusyon kundi tapusin ang buhay nya?
Ganon na ba talaga kahirap para sakanya ang ipagpatuloy pa ang buhay nya?


Dahil ba duwag sya?
Dahil ba nadadala sya ng takot?
Takot na baka kapag pinatagal nya pa e lalo lang syang mahirapan?
Dahil ba sa wala syang mahingan ng tulong?
Dahil ba walang gustong tumulong?
Kung hihingi ba sya ng tulong, may makakaintindi ba sakanya?
Dahil ba sa takot syang baka kaawaan lang sya ng mga tao sa paligid nya kapag humingi sya ng tulong?
O kaya takot syang magmukhang mahina sa harap ng mga taong akala ay matatag sya?


Kaya ba sila nagpapakamatay dahil akala nila wala na silang pag asang maging masaya?
Kaya ba mas pinipili nilang tapusin na lang ang buhay nila para matapos na rin ang akala nilang walang katapusang kalungkutan?
Kaya ba mas pinipili na lang nilang gawin yon dahil makasarili sila?
Dahil hindi na nila inisip ang mga taong pwedeng maapektuhan kapag nawala sila?


Hanggang kailan ba sila magtitiis?
Hanggang kailan sila magpapanggap?
Hanggang kailan nila titiisin ang hirap at lungkot na kumakain sa buong pagkatao nila?

Wala na ba talaga silang pag asang lumigaya?


Pero paano kung kelan handa ka nang umalis at iwan lahat lahat, saka naman dumating yung kaligayahang kay tagal mong hinintay?

Paano kung nagkaraoon ka na ulit ng dahilan para ipag patuloy ang buhay?
Paano kung unti unti mo nang nakikita ang ganda ng buhay sa mundo?


At paano kung huli na ang lahat para piliin ito?

Chasing Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon