Chapter FOUR

716 20 0
                                    

Chapter 4

"Mabuti naman at nakarating ka."sabi ng pinaka-magandang tinig na narinig ko sa buong buhay ko.

"Shantal..."wala akong masabi noong nasa harapan ko na siya. Kahit napaka-simple ng suot niyang damit ay makikita pa rin ang kagandahan niya.

"Halika sa loob. Doon tayo mag-usap."

"Si-sige."nauutal kong sagot at sumunod sa kanya.

"Maupo ka."

"Salamat. Eto nga pala bulaklak."sabi ko at iniabot ko ang dala kong bulaklak.

"Sana hindi ka na nag-abala pa."sagot niyang hindi tinatanggap ang ibinibigay kong bulaklak.

"Bakit, ayaw mo ba ng bulaklak?"malungkot kong tanong.

"Hindi naman kita pinapunta dito para manligaw. Pinapunta kita dito para sabihin sayo na tigilan mo na ang pagpapadala ng sulat sa akin."seryoso niyang sabi.

"Pero bakit? Hindi mo ba nagustuhan ang mga sinabi ko sa sulat?"

"Hindi ko binasa ang mga sulat na ibinigay mo sa akin. Wala kahit isa."

Nanlumo ako sa mga sinabi niya. Ang sulat na pinagbuhusan ko ng buong puso ko at pagmamahal ay hindi man lamang binigyang pansin ng babaeng mahal ko.

"Ayaw mo ba sa akin?"tanong ko at hinagip ang kayang kamay.

"Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong mo. Pero isa lang ang sigurado sa nararamdaman ko para sayo, hindi pag-ibig yon."

"Pero.. Magbabago ako para sayo. Magpapakatino ako. Hindi na ko titingin sa ibang babae. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon. Please."pagmamakaawa ko.

"I'm sorry, Tyron. Hindi kita kayang mahalin."sabi niya at aalis na sana pero pinigilan ko siya.

"Please, Shantal."maka-awa ko at lumuhod sa harap niya. "Please, give me a chance to prove to you that I can change for you. Please."

"I'm sorry."sagot niya at tuluyan na akong tinalikuran.

"Tyron, anong ginagawa mo?"tanong ni Jane ng makitang nakaluhod ako.

"Nothing."sagot ko. Tumayo ako at walang lingong umalis sa bahay ni Shantal.

Sobrang sama ng loob ko. Iisang tao lang ang minahal ko ng totoo tapos ganito pa ang mangyayari? This is not fair!

"Hello, bro! Lets drink. My treat."sabi ko kay Kev.

"Sige, hintayin mo na lang kami diyang sa bar ni Tom."sagot ni Kev.

"Sige. Hurry!"

"Bro, what's up? I thought you stopped drinking."sabi ni Tom.

"Yah. But I need it now."sagot ko.

"Is it because of Shantal? Did she rejected you?"

"You're right. But why? Ano pa bang kulang sa akin para hindi niya ako magustuhan?"

"Bro, walang kulang sayo. Nasobrahan ka lang sa looks kaya lapitin ka ng babae at baka yun ang dahilan kung bakit ka niya ni-reject in the first place."

"Then what should I do?"

"Kaya mo bang iwasan ang mga babaeng nagpapa-cute at nagpapa-pansin sayo?"

"Oo naman. Wala lang naman sila sa akin eh. "

"Yun, di doon ka magsimula. Change your image. Baka sakaling magbago din ang pagtingin niya sayo."

"Sige, i'll try that. Thanks, bro."sabi ko kay Tom at uminum ulit.

"Hey, meron ba akong namiss?"tanong ni Kev.

"Yah. Problem solved. You can go home now and sleep."biro ko.

"Grabe, painum muna ako ng isa at uuwi na ako."sagot ni Kev.

"Okay, uminum ka lang hanggat gusto mo."naka-ngiti kong sabi.

"Okay, Tom, give me my drink. Damihan mo agad."utos ni Kev.

Bago bigyan ni Tom si Kev ng order nito ay tumingin pa siya sa akin. Maybe tinatanong niya ako kung bibigyan ba niya ito. Tumango ako bilang sagot.

"Bro, alis na ako. Thanks sa advice."paalam ko kay Tom.

"No problem. Basta ikaw. Take care."sabi ni Tom.

"Bro, thanks sa drinks. Ubusin ko lang to at uuwi na ako. Next time ulit ha."sabi naman ni Kev.

"Yah, sure."sagot ko.

"Ilista mo na lang sa akin ang drinks ni Kev na yan. Kapag umorder ulit siya, siya ng magbabayad noon."naka-ngiti kong sabi.

"Okay bro."sagot ni Tom.

Lumabas na ako ng bar. Dumiretsyo na ako sa bahay at doon ipinagpatuloy ang pag-inum.

Pinag-iisipan ko kung ano pa ang pwede kong gawin para pansinin na ako ni Shantal.

Wala akong maisip. Hindi ako magaling sa ganitong bagay eh. Sanay akong ako ang nilalapitan ng mga babae.

Pero bakit iba si Shantal? Bakit hindi niya ako gusto? Anong hindi niya magustuhan sa akin?

Paano ko ba siya mapapa-ibig sa akin? Ano bang kailangan kong gawin?

~EndOfChapter4~

Stolen Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon