14

4.5K 179 15
                                    

Cassidy's

On my way to our house sobrang kinakabahan ako alam ko kasi galit si mama at hindi ko alam kung bakit.

Pag pasok ko sa gate the first thing that the maid told me is lasing si mama.

So mas lalo ako kinabahan.

When I enter the house it's dark at nagulat nalang ako ng may tumilapon na bote ng wine sa akin buti nalang talaga nakailag ako kung hindi baka duguan na yung mukha ko.

"Saan ka galing? Di ba dapat uuwi ka ng sabado?" She asked

Wow for the first time hinanap niya ako.

"Lumabas kami ng team--" hindi ko na natapos sasabihin ko ng binato niya ako ulit ng bote.

Sa sobrang gulat ko napasigaw ako.

"Sinungaling!!" She shouted.

"Nakita kita kasama mo yung Wong. Yung anak ni Deanna Wong, bakit kayo magkasama?" She asked.

Nagulat bako why is she asking me about that.

"Lu- lumabas kami.---"

"Bakit! Ano ba kayo ha!"she cut me

"Kaibigan ko siya Ma."

"Kaibigan? Layuan mo siya hindi ka dapat nakikipagkaibigan sa mga tulad niya." She said

"Bakit Ma? Bakit hindi? ano ba ginawa niya ha? Ni hindi mo nga siya kilala O baka naman galit ka kasi si Deanna yung magulang niya, naaapakan ba ego mo." I can't help but to answer her.

Wala siya sa lugar para diktahan ako sa kung sino kakaibiganin ko.

"Sumasagot kana! Wala kang utang na loob."

I can't help but to be emotional, sino ba siya para pakialaman buhay ko,mula bata ako wala siyang inambag sa paglaki ko.

How dare  her!

"Utang na loob ma? Wala ako utang na loob sayo kay Grandma siguro oo pero sayo wala, wala kang karapatan pakialaman ang buhay ko!"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko.

This is the first time na pinagbuhatan niya ako mg kamay, kahit naman kasi ayaw niya sakin hindi niya ako sinasaktan.

"Pasalamat ka binuhay kita! Kahit sinira mo ang buhay ko! Lahat nawala sakin ng dumating ka!"

Bakit ba ko nalang lage ang sinisisi niya hindi ko naman kasalanan na anak niya ako.

"Sana mga ma hindi mo nalang ako binuhay eh, sana pinalaglag mo nalang ako or iniwan sa apunan sana pinabayaan mo nalang ako!" I shouted sobrang sakit niya magsalita.

I wipe my tears, I want to explode.

Sorry Grandmom kung hindi ko na masusunod yung mga binilin mo hindi ko na kasi talaga kaya.

"Hindi ko naman kasalanan na naging anak mo ako! Sino ba nakipaginuman sa isang lalake na ilang araw mo palang nakilala, kasalanan mo yun! kahit naman kasi tomboy ka babae ka parin sa paningin nila! Hindi ko kasalanan na narape ka! Hindi ko kasalanan na anak mo ako kasi kung bibigyan ako ng pagkakataon hindi ikaw ang gugustuhin kong maging ina!" I said

"Hindi kita anak!" Nagulat ako sa sinabi niya.

"Wha--what?!"

Mukhang pati siya nagulat sa sinabi niya.

"Ano-- yun?." My tears are flowing non-stop.

"Wala! Lumayas ka sa harap ko, makita pa kita ulit na kasama ang Wong na yun sa labas bukod sa volleyball, kakaladkarin kita pabalik sa Canada sa ayaw at gusto mo." She said

Maybe this timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon